Skip to playerSkip to main content
Sa panibagong video na inilabas ni dating House Appropriations Chair Zaldy Co, Sinabi niyang aabot sa isang bilyong pisong cash ang personal niyang inihatid sa bahay sa Makati na para aniya kay Pangulong Bongbong Marcos. Sa utos umano ito ni dating House Speaker Martin Romualdez.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa panibagong video na inilabas ni dating House Appropriations Chair Zaldico,
00:05sinabi niyang aabot sa 1 billion pisong cash ang personal niyang inihatid sa bahay sa Makati
00:11na paraan niya kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:14Sa utos umuno ito ni dating House Speaker Martin Romualdez at nakatutok si Tina Pangniban Teres.
00:231 billion pesos ang personal kong nahihatid.
00:26Ako mismo ang nagbigay ng pera kasama ang aking driver at mga tauhan.
00:34At lahat ito ay base sa direktang utos ni Speaker Martin Romualdez.
00:41Ito ang inilahad ni dating ako, Bicol Partylist Representative Zaldico,
00:46sa panibagong video na kanyang inilabas sa kanyang social media page ngayong araw.
00:51Sabi ni Ko, noong kakaupulang niya bilang House Committee and Appropriations Chair,
00:57may natanggap siyang utos mula kay nooy House Speaker Martin Romualdez.
01:02Sinabi na agad sa akin ni Speaker Romualdez na kailangan ko makapag-deliver ng 2 billion pesos kada buwan.
01:10Ayon kay Ko, batayan niya sa instruction ni Romualdez ipinadala raw ito sa isang bahay sa Makati.
01:17Inutusan niya ako na mag-deliver ng 1 billion pesos para kay BBM at ibigay kay Yusek Jojo Cadiz
01:25dahil ito raw ang drop-off point na malapit sa bahay ng Pangulo.
01:31Sinabi rin po sa akin, Speaker Martin Romualdez, na si PBBM ang nag-utos sa kanya
01:36na bilhin ang bahay para gamitin bilang bagsakan at imbaka ng pera
01:41mula sa mga SOP collection at deliveries na para sa Pangulo.
01:46Sa hiwalay na post, ipinakita ni Ko ang mga litrato na anyay listahan
01:51ng mga delivery ng mali-maletang pera para anya sa Pangulo at kay Romualdez.
01:58Noong December 2, 2024, personal kong i-deliver ang 200 million kay Yusek Jojo Cadiz.
02:05Ayon sa kanya, dadalin daw niya ito sa bahay ng Pangulo.
02:09Noong December 5, 2024, muli akong nag-deliver ng 800 million sa parayong address
02:15at Yusek Jojo Cadiz pa rin ang tumanggap.
02:20Sabi niya, iyon naman ay dadalin sa bagong bahay ng Pangulo.
02:24Sabi ni Ko, umabot sa mahigit 55 billion pesos ang naihatid niya sa bahay ni Romualdez.
02:32Madalas hindi nabubuo ang hinihinging 2 billion pesos bawat buwan ni Speaker.
02:40Kaya iyan ang final total.
02:43Ang sinabi mismo ni Speaker Martin sa akin na hati sila ni Pangulong Marcos sa pera niyon.
02:49Hinihinga namin ang malakanyang ng pahayag kaugnay sa bagong video ni Ko.
02:54Pero sabi kanina ng Pangulo, umuwi na lang dito si Ko at harapin ang kanyang mga kaso.
03:01Sabi ng Pangulo, hindi siya nagtatago kung mayroon mang akusasyon laban sa kanya.
03:07Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nahatuto, 24 Horas.
03:13Sunusubukan namin kunan na pahayag sina Congressman Martin Romualdez at DOJ Undersecretary Giorgio Cadiz
03:21kaugnay ng mga bagong pahayag ni Zaldi Ko.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended