-Makabayan Bloc, pinuna ang pahayag ni Sen. Ping Lacson na ginamit umano ang pangalan ni PBBM sa insertions 2025 National Budget
-Atty. Petchie Espera, gagawa ng ligal na hakbang laban sa gumamit sa kanyang pangalan kaugnay ng mga pekeng notaryo
-Dept. of Agriculture: 8 farm-to-market roads sa Davao Occidental, hindi nagawa o kulang-kulang/ Kompanya ng mga Discaya, kabilang sa mga contractor ng mga hindi nagawa o natapos na farm-to-market roads sa Davao Occidental; mga contractor, hinihingan ng pahayag
-"Cruz vs. Cruz," mapapanood na rin tuwing Sabado, 2:30pm pagkatapos ng "It's Showtime"
-Desisyon sa apelang interim release ni FPRRD, ilalabas ng ICC Appeals Chamber sa Nov. 28
-PBBM, nagpahiwatig ng balasahan sa gabinete; First Lady Liza Araneta-Marcos, nabanggit ni PBBM sa posibleng "cabinet shakeup"/Malacañang, pinanindigan ang anunsyo tungkol sa resignation ni dating Exec. Sec. Lucas Bersamin/Malacañang: Walang internal investigation kahit may mga idinadawit na cabinet members sa isyu ng katiwalian
-Construction worker, nasa ICU matapos ma-diagnose ng severe leptospirosis; mga kaanak, nananawagan ng tulong para sa biktima
-Lalaki, sinaksak gamit ang bakal dahil hindi raw nagpahiram ng kanyang bagong cellphone
-Net worth ni Omb. Remulla, umakyat ng 2,041.44% mula nang maging congressman noong 2005 hanggang ngayong 2025/Net worth ni ex-Omb. Martires, umakyat ng 87.3% mula nang maging Ombudsman noong 2018; mahigit P78M ang 2025 net worth/ Net worth ni ex-Omb. Morales, umakyat ng 96.6% mula nang maging Ombudsman noong 2011 hanggang mag-retiro noong 2018
-Sunog, sumiklab sa venue ng COP30 o 2025 United Nations Climate Change Conference
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Atty. Petchie Espera, gagawa ng ligal na hakbang laban sa gumamit sa kanyang pangalan kaugnay ng mga pekeng notaryo
-Dept. of Agriculture: 8 farm-to-market roads sa Davao Occidental, hindi nagawa o kulang-kulang/ Kompanya ng mga Discaya, kabilang sa mga contractor ng mga hindi nagawa o natapos na farm-to-market roads sa Davao Occidental; mga contractor, hinihingan ng pahayag
-"Cruz vs. Cruz," mapapanood na rin tuwing Sabado, 2:30pm pagkatapos ng "It's Showtime"
-Desisyon sa apelang interim release ni FPRRD, ilalabas ng ICC Appeals Chamber sa Nov. 28
-PBBM, nagpahiwatig ng balasahan sa gabinete; First Lady Liza Araneta-Marcos, nabanggit ni PBBM sa posibleng "cabinet shakeup"/Malacañang, pinanindigan ang anunsyo tungkol sa resignation ni dating Exec. Sec. Lucas Bersamin/Malacañang: Walang internal investigation kahit may mga idinadawit na cabinet members sa isyu ng katiwalian
-Construction worker, nasa ICU matapos ma-diagnose ng severe leptospirosis; mga kaanak, nananawagan ng tulong para sa biktima
-Lalaki, sinaksak gamit ang bakal dahil hindi raw nagpahiram ng kanyang bagong cellphone
-Net worth ni Omb. Remulla, umakyat ng 2,041.44% mula nang maging congressman noong 2005 hanggang ngayong 2025/Net worth ni ex-Omb. Martires, umakyat ng 87.3% mula nang maging Ombudsman noong 2018; mahigit P78M ang 2025 net worth/ Net worth ni ex-Omb. Morales, umakyat ng 96.6% mula nang maging Ombudsman noong 2011 hanggang mag-retiro noong 2018
-Sunog, sumiklab sa venue ng COP30 o 2025 United Nations Climate Change Conference
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00PINUNA NANG MAKABAYAN BLOCK
00:30Hindi Pangulo ang nagutos at ginamit lang ng mga opisyal. Walang batayan pa para sabihin yun. Kailangang direktang sagutin, harapin at sagutin ng Pangulo.
00:46Panawagan ng Makabayan Block, wala dapat exempted sa embisigasyon, kaugnay ng maanumalyang flood control projects at budget insertions.
