00:00Si Fatima Bosch ng Mexico ang bagong Miss Universe, pero nabahiran ng kontrobersiya ang kompetisyon.
00:08Ang isang nagbitaw na judge, inakusahan ng pagkapanalo ni Bosch na peke at luto.
00:14Yan ang entertainment spotlight ni Bea Pinlak.
00:19Miss Universe is...
00:22Mexico!
00:22Fatima Bosch ng Mexico kinurunahang 74th Miss Universe.
00:31Bago ang coronation, naging kontrobersyal si Miss Mexico nang makasagutan si Miss Universe Thailand National Director na Wat Itzara Grisil dahil sa diraw pagdalo sa sponsor shoot.
00:44Pinutol din daw ng opisyal ang pagpapaliwanag niya at tinawag pa raw na dumbhead.
00:48Security!
00:48Nag-walk out noon si Miss Mexico na sinundan ng ilang kandidata, pati si Miss Universe 2024, Victoria Thilvig ng Denmark.
00:59I just try to be kind. I'm trying to give my best.
01:03And he just said to me, and shut up, and a lot of different things.
01:06And I think that the world needs to see this because we are empowered women.
01:11And this is a platform for our boys.
01:14And no one can shut our boys.
01:17And no one will do that to me.
01:20Nag-sorry si Nawat kay Miss Mexico at iba pang kandidata sa ANEA misunderstanding sa pageant.
01:26Iginiit din niyang damage at hindi dumbhead ang sinabi niya kay Bosch.
01:30Sabi naman ang Miss Universe organization,
01:33prioridad nila ang respect, safety, and integrity ng lahat ng participant staff at stakeholders.
01:41Third runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Atisa Manalo.
01:45First runner-up si Miss Thailand at nasa top 5 din si Miss Venezuela at si Miss Cote Devois.
01:51Pero ang resulta ng kompetisyon, luto o rigged ayon sa Lebanese-French musician na si Omar Harfouche
01:57na nag-resign bilang judge dalawang araw bago ang coronation.
02:01Handa raw niyang kasuhan ng Miss Universe organization.
02:04Aniya, may binuuna raw na jury at pumili ng top 30 bago pa dumating ang official jury ng pageant.
02:11Dagdag niya, magkasosyo raw sa negosyo ang may-ari ng Miss Universe na si Raul Rocha at tatay ni Bosch.
02:18At kinausap siya ni Rocha at anak nito para ipanalo si Miss Mexico.
02:23Ilan sa mga paratang na yan ay binanggit ni Harfouche sa araw ng kanyang pagbibitiw.
02:26Wala pang bagong pahayag ang Miss Universe organization tungkol sa mga aligasyon.
02:32Bagamat sa isang pahayag matapos magbibitiw ni Harfouche,
02:35ikiniititong walang binuong patagong jury,
02:38walang ibang inauthorized na sumala ng finalists,
02:41at sinusunod nila ang mga protokol ng organisasyon.
02:44Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments