Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:50At lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romualdez.
00:59Ayon kay Ko, kauupo lang niya bilang House Committee on Appropriations Chair nang nakatanggap na siya ng utos mula kay Romualdez.
01:08Sinabi na agad sa akin ni Speaker Romualdez na kailangan ko makapag-deliver ng 2 billion pesos kada buwan.
01:16At inutusan niya ako na mag-deliver ng 1 billion pesos para kay BBM, ibigay kay Yusek Jojo Cadiz dahil ito raw ang drop-off point na malapit sa bahay ng Pangulo.
01:29Sinabi rin po sa akin, Speaker Martin Romualdez, na si PBBM ang nag-utos sa kanya na bilhin ang bahay para gamitin bilang bagsakan at ibaka ng pera mula sa mga SOP collection at deliveries na para sa Pangulo.
01:44Sa hiwalay na post, ipinakita naman ni Ko ang mga litrato na anya'y listahan ng mga delivery ng malay-maletang pera para anya sa Pangulo at kay Romualdez.
01:56Noong December 2, 2024, personal kong i-deliver ang 200 million kay Yusek Jojo Cadiz.
02:03Ayon sa kanya, dadalin daw niya ito sa bahay ng Pangulo.
02:07Noong December 5, 2024, muli akong nag-deliver ng 800 million sa parayong address at Yusek Jojo Cadiz pa rin ang tumanggap.
02:19Sabi niya, iyon naman ay dadalin sa bagong bahay ng Pangulo.
02:23Umabot daw sa mahigit 55 billion pesos ang naihatid niya sa bahay ni Romualdez.
02:30Madalas hindi nabubuo ang hinihinging 2 billion pesos bawat buwan ni Speaker, kaya iyan ang final total.
02:41Ang sinabi mismo ni Speaker Martin sa akin na hati sila ni Pangulong Marcos sa pera niyan.
02:47Hinihinga namin ang pahayag ang Malacanang kaugnay ng bagong video na ito ni Ko.
02:53Pero sa isang press con kanina, hinamon ni Pangulong Marcos si Ko na umuwi na lang sa Pilipinas at harapin ang kanyang mga kaso.
03:02Mahaba ng naging makausapan natin tungkol sa fake news.
03:05Anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things.
03:10Maulit-ulit.
03:13But it means nothing.
03:17For it to mean something, umuwi siya dito.
03:20Harapin niya yung mga kaso niya.
03:23Ako, hindi ako nagtatago eh.
03:24Kung meron pa ang akosesyon sa akin, nandito ako.
03:27Sinusubukan din namin makuna ng pahayag si Romualdez at Cadiz,
03:32kaugnay ng bagong video ni Ko.
03:34Si Navotas City Representative Toby Tianco,
03:38naniniwalang walang kinalaman sa isyo sa budget ang Pangulo.
03:42Nasaksihan daw niya kung paano sitahin ni Pangulong Marcos si Romualdez
03:46dahil umano sa pagkuhan ng pondo.
03:49Nangyari raw ito noong November 24 ng nakaraang taon
03:53pagkatapos ng regular na tanghalian ng kanilang pamilya sa Malacanang.
03:58Magpipinsan ang Pangulo, si Romualdez at asawa ni Tianco.
04:02Ito niya pinagalitan si former Speaker Martin Romualdez at sinabi na kayo ni Saldi ko,
04:08sobrang na kayo, kinukuha niyo lahat ng pondo at wala akong nagagawang flagship project.
04:15Isa pa pa lang na sinabi niya in front of me is,
04:18kayo ni Saldi, ang dami niyong kinukuha, grabe yung corruption sa house,
04:24at alam mo Martin, wala akong natatanggap dyan.
04:28Sabi ni Tianco na pag alaman niya kalaunan na nag-alit ang Pangulo
04:33dahil nagsumbong daw ang Japan International Cooperation Agency o JICA sa Pangulo
04:38na ang counterpart na pondo ng Pilipinas para sa mga proyektong pinupondohan ng JICA
04:44ay tinanggal sa pampansang budget.
04:47Ang nangyari noong nangako si former Speaker Martin Romualdez
04:52na kung ano man yung tinanggal ng mga flagship projects ay ibabalik sa BICAM.
04:57Nung lumabas yung BICAM, nung lumabas yung GAA noong January, wala yung mga projects na yun.
05:04Pinihinga namin ang reaksyon tungkol dito si Romualdez pero wala pa siyang tugon.
05:10Noong isang linggo, inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
05:15at ng Department of Public Works and Highways o DPWH na kasuhan ng plunder, graft at direct bribery
05:23si Romualdez, Co at iba pa.
05:26Sa referral ng ICI, sinabi nitong isinumite nila ito nang walang findings o konklusyon
05:33na guilty o may pananagutan si Romualdez.
05:36Bagay na binigyang diinang kampo ni Romualdez.
05:39This clear statement reinforces our confidence in the Commission's impartiality
05:45and affirms the constitutional role of the Ombudsman as the sole authority
05:51empowered to make determination on accountability.
05:56Dati nang itinanggi ni Romualdez na kumita siya mula sa flood control projects.
06:01Isinumite naman ang PNPCI-DG sa ICI ang halos isandaang kaho ng ebidensya at dokumento
06:09galing sa kanilang imbesigasyon sa 28 flood control projects mula sa Region 1 hanggang Region 9.
06:17Once we determine those ghost projects, we will refer the matter like what we do in the previous ones.
06:24Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
06:29Mga kapuso, maging una sa saksi.
06:34Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment