00:00Ipinaliwanag na mga kanyang nakasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang isang professional na appraisal firm para suriin ang halaga ng kanyang ari-arian
00:10para sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Network o SALEN
00:14para malinaw sa publiko ang halaga ng kanyang mga ari-arian.
00:18Ayon sa Presidential Communications Office,
00:21ang Cuervo Appraisers Incorporated ang nag-a-assess ng mga ari-arian ng Pangulo.
00:26Bagamat pangunahing hinihingi sa SALEN rules,
00:29ang pagdedeklara ng acquisition cost o yung orihinal na halagang ibinayad para sa isang ari-arian,
00:35pinapayagan ding magdagdag ng hiwalay na appraisal upang ipakita ang kasalukuyang fair market value.
00:43Sa kanyang SALEN noong Desyembre 31, 2024,
00:48iniulat ng Pangulo ang kabuhang assets na P389.36 million,
00:53kabilang ang P247.33 million na personal properties at P142.02 million na real properties.
01:05Naitala naman ang kanyang declared net worth na P371.49 million noong 2022
01:12at P381.44 million noong 2023,
01:17habang ang appraised asset values ay nasa P960.7 million noong 2022
01:24at P1.157 billion noong 2023.
01:28Mas maganda kung makikita nyo kung ano yung value,
01:33yung updated value ng mga properties.
01:36Mas maganda, mas maliwanag, mas transparent.
01:38Para mas maganda rin makita ng taong bayan kung maganda na yung value ng mga properties
01:43na dating na-acquired before.
01:45Dahil darating yung panahon na sasabihin nila na ito na yung value niyan,
01:49so dapat i-declare din.
01:50So wala namang mali doon.
01:51Mas maganda nga po.