00:55Hinimok nila ang Ombudsman, Independent Commission for Infrastructure, Senate Blue Ribbon Committee at Kamara na ipatawag sa embisigasyon ang Pangulo.
01:04Pati sina dating Rep. Zaldico, dating DPWH Usec Roberto Bernardo, dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Budget Secretary Amena Pangandaman.
01:14Ani Lacson, ang naging basihan niya ay ang pag-veto ni Pangulong Marcos sa 1.15 billion pesos na halaga ng mga proyekto.
01:23Mahirap din anyang paniwalaan ang sinabi ni Con na siya ang nag-deliver ng 25 billion pesos na kickback sa Pangulo dahil inamin ni Bernardo na siya ang may hawak ng deliveries ng mga kickback.
01:36Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng Malacanang.
01:42Gagawa ng mga legal na hakbang si Atty. Pech Espera laban sa gumamit sa kanyang pangalan sa sinumpang salaysay ni Orly Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing.
01:51Gayit ni Espera, ang affidavit ni Guteza na iprinisinta sa Senado ay hindi tugma sa record sa kanyang opisina.
01:58Hindi rin daw tugma ang document stamp, pati ang professional at personal niyang datos sa affidavit.
02:03Nitong Oktubre, naglabas ng resolusyon ng Manila Regional Trial Court na peke ang pirman ng notaryo sa affidavit ni Guteza.
02:10Bukod sa affidavit ni Guteza, isa pang pineke umanong dokumento ang iprinisinta sa Senate Blue Ribbon Committee ng isang tao na itinuturing anyang haligi ng Senado.
02:20Hindi niya pinangalanan kung sino ito.
02:22Ayon kay Espera, ang paggamit ng pineking dokumento sa Senado ay makasisira sa kredibilidad ng investigasyon sa flood control issue.
02:31Sinisikap ang kunin ng pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson kaugnay sa pahayag ni Espera.
02:37Ang dating chairman ng komite na si Sen. Rodante Marcoleta, naon na lang sinabing biktima lang din si Guteza ng peking notaryo.
02:46Ang missing farm to market roads ang nadiskubre ng Department of Agriculture sa Davao Occidental.
02:53Ang kontraktor ng isa sa mga ito, kumpanyang pagmamayari ng mga diskaya.
02:58Balitang hatid ni Bernadette Reyes.
03:01Sa inspeksyon ng Agriculture Secretary Francisco Chularell Jr. sa Davao Occidental noong isang buwan, nagulat siya sa kanyang nadiskubre.
03:12May mga farm to market roads na ginagawa pa kahit dapat ay natapos na noong 2021 pa.
03:17Sa inilabas ngayong audit report ng Department of Agriculture, lumabas na walong farm to market roads sa probinsya ang binansagang missing.
03:37Isang daang milyong piso ang halaga ng mga proyekto na pinonduhan noon pang 2021 hanggang 2023 at dapat ay matagal ng tapos.
03:47Apat sa proyekto ang may bahagyang nagawa pero may apat ding wala talagang accomplishment mula sa simula.
03:53May gumagalaw, ibig sabihin may nagtatrabaho. When in fact these projects were funded 2021-2023, where the budget has already lapsed.
04:05Pilit na inahabol talaga para hindi makita na may problema. Ang tanong doon, anong pondong ginamit? Sinong contractor? The same contractor pa rin ba?
04:13So we don't know.
04:14Kabilang sa mga proyektong may bahagyang nagawa, ang pagsesemento ng National Highway sa Barangay, Shanghai, sa bayan ng Malita, Davao Occidental na 12 million pesos.
04:25Ang contractor nito, kumpanyang pagmamayari ng mag-asawang kontratistang sina Curly at Sara Niskaya, ang Great Pacific Builders and General Contractors.
04:34Ang 13 million peso na pagsesemento rin sa ilalim ng contractor na John Marie Construction Service.
04:4015 million pesos sa ilalim ng DICEM Construction and Supply.
04:45At ang 12 million pesos na concreting sa ilalim ng HVC sa Guitarius.
04:49Ang apat na proyekto naman na walang nagawa kahit ano, pareho rin na mga contractors.
04:55Ang John Marie Construction Services, DICEM Construction and Supply at HVC sa Guitarius.
05:01Lahat ng possible cases, idadaan yan sa ICI. So isasubmit yung report.
05:07Dapat managot talaga yung may pagkakasala doon.
05:12Ayon sa DA pondo ng kagawaran ang ginamit sa naturang mga proyekto.
05:16Pero Department of Public Works and Highways ang implementing agency.
05:20Nasa kanila na yung pondo eh. So in terms of liability, walang liability si DA.
05:25Kasi wala siyang, hindi siya part doon sa, kailangan pumirma para ma-release ang payment doon sa contractor.
05:31Kasi we are not parted of the contract.
05:33Hinihinga namin ang pahayag ang mga nabanggit na contractor pati ang DPWH.
05:37Ayon sa DA na isumiti na sa Office of the President ang resulta ng investigasyon ng Bureau of Agriculture and Fisheries Engineering.
05:46Bukod dito, nagsasagwa rin daw ng hiwalay na investigasyon ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng kanilang internal audit service
05:54at sa pahikipagtulungan ng Inspectorate and Enforcement Office.
05:58Para may iwasan na mangyari ulit ito, pinag-aaralan rao kung maaaring ang DA na ang mag-implement ng mga farm-to-market roads simula sa susunod na taon.
06:08Bernadette Reyes, nababalita para sa GMA Integrated News.
06:16Happy Friday mga mari at pare! May Sabado time slot na ang GMA Afroland Prime Series na Cruise vs Cruise.
06:25Simula yan bukas, 2.30pm pagkatapos ng It's Showtime.
06:32Mamapanood pa rin tuwing 3.20pm weekdays ang series pagkatapos ng hating kapatid.
06:38Samantala, tuloy pa rin si Hazel na ginagapan na ni Gladys Reyes sa paghanap ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.
06:45Saan kaya ito hahantong at paano makakaapekto sa pamilya Cruise?
06:50Pinusuan din ang mga kapuso ang pagkasa ni Gladys Reyes, Neil Ryan Sese at Vina Morales sa isang dance challenge.
06:57Itinakda sa November 28 ng Appeals Chamber ng International Criminal Court,
07:15ang paglabas ng desisyon nito sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa interim release.
07:22Baso sa anunsyo ng ICC Appeals Chamber, ilalabas nila ang pasya alas 10.30 ng umaga,
07:28oras sa The Hague, Netherlands, o alas 5.30 ng hapon dito sa Pilipinas.
07:34Malalaman sa desisyon niyan kung papaburan ng ICC Appeals Chamber ang apela.
07:39Nakasadpo doon na matanda at mahina na ang dating Pangulo kaya hindi na dapat siya ikulong
07:45habang inililitis o nililitis ang kanyang kasong Crimes Against Humanity.
07:51Una na ang hiniling ng defense team ang interim release sa ICC Pre-Trial Chamber 1
07:55na humahawak sa kaso ng dating Pangulo.
07:58Pero, ibinasura ito noong September 26.
08:04Sa ibang balita, wala raw ginagawang internal investigation ng Malacanang
08:08kahit ilang membro ng gabinete ang idinadawid sa katiwalian sa gobyerno.
08:12Sa gitan ng isyong iyan, nagpahihwating si Pangulong Bongbong Marcos
08:16ng posibleng balasahan sa gabinete.
08:18Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
08:25Agaw pansin ang mga pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos
08:28sa Bagong Bayani Awards bukod sa pahihwating ng balasahan sa gabinete.
08:32Sinabi rin niyang magiging bahagi nito si First Lady Lisa Araneta Marcos.
08:36She has become our ambassador now for migrant workers.
08:44It's your new designation.
08:46Di ba magka-cabinet shake-up tayo sa kasama ka na dun sa...
08:49Pero sabi ng palasyo.
08:51Kung nakita niyo po na parang pabiro po yung pagkakasabi ng Pangulo,
08:54so yun muna po tayo.
08:57Face value.
08:58Ditong lunes, nagkaroon na ng pagbabago sa gabinete
09:00nang i-anunsyo ng Malacanang
09:01ang pagbibitiyo ng dati Executive Secretary Lucas Bersamin
09:04dahil umano sa Delicadesa.
09:07Pero si Bersamin, iginiit na hindi siya nag-resign.
09:09Sabay tanggi na wala siyang kinalaman sa budget insertions.
09:13Hindi binawi ng Malacanang
09:14ang nauna nilang anunsyo.
09:16The palace announcement was issued in line with this understanding
09:20and with due regard for stability and continuity in governance.
09:28At nagkausap naman po sila ng Pangulo face to face
09:31at let us just leave it at that.
09:34Do we still stand by our statement that he resigned out of Delicadesa?
09:38Muli po, ang pina-announce po sa atin ay galing sa palasyo
09:43at kung ano po narandaman ni E.S. Bersamin,
09:48yun din po na ginagalan po natin ang kanyang narandaman.
09:54Inanunsyo rin nung lunes ang pagbibitiyo ni Amena Pangandaman bilang budget secretary.
09:58Kinumpirma yan ni Pangandaman.
10:00Anya, nagsumiti siya ng irrevocable resignation
10:03sa ngalan ng integridad sa servisyo publiko.
10:05Itinanggi rin niya ang aligasyon kaunay ng budget insertions.
10:09Kahit may dinadawit ang miyembro ng gabinete sa katiwalian,
10:12wala raw internal investigation ng Malacanang.
10:15Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:25Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
10:29Nananawagan ng tulong ang mga anak na isang construction worker
10:32na na-diagnose ng severe leptospirosis sa Cordova dito sa Cebu o sa Cebu.
10:37Cecil, kumusta na ngayon yung biktima?
10:41Rafi, kasalukuyang nasa Intensive Care Unit o ICU
10:45ng isang ospital dito sa Cebu City,
10:47ang 57-anyos na biktima.
10:50Kwento ng isa sa mga anak,
10:52posibleng nakuha ng ama ang sakit mula sa naipong tubig
10:55papunta sa kanyang pinapasukang construction site.
10:58May ilang lugar kasi sa bayan na bahagyang binaha
11:01matapos manalasa ang bagyong tino.
11:04Kod sa lagnat,
11:05nahirapan ding huminga at tumayo ang kanilang ama
11:07makalipas ang isang linggo.
11:10Isinugod nila sa pagamutan ng ama
11:12at doon na-diagnose ng pneumonia.
11:15Sa isang social media post na lang daw
11:16nalaman ng Cordova Municipal Health Office
11:19ang sinapit ng biktima
11:20na hindi raw nagpatingin sa kanilang primary healthcare facility.
11:24Bukod sa biktima,
11:26wala ng ibang kaso ng leptospirosis na naitala sa bayan.
11:30Ayon sa pinakhuling datos ng Cebu Integrated Provincial Health Office,
11:35nasa 23 ang naitalang kaso ng leptospirosis
11:38sa buong lalawigan ng Cebu.
11:41Muli pong paalala ng Department of Health,
11:43maghugas agad ng katawan kapag lumusong sa baha.
11:46Bantayan kung magkakaroon ng sintomas ng leptospirosis
11:49tulad ng lagnat, pananakit ng ulo o ng katawan at iba pa.
11:55Uminom ng gamot kontra leptospirosis
11:57batay sa ibibigay na reseta ng doktor.
12:01Sugata ng isang lalaki dito sa Cebu City
12:03matapos saksakin ng steel bar.
12:06Ayon sa biktima,
12:07natutulog siya sa tinutuluyan niyang bahay sa barangay Guadalupe.
12:12Nagising na lang daw siya
12:13ng maramdamang mahapdi at dumurugo ang kanyang ulo.
12:16Doon na raw niya nakita ang kasama sa bahay
12:19na akmang sasaksakin siya.
12:21Nahawakan raw niya ang dulo ng bakal
12:24kaya't hindi siya tinamaan.
12:26Sabi niya,
12:27posibleng nagalit sa kanya ang sospek
12:28nang hindi niya pahiramin
12:30ng kanyang bagong cellphone.
12:32Desidido siyang magsampa ng reklamo
12:34laban sa sospek.
12:35Hindi nagpaunlak ng panayam
12:37ang naarestong sospek.
12:39Pero humihingi siya ng tawad sa biktima.
12:41Sinilip ng GMA Integrated News
12:45ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth
12:48o SAL-EN
12:49ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
12:52Maging ang mga sinundan niyang
12:54sina Samuel Martires
12:55at Conchita Carpio Morales.
12:58Balitang hatid ni Salima Refran.
12:59Sa kanyang entry SAL-EN
13:04ang pumasok bilang ombudsman
13:06itong Oktubre
13:07na nakuha ng GMA Integrated News Research
13:09nasa mahigit 441.7 million
13:12ang kabuang net worth
13:14ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
13:16Malaking bahagi ng kanyang assets
13:18mula sa 300 million
13:19na minana niya
13:20sa amang si dating Cavite
13:21Governor Juanito Remulia.
13:2383 million ang halaga
13:25ng kanyang real properties
13:26na karamihan mga bahay at lupa
13:28sa Cavite, Las Piñas, Makati, at Baguio.
13:3152 million naman
13:32ang halaga ng kanyang mga sasakyan.
13:34Nilista rin ni Remulia
13:35na may stock siya.
13:37May pagkakautang siyang 300,000.
13:40Sinilip din ang GMA Integrated News Research
13:42ang mga SAL-EN ni Remulia
13:44noong panahong una siyang naging congressman.
13:46Taong 2005,
13:48isang taon matapos mahalal,
13:50ang dineklara niyang net worth
13:51nasa 20.6 million pesos.
13:54Pagtaas siya na mahigit 2,041%
13:57sa loob ng 20 taon
13:58kung ikukumpara
13:59sa kanyang net worth ngayon.
14:01Tinignan din ang GMA Integrated News Research
14:04ang mga SAL-EN
14:05ng mga ombudsman
14:06na nauna kay Remulia,
14:07si na Samuel Martres
14:08at Conchita Carpio Morales
14:10na parehong naging
14:11Supreme Court Associate Justice
14:13pago naging ombudsman.
14:14Pero tangi mga SAL-EN lamang
14:16noong nakaupo na sila
14:18bilang ombudsman
14:18ang aming nakuha.
14:20Ang pinalitan ni Remulia
14:21na si Martres
14:22ang naglagay ng restrictions noon
14:24sa pagsasapubliko
14:25ng mga SAL-EN.
14:26Ang kanyang net worth
14:27nang magtapos
14:28ang termino noong Hulyo
14:30nasa 78 million.
14:3148 million
14:32na dineklarang cash on hand,
14:34bank deposits,
14:35bonds
14:36at mutual funds
14:36ni Martres.
14:38Meron din siyang corporate shares
14:39sa 23 million
14:40na kanyang dineklarang inheritance.
14:43Nagkakahalaga naman
14:44ng 1.5 million
14:45ang kanyang mga bahay
14:46at lupa
14:46sa Quezon City,
14:47Rizal,
14:48Baguio City
14:49at sa Samar.
14:50Walang pagkakautang
14:51si Martres
14:52na magretiro.
14:52Ang kanyang huling net worth
14:54mas mataas
14:55sa mahigit
14:5636 million
14:57kumpara noong
14:57umupo siya
14:58sa pwesto
14:58noong 2018
14:59o mahigit
15:0087% increase
15:02sa loob
15:02ng pitong taon.
15:04Si Carpio Morales
15:05nagtapos ang termino
15:06noong 2018
15:07na may net worth
15:08na 80 million.
15:10Malaking bahagi nito,
15:1154 million
15:12ay cash on hand,
15:13investments,
15:14pension
15:15at retirement benefits.
15:17Nasa mahigit
15:1719 million
15:18ang real properties
15:19si Carpio Morales,
15:20karamihan
15:21mga condo units
15:22sa Taguig,
15:23Makati,
15:23Maynila
15:24at Baguio City.
15:25Walang nilistang utang
15:27si Carpio Morales
15:28ng magretiro.
15:29Kung ay kukumpara
15:29sa kanyang salin
15:30ng umupo
15:31bilang ombudsman,
15:32lumago ang kanyang net worth
15:33na mahigit 96%
15:35sa loob ng pitong taon.
15:37Sa Nima Nefra,
15:38nagbabalita
15:39para sa GMA Integrated News.
15:46Sumiklab ang sunog
15:49sa venue
15:49ng 2025
15:50United Nations Climate Change Conference
15:52sa Belém, Brazil.
15:54Kinailangan i-evacuate ang lugar
15:56kaya natigil
15:57ang pagtalakay
15:58ng mga kalahok.
16:00Sa kuha ng CCTV,
16:01kita ang paglaki ng apoy
16:03sa Exhibition Pavilion
16:05hanggang sa mabalot na
16:07ng makapal na usok
16:08ang lugar.
16:09Nakontrol din agad
16:10ang sunog
16:11sa loob ng 6 na minuto.
16:13Ayon sa organizers,
16:14labing tatlong tao
16:15ang sinugod
16:16sa ospital
16:17matapos makalanghap
16:18ng usok.
16:19Ayon sa local fire service,
16:21posibleng short circuit
16:22mula sa isang
16:23electrical equipment
16:24ang sanhi
16:25ng apoy.
16:27Ngayong araw,
16:28itutuloy ang summit
16:29na may layong pag-usapan
16:30at aksyonan
16:31ang issue sa climate change
16:33tulad ng pag-phase-out
16:35sa fossil fuels.
Recommended
19:34
|
Up next
29:57
47:19
51:06
48:42
45:02
11:47
47:27
43:59
46:41
20:04
47:38
52:06
13:34
49:31
16:13
12:31
49:54
50:07
5:38
44:29
9:33
45:34
Be the first to comment