Skip to playerSkip to main content
Nakakulong na sa Quezon City jail at sa female dormitory sa loob ng Camp Caringal ang pitong akusado kaugnay sa maanomalyang proyekto kontra-baha sa Oriental Mindoro. Nakapagpiyansa naman ang isa matapos silang iharap sa Sandiganbayan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakakulong na sa Quezon City Jail at sa Female Dormitory sa lab ng Cab Karingal ang 7 akusado.
00:06Kaugnay sa manumalyang proyekto kontrabaha sa Oriental Mindoro.
00:10Nakapagpiansa naman ang isa matapos silang iharap sa Sandigan Bayan.
00:13Nakatutok si Maki Pulido.
00:20Matapos maaresto ng NBI at ng PNP,
00:23iniharap sa Sandigan Bayan ang unang batch ng mga kinasuhan
00:26kaugnay ng umanoy anomalya sa Flood Control Project.
00:30Mga opisyal at dating opisyal ng DPWH Mimaropa.
00:33Walo sila sa labing limang kapwa akusado ni dating Congressman Zaldico
00:37sa mga kasong graft at malversation.
00:40Kaugnay ng substandard umanong proyekto sa Nauhan Oriental Mindoro
00:43na nagkakahalaga ng 289 milyon pesos.
00:46Kasama dito sina dating DPWH Regional Director Gerald Paganan,
00:51mga Assistant Regional Director na sina Jean Ryan Altea at Ruben Santos,
00:55mga Division Chief na sina Dominic Serrano at Juliet Calvo,
00:59Division OIC Dennis Abagon, Project Engineer Felizardo Casuno,
01:04at Accountant Lerma Caico.
01:07Una silang hinarap sa Sandigan Bayan 5th Division para sa kasong paglabag
01:11sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3E,
01:14isang bailable offense.
01:16Pero ang kaso nilang malversation of public funds sa Sandigan Bayan 6th Division,
01:20non-bailable dahil higit sa 8.8 milyon pesos ang di umano yung minakaw na pondo ng gobyerno.
01:26Dahil hindi kasama sa kasong malversation,
01:29tanging si Calvo ang nakapagpiansa ng 90,000 pesos at nakauwi matapos siyang iharap sa korte.
01:35Nag-issue ng commitment order ang 6th Division para iditine ang anim na lalaking akusado
01:40sa Quezon City Jail sa Payatas.
01:43Dahil hindi pahanda ang kulungan para sa mga babae sa QC Jail,
01:47ideditine si Caico sa female dormitory sa loob ng Camp Karingal.
01:51Sa Huwebes, babasahan ng sakdal para sa kasong graft ang mga akusado.
01:55Habang sa December 2 ito gagawin para sa kasong malversation.
01:59Magtatakda ng ibang petsa sa arraignment ng mga akusadong nananatiling at large.
02:04Dalawa rito, mga opisyal ng DPWH Mimaropa,
02:08limay Board of Directors ng construction company na SunWest
02:11at SICO na pinaniniwala ang nasa ibang bansa.
02:14Para sa GMA Integrated News,
02:17Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended