- 16 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Pinagsamantalahan na nga, tinatakot pa umano ng suspect ang minor de edad niyang biktima
00:05na ipakakalat ang kanilang video kapag hindi muling nakipagkita sa kanya
00:09ang pagdakip sa suspect tunghayan sa pagtutok ni June Fenerasyon.
00:22Pahirapan ang pag-aresto sa suspect na pumapalag pa raw sa PNP anti-sabic crime group
00:27nang arestuhin sa kanyang tinitirhan sa Sariaya, Quezon.
00:31Inireklamo siya ng panggagahasa at pambablockmail sa 16-adjust na babae.
00:36Nagkakilala raw ang biktima at suspect sa social media kung saan paminsan-minsan silang nagkakausap.
00:43At September nang yayain ng suspect ang biktima na pumunta sa kanyang tirahan.
00:48Pinagkakuha lang siya na may ibibigay sa kanyang pera, kaya pumunta siya doon sa bahay.
00:55Parang kukunin niya lang.
00:56Magkano sir yung pinangakunta?
00:58Actually, ayon sa report, 200 pesos lamang.
01:01Ang hindi niya alam, may masama palang mangyayari sa kanya.
01:05Unknowingly, pagpasok niya sa bahay, siya ay tinakot, pinagsamantalhan.
01:12So, hindi pa alam, ang bata, ito ay kinunan ng video.
01:17Ilang linggo lumipas, baka rin ang panggagahasa.
01:20Ipinadala ng suspect ang video sa biktima.
01:22At nagbantang, ipapakalad kung hindi muling makikipagkita sa kanya.
01:27Nagsumbong ang biktima sa kanyang ina, kaya nalaman ng mga polis.
01:31Dito na nagsagawa ng operasyon itong miyarkules.
01:34Maharap sa reklamong rape ang suspect.
01:36At di pa pang naon ang criminal complaint na naisang pa ilaban sa kanya, gaya ng grave coercion.
01:42Sinusubukal pa namin siyang makuha na ng pahayag.
01:45Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon, Akatutok, 24 Oras.
01:51Nagsumitin ang counter affidavit ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya sa preliminary investigation ng Department of Justice.
01:58Para yan, sa reklamong tax evasion na isinampas sa kanila ng Bureau of Internal Revenue of BIR,
02:06kag-nay sa mahigit 7 bilyong pisong halaga ng buis na hindi umanun nila binayaran mula 2018 hanggang 2021.
02:15Ayon kay Justice Spokesperson, Polo Martinez,
02:18nakatakdang mag-sumitin ang reply affidavit ang BIR sa December 5.
02:24Nasusundan ng pag-sumitin ng rejoinder affidavit sa December 19.
02:30At large at wala na sa kustudiya ng Kamara si Cassandra Lee Ong
02:35nasangkot sa mga kasong may kinalaman sa human trafficking at iligal na pogo
02:40pati sa kasong money laundering laban kay Alice Guo.
02:44Tinutugis na siya ng mga otoridad at nakatutok si Marise Umali.
02:48Sa pagdinig ng Senado para sa proposed budget ng Department of Justice para sa taong 2026,
02:56laking gulat ng mga senador nang mabunyag na nakalabas na pala sa detensyon si Cassandra Lee Ong.
03:02Si Ong ang isa sa mga suspects sa qualified human trafficking,
03:05kaugnay ng operasyon ng Lucky South 99 Pogo Hub sa Porak, Pampanga.
03:10Sangkot din siya sa kasong money laundering na inihain laban kay Alice Guo.
03:14Si Cassandra Lee Ong po ba? Under detention pa rin ba siya ngayon?
03:18Mr. Chair?
03:19Ngayon po si Cassandra Lee Ong, naka-release siya.
03:25Paano po nangyari yun, Mr. Chair?
03:28Mr. President, actually nagulat rin ako.
03:32Pareho tayong nagulat kasi tinututukan natin itong case.
03:36Dinitain ng kamara si Ong noong Agosto at September noong 2024
03:40dahil sa hindi niya pagsusumiti ng mga dokumento na hinihingi sa kanya ng Quadcom noon.
03:45Dahil sa kanyang medical condition, nilift ng komite ang contempt order sa kanya noong December 2024
03:51na nagbigay daan para makalaya siya.
03:53Unfortunately, because nung nakalabas siya at saka lang na-filing kaso, at-large siya ngayon.
04:02Wow.
04:03Mr. President.
04:04So meron na siyang kaso ho sa RTC branch 157 of Pasig.
04:14Ito po yung human trafficking case involving the Lucky South 99 compound in Pora.
04:22So paano na po magiging katulad ba sa sitwasyon ng gobyerno kay Harry Roque
04:27na hindi present yung tao para humarap sa proseso?
04:31Paano pong mangyayari ngayon, Mr. Chair, kay Cassandra Leong?
04:34The same po with Harry Roque.
04:36Since mayroon na siyang warrant of arrest, sinahanap na po siya ng ating kapulisan dito po sa...
04:43within our jurisdiction, pinapa-verify ko lang po sa BI kung nakalabas na or nakatakas na.
04:49But automatic naman po yung whole departure order.
04:52So pinapa-verify lang po kung nakawala na.
04:56Kumukuha pa rao na impormasyon ng Bureau of Immigration kaugnay sa Lucky South 99
05:01kay Cassandra Leong at pati kay Harry Roque na agad naman daw isusumite sa Senado.
05:05Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Horas.
05:13Mga kapuso, maging handa pa rin sa posibleng pag-ulan ngayong weekend.
05:18Base sa datos ng Metro Weather, Sabado ng umaga may chance na ng ulan sa Northern Luzon,
05:23Quezon Province, Leyta at Caraga Region.
05:26Mas marami ng ulanin sa Northern Luzon sa Kapon habang may kalat-kalat na ulan pa rin sa Visayas at Menderaw.
05:32Magpapatuluyan sa linggo.
05:33Pero mas malawakan ang pag-ulan sa Menderaw lalo ng bandang Kapon.
05:37Maging alerto rin tuwing may thunderstorms na may dalang malakas na hangin at ulan.
05:42Mga kapuso, gaya na nangyari sa Dumaguete City, Negros Oriental,
05:53kung saan naranasan ng malakas na bugso ng hangin na sinabayan ng pag-ulan.
05:57Sumilong na lamang ang ilan sa canopy na kalos tangayin na ng hangin.
06:01Ang ilang tent nagtumbahan at may ibang tuluyang nilipad.
06:06Walang naiulat na nasaktan pero pansamantala umanong nawalan na supply ng kuryente.
06:09May chance rin ng localized thunderstorms sa Metro Manila ngayong weekend, lalo sa bandang hapon o gabi.
06:15Sabi ng pag-asa, tumataasan chance na may mabuong bagyo sa mga susunod na araw na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
06:24Sakaling matuloy, tatawagin itong bagyong Verbena.
06:28Sa inisyal na dato sa pag-asa, maaaring itong dumaan sa Northern Mindanao, Visayas at sa Dalazon.
06:33Pwede pang magkaroon ng pagbabago, kaya tutok lamang sa updates.
06:38Mga kapuso, may ginisan linggo na lang, papasok na tayo sa buwan ng Desyembre.
06:44Panahon kung kailan mas dumarami ang mga nang-i-scam.
06:49May inilunsad ng programa ang gobyerno at nagbigay rin ang mga tip para hindi maging biktima.
06:55Nakatutok si Maki Pulido.
06:57Mula sa unang linggo ng Desyembre hanggang sa bagong taon, mag-ingat dahil ito raw ang peak ng online scam ayon sa DICT.
07:09Gamit ang datos mula sa Banko Sentral ng Pilipinas.
07:12Sabi ng DICT, noong 2024, sa 6 na bilyong pisong kabu ang halaga na nalimas dahil sa mga online scam.
07:19Apat na bilyon dito na online scam sa panahon ng Pasko.
07:23May dagdag na babala ang DICT. Kung biglang 2G o 3G ang signal, huwag mag-online transaction.
07:40Di raw ligtas dahil maaaring may aparatong kung tawagin ay MC Catcher o Stinger na masasagap ang mga impormasyong tinatype mo sa cellphone.
07:48Di ni-deploy yan malapit sa mga malls o mga restaurant.
07:53Kaya nga, di ba, magtataka ka, teka, paano nila nakuha yung bank account ko or ano?
07:59Yung pala, nag-transact ka somewhere na malapit sa isang MC Catcher.
08:04Kaya importante, mawala ang 2G, 3G.
08:06Pag nawala siya, or yung babala namin sa publiko,
08:09pagka magtatra-transact ka ng online banking o kaya ma-GG Cash ka,
08:14tignan nyo na 5G.
08:175G o kaya 4G.
08:18Kaya inilunsad ng DICT ang offline Paskong Sigurado.
08:23Hindi lang para paalalahanan ng publiko na mag-ingat para makaiwas sa online scam,
08:27kundi para ihanda ang mabilis na responde sa mga sumbong sa hotline 1326.
08:32Tandaan ang 12 Scams of Christmas kung saan online shopping at fake delivery scam ang mga nangunguna.
08:39Mula December 12 to 25 daw ang highest risk.
08:43Pero mainit pa rin ang online scam hanggang bagong magbagong taon.
08:46After Christmas, scams shift to returns, exchanges, fake raffle wins and New Year promo scams,
08:55increase in e-load scams, fake refund notifications and phishing disguise,
09:02as year-end sales.
09:04Nabiktima na noong nakaraang taon si Jeric nang mag-order ng intercom pero baby wipes ang diniliver.
09:10Kaya ngayon daw sa mga legit online seller na lang siya umu-order sa halip na sa mga seller sa social media.
09:16Hindi ako umu-order, kumbaga pass, lipat ako.
09:19Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
09:24Nagsagawa kanina ng mga kilos protesta ang iba't-ibang grupo para ipanawagang panagutin
09:30ang mga sangkot sa korupsyon.
09:32Sabi nila, hindi matatapos ang laban hanggang walang nakukulong.
09:37Nakatutok live si Von Akin.
09:40Von!
09:43Vicky, walang ngihinto, walang bibitiw sa pangangalampag hanggat hindi na ikukulong ang mga nagnakaw sa kabanang bayan.
09:51Yan nga ang pahayag ng mga civil society groups at organization na muling nagkilos protesta dito sa Makatis City.
09:58Tuloy ang kilos protesta sa pamamagitan ng White Ribbon Walk Against Corruption ng Tindig Pilipinas Koalisyon
10:12upang hinging mapanagot ang mga nasa likod ng katiwalian sa gitna ng mga pagkamatay
10:18dahil sa bahang idinulot ng mga guni-guning flood control projects.
10:22Pinangunahan ito ng August 21 Movement, Akbayan, Liberal Party, Magdalo Members at Makati Villages Council.
10:34Matapos nito, nagsagawa sila ng programa sa Ninoy Aquino Monument sa Kanto ng Paseo de Rojas.
10:40Ngayong meron ng arrest warrant para sa dating kongresistang si Zaldico at iba pa,
10:44kaugnay sa flood control anomaly, sabi ng koalisyon.
10:47Sana hindi ito maging dahilan para mag-let go ng konti ang mga tao
10:54because the fight is not true until we see some people going to jail.
10:59We have to make sure that these people stays in jail.
11:04Positibong hakbang na i-aresto si Zaldico pero alalahanin din po natin na huwag siyang patihimikin.
11:09Bagamat may mga dubious content dito sa testimonya niya, sana bigyan siya ng due process para mailabas din niya yung ebidensya na inaalam niya.
11:20Mga grupo naman ang kabataan at estudyante ang nagkilos protesta sa Mendiola sa Maynila.
11:26Lahat ang sangkot!
11:29Ang artikulo 11 na koalisyon ng mga sectoral at progressive organizations nagmarcha sa UP Diliman Campus.
11:36Ang paninindigan namin ay dapat lang managot si Marcos, si Duterte at lahat ng sangkot sa corruption.
11:46Walang dapat sinuhin. Walang dapat malibre.
11:52Inanunsyo rin ang artikulo 11 na lalahok sila sa kilos protesta sa November 30 sa Rizal Park, Luneta.
11:59Samantala inilugsad naman ang Catholic Advocates for Responsible Electorates ang Prayer Warriors Against Corruption campaign na layong hikayatin ang mga mananampalatayang Katoliko na ipagdasal ang ating bansa.
12:12Aside from going out in the streets, shouting and condemning officials, government officials who have really committed, well, should we say abuses and corruption against the government,
12:26we would also want to encourage our people that we should be prayerful, that we are asking the blessings of the Almighty God and of course particularly the Blessed Father who has always been victorious when it comes to battle against corruption.
12:44Hinikayat din ang mga prayer warriors na gawin ang 9 o'clock habit na pagdarasal.
12:49Vicky Pasado, ala 6 nga ngayong gabi nang matapos ang kilos protesta rito sa Makate City at tahimik naman na nag-disperse ang mga aralilista. Vicky?
13:02Maraming salamat sa iyo, Von Aquino.
13:08Bigomang maiuwi ang 5th Miss Universe crown, maraming pa rin ipinagbubuni ang Pinoy pageant fans, kabilang ang muling pagbabalik sa top 5 ng Pilipinas.
13:17At marami rin ang napahanga ng ating pambato na si Maria Atisa Manalo sa kanyang 3rd runner-up finish.
13:24Balik naman sa Mexico ang Miss Universe crown, pero bago manalo ang kanilang pambato, sinalubong siya ng kontrobersya.
13:31Makichika kay Nelson Canlas.
13:36Manindigan at maging totoo sa sarili ang highlight ng naging sagot ni Miss Universe Mexico Fatima Bosch
13:44sa final Q&A na paano niya gagamitin ang kanyang plataporma para mang-empower ng mga batang babae.
13:51Miss Universe is Mexico!
13:56Ang sagot na yan ng 25-year-old beauty queen nagdala sa kanya sa 74th crown ng Miss Universe.
14:03Pero bago pa man ang coronation night kanina, nagpakita na ng strong personality si Fatima na hinangaan ng marami.
14:12Sa sashing ceremony ng pageants, nagkatensyon ng i-call out ni Miss Universe Thailand National Director Nawat Itzaragrisil
14:19ang pambato ng Mexico dahil hindi umano ito, naka-attend ng sponsor shoot.
14:25Habang nagpapaliwanag si Fatima, pinutol siya ni Nawat at tinawag umanong Dumb.
14:34Security!
14:37May ilang beauty queen na sumunod kay Fatima.
14:42Stop!
14:43Gayun din ang nooy reigning Miss Universe na si Victoria Telvig ng Denmark.
14:48Sa post ng Filipino pageant media member na si Adam Henato, ikinwento ni Bosch na hindi wasto ang naging pagtrato sa kanya.
14:57You know that as a country, you have all my respect.
15:04I truly love Thailand.
15:06I respect all of you.
15:08I think that you are amazing people.
15:10But what just your director did is not respectful.
15:14He called me dumb because he had problems with the organization.
15:18And I think that's not fair because I'm here and I do everything okay.
15:23I don't mess with anyone.
15:25I just try to be kind.
15:27I'm trying to give my best.
15:28And he just shot me.
15:30And he just said to me and shut up and a lot of different things.
15:34And I think that the world needs to see this because we are empowered women.
15:38And this is a platform for our boys.
15:41And no one can shut our boys.
15:45And no one will do that to me.
15:47Sa isang live stream naman, humingi ng sorry si Nawat saan niya'y misunderstanding sa pageant.
15:54Kinausap daw niya ang nasa pitumpo pang kandidata at humingi ng tawad.
16:00Sabi naman ang Miss Universe Organization,
16:03Prioridad nila ang respect, safety, and integrity ng lahat ng participants, staff, at stakeholders.
16:11That everyone at home, every woman, doesn't matter if you have a big dream, if you have a crown.
16:18If that's take away your dignity, you need to go. Thank you.
16:21I-tinanghal namang first runner-up si Miss Thailand Pravinar Singh.
16:26Second runner-up si Miss Venezuela Stephanie Abasali.
16:30Third runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Maria Atiza Manalo.
16:35At fourth runner-up si Olivia Yase ng Cote de Bois.
16:39Ang Pinoy pageant fans hati ang naging opinion sa resulta ng coronation.
16:44Pero ang ipinagmamalaki ng marami, ang all-out na performance ni Atiza.
16:50Sa preliminaries pa lang, inislay na ni Atiza ang swimsuit competition,
16:56national costume,
17:00at evening gown.
17:09Wala ng araw no when to peak energy
17:12dahil hanggang coronation, nagbigay ng magandang laban si Atiza.
17:17Ito na ang huling pageant na sasalihan ni Atiza
17:19na sinimulan ang kanyang pageant journey
17:22noong 10 years old pa lang siya.
17:25Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
17:30Magandang gabi mga kapuso.
17:34Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia
17:36sa likod ng mga trending na balita.
17:38Alam niyo ba na sa darating na linggo, November 23,
17:41ipinagdiriwang ang Thankful for My Dog Day.
17:44At may nakilala kaming isang dog lover mula Quezon City
17:47na sa sobrang pagmamahal sa kanyang mga alagang French Bulldog
17:50nag-organisa ng isang pagtitipon-tipon ng mga ito.
17:54Ang The Frenchie Gala 2025.
18:01Ang dog breeder na si Justin mula Quezon City.
18:04Thankful sa kanyang mga furby bees na may makakapal na katawan,
18:06malalapad na dibdib, makikintab na balahibo,
18:09at malapaniki na mga tenga, mga French Bulldogs.
18:12Kaya ho kami nagkaroon ng interest sa French Bulldogs.
18:15Dahil ho nakakita po kasi ako ng iba't ibang kulay ng French Bulldog.
18:20Taong 2017 daw nang mahumaling si Justin sa mga French Bulldogs.
18:23Doon ko ho kasi nakita yung bukod sa ganung kulay,
18:27kung ano po yung characteristics or yung ugali na meron sa kanila.
18:30At kahit mukaman daw silang astig, sobrang lambing daw nilang mga aso.
18:34Sa tagal ko, nag-aalaga ng French Bulldog.
18:37Never kong nakita, nagpakita ng galit.
18:40Para mas dumami pa ang mapamahal sa mga Frenchies.
18:43Kamakailan lang, si Justin nag-organisa ng isang event
18:46kung saan nagtipon-tipon ng mga French Bulldog owner at kanila mga fur babies.
18:50Ito ang kauna-una ang Frenchie Gala.
18:52Gusto po natin maipakita at maituro po sa mga manonood
18:55ng iba't ibang klase ng French Bulldogs po na nag-exist po dito sa Pilipinas.
19:00Ang naging highlight na pagtitipon,
19:01ang pag-rampa ng mga cute na cute ng mga Frenchies sa stage.
19:04Kabilang sa mga nakilaho ang mga alagang French Bulldog ni Ginger.
19:08Ang nagpo-push sa akin na isali si Biki sa dog show, yung breeder niya.
19:15Si Biki, iba yung swag niya eh.
19:17Nakita ko yung gusto niya talagang mag-show.
19:20Puspusan daw ang kanilang naging paganda bago rumampas sa stage.
19:23Sobrang saya, hindi ko ina-expect. Magaling lang rin talaga yung handle.
19:27Pati mga chikiting, nagpakitang gilas din.
19:29Ang siyam na taong si Sophia, hinirang na best junior handler.
19:32We're so happy, we're so excited seeing her na nandun siya sa itaas with all the spotlights and people looking at her and our dog.
19:40Ang mga namukuntanging Frenchie, kinilala, nakatanggap sila ng trophy.
19:43Inibitahan po natin yung mga tao rin po na mahilig po sa ganitong breed.
19:49Another thing also is to highlight the community, the connection.
19:52We invited a whole community that supports the entire cycle of it.
19:58Sobrang importante ng impact because we are promoting the zero discrimination in a sense of understanding that every creature has a life and they deserve recognition.
20:07Pero alam niyo ba, kahit na tinatawag man silang French Bulldog, ang naturang dog breed na ito hindi pala galing sa France.
20:13E di saan?
20:13Kuya Kim! Ano na?
20:20Sa kabila ng kanilang pangalan, ang dog breed na French Bulldog nagsimula pala sa England bilang mas maliliit na versyon ng English Bulldog.
20:28Dinala sila ng mga manggagawang English sa France kung saan sila sumikan.
20:32Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita, e post o e comment lang,
20:35Hashtag Kuya Kim! Ano na?
20:38Laging tandaan, kimportante ang may alam.
20:40Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24.
20:44Nagbuga ng abo kaninang umaga ang Bulkang Kalaon.
20:48Ayon sa Feebox, aabot sa 75 metro ang taas ng ash emission kaninang pasado alas 7 ng umaga.
20:56May naitalaring volcanic earthquake sa bulkaan ngayong araw.
20:59Nakataas pa rin ang alert level number 2 sa bulkan.
21:02Kakaibang Paskong Pinoy dahil literal na dinadalan tayo nito sa masayang karanasan.
21:11Tulad sa Paskong nasa ilalim ng dagat, handog ng lokal na pamahalaan ng Kabaka North Cotabato.
21:17Under the sea, ang kanilang Christmas village.
21:20Tampok ang underwater creatures, iba't ibang uri ng niza at kaharian ng mga sirena.
21:28May iba't ibang mga palaro pa kaya mapabata man o matanda.
21:32Tiyak, enjoy sa Paskwenyo village nila.
21:35Busog na ang mata, literal na busog pa ang kyan sa iba't ibang pagkaing matitikman.
21:42Nagnilingning na mga parol naman ang nakapalibot sa giant Christmas tree sa munisipyo ng North Zagaray, Bulacan.
21:58Para ka na rin tumitingala sa mga tala dahil sa taas nitong tatlumpong talampakan.
22:05Puno rin ang Christmas icons ang paligid kaya tiyak ramdam ang Kapaskuhan.
22:12Mga kapuso, hindi lang mga tao ang apektado ng pagbaka sa Cebu noong Bagyong Tino, kundi pati po, mga hayop.
22:23Ang isang aspin na nawala sa gitna ng pananalasa ng bagyo, himalang nakaligtas at nakabalik sa kanyang abo matapos ang mahigit dalawang linggo.
22:31Aba, kwento po ng fair parents na si Emanuel.
22:35Hindi na nila nailigtas si Heaven sa baka noon.
22:38Nagbaka sakali pa sila sa social media na baka may nakakita kay Heaven.
22:43Pero dahil sa pinsala na kanilang bakay, napilitan silang lumipat sa ilang lugar.
22:48Bubabalik pa rin naman daw sila sa kanilang bakay sa pag-asang makita pa si Heaven.
22:52At sa pangatlong beses na balik nila, doon na niya nakita si Heaven na nag-aabang.
22:59I-tinuturing daw ni Emanuel na good karma ang pagbabalik ni Heaven matapos ang kanyang pagligdas sa isang babaeng residente nang rumagasa ang baha noon.
23:09Matinding labanan ang nasaksihan sa pagitan ng mga sangre at mga dating kambaldiwa at hindi bidong eksenian para kina J. Ortega at Lexi Gonzalez.
23:22Pero di dyan nagtatapos ang kakaharapin ng mga sangre dahil matapos mamatay ni Bataluma ng Kasyopea, paparating na ang sumpa ng itim na brilyante.
23:34Pakichika kay Obri Carampel.
23:35Intense ang nagaganap na tigmaan sa pagitan ng mga Encantado at Miniyave sa Encantadia Chronicles Sangre.
23:50Kinamumunghihan ko ang araw na umahanin pa ko sa iyo!
24:00Tila mali ang profesiya.
24:05Sa episode kagabi, naganap na ang bugna o kapalaran ni Kasyopea na nagbuwis ng buhay para iligtas ang kanyang kapatid na si Metena.
24:20Huwag mo ang iiwan.
24:23Pinipili kong mamatay upang ikaw naman ang mabuhay, Metena.
24:29Ito raw ay upang patunayan na mahal niya ang kapatid at pambayad sa kasalanan at pagkukulang ng kanilang mga magulang.
24:40Matapos paslangin si Kasyopea, hinarap naman ni Zaur ang mga sangre.
24:45At hinostage pa ang sariling anak na si Dea.
24:52Pero si Tera, agad na kumilos.
24:56Pero bago yan, ang mga sangre nakaharap ang mga kambaldiwang hadesar na ang mga ibtre ay tinawag ni Zaur mula sa balaak sa kapangyarihan ng esperantong nakuha mula kay Metena.
25:08Ayon kina Jay Ortega at Lexi Gonzales na gumanap bilang mga kambaldiwa ng apoy at lupa na sinaalipato at sariya,
25:17hindi raw biro ang mga ginawa nilang fight scene sa telefantasya.
25:21Nakakapagod siya.
25:23Joke lang, kasi sa taping taping namin mahirap eh nung naglaban-laban kami.
25:27Maraming mga martial arts na.
25:31Oo, tapos on the spot din.
25:32Yung experience namin sa taping.
25:33Hindi kami nakapag-rehearse na.
25:35Yeah, walang rehearse on the spot.
25:36Prior, doon na kami on the set nag-rehearse.
25:39So, as much as it's challenging, nung napanood namin, ang ganda naman nung kinalabasan.
25:44Ang ganda yung outcome. So, yeah, proud kami sa ginawa namin.
25:46Yeah, rewarding.
25:48Para matalo ang mga immortal na kambaldiwa,
25:51muli silang ipinasok ng mga sangre sa kanilang mga brilyante.
25:55Ang lahat ng yan, abangan mamaya sa Encantadio Chronicles Sangre.
26:00Aubrey Carampel, updated sa showbiz happenings.
26:04And that ends our week-long chikahan.
26:08Ako po si Ia Aureliano, Miss Mel, Miss Vicky Emile.
26:12Thanks, Ia.
26:13Salamat, Ia.
26:14Thanks, Ia.
26:14Teka muna.
26:16Patiin muna natin.
26:17Ayan.
26:17Happy birthday, Emile Sumangil.
26:19Happy birthday.
26:21Salamat po, maman.
26:21O, de, adyo.
26:22Ayusin mo ang da natin, ha?
26:24Opo.
26:24Ready na kami ni tita at ni Ia.
26:26Okay, na kami.
26:27Ito sa best presenter award po niya.
26:28A-I-B po, di ma'am?
26:31Sabay kami, ma'am.
26:33Joy.
26:34Madali.
26:35Opo.
26:36Ay, sasakit ka.
26:37Alita na.
26:38May sa'yo ba happy birthday?
26:42Wala ba?
26:44Happy birthday, kuya.
26:46Ayan.
26:46Yan ang binake.
26:47Nakak, aga namin nagisi para i-bake yung cake na yan.
26:50O, de ba?
26:51May cake siya.
26:51Talaga.
26:52Salamat po sa'yo.
26:52Ayan.
26:53Sige pa yan.
26:53At yan ang mga balita ngayong BMNES.
26:57Mga kapuso, 34 na araw na lang.
27:00Pasko na.
27:01Ako po si Mel Tiyanko.
27:03Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
27:05Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
27:07Ako po si Emil Sumangit.
27:09Mula sa GMA, Integrated News,
27:11ang News Authority ng Pilipino,
27:13nakatuto kami 24 oras.
27:15Sae Yong.
Be the first to comment