Skip to playerSkip to main content
Hindi pa tuluyang "carmageddon" ngayon sa Metro Manila. Pero may patikim na ng bumper-to-bumper na trapiko habang papalapit ang holiday rush.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pa tuloy ang Carmageddon ngayon sa Metro Manila pero may patikim na ng bumper-to-bumper na traffic habang papalapit ang holiday rush.
00:08Nakatotok si Dano Tingkungko.
00:13Araw ng linggo ngayon at hindi naman sahod weekend para sa karamihan.
00:18Pero tanghali pa lang kanina, mabagal na ang daloy ng trafico sa maraming bahagi ng EDSA.
00:23Kapansin-pansin ito lalo sa mga lugar na malapit sa mga mall.
00:26Tulad na lang sa EDSA North Avenue, Cubao, Ortigas at Shaw Boulevard.
00:32Masasabi na bang Carmageddon na kung MMDA ang tatanungin bahagi na ang pagbigat na ito ng karaniwang pagbigat tuwing Bermons.
00:41Pero ang tunay na sinasabing Carmageddon, unang linggo ng Disyembre pa raw talaga mararamdaman.
00:47Sabi ng MMDA, nakatali karaniwan ang bigat ng trafico sa kung kailan natatanggap na mga empleyado ang kanila mga bonus.
00:54We have to consider also yung season eh, yung budget season ng mga tao.
00:59Normally, yung mga 13-month pay, Christmas bonuses, it does not come as early as November, mid of November or end of November.
01:06Yung iba dyan pumapasok first week of December, second week of December.
01:10So the peak of the Carmageddon or the heavy traffic rush for the Christmas,
01:15definitely it will start or mas mararamdaman natin ito by December first week.
01:19Ang average daily vehicle volume sa EDSA na nasa 200,000 to 250,000 lumulobo tuwing holiday rush ng hanggang 380,000 to 400,000 kada araw.
01:31At dahil taon-taon naman daw talagang nangyayari ito, maaga pa lang daw may mga paghahanda nang ginawa ang MMDA.
01:37Bukod sa clearing operations, lalo sa mabuhay lanes at national roads, adjusted ang mall hours na ngayon ay 11am hanggang 11pm.
01:46In-extend natin, yung opening time nila adjusted to 11 in the morning.
01:51So magkakaroon ng segregation ng mga pagpasok ng tao, especially the employees ng mga mall operators natin.
01:58Distributed yung magiging volume ng sasakyan at volume ng mga tao na nagustong pumunta sa mall
02:04because they don't have to rush just because magkuklosing na yung mall ng 9pm.
02:09Nilimitahan din ang oras ng delivery sa mga mall na mula 11pm hanggang 5am,
02:15pwera sa pagkain at perishable items.
02:18Tuwing weekend lang din pwede ang mga mall-wide sale.
02:21Kung may mga paandar naman ng mga mall,
02:23kailangan nila magsumitin ang traffic management plan sa MMDA dalawang linggo bago ang event o promosyon.
02:29Suspendido rin ang lahat ng excavation work sa Metro Manila at mga karatig lungsod.
02:34Extended din ang shift ng traffic enforcers.
02:37Para sa GMA Integrated News,
02:39daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended