Skip to playerSkip to main content
Sinagot na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga akusasyon ng kaniyang kapatid na si Sen. Imee Marcos na nagdo-droga umano siya, pati ang First Lady at kanilang mga anak. Sabi ng pangulo, hindi niya kapatid ang nakita ng publiko sa TV sabay sabing nag-aalala siya sa lagay nito. Mabilis na hirit ng senadora, patunayang mali siya. Kaugnay naman sa mga bagong alegasyon ni dating Cong. Zaldy Co, hinamon siya ng pangulo na umuwi at harapin ang mga kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Sa mga bagong aligasyon ni dating Congressman Zaldico, hinamon siya ng Pangulo na umuwi at harapin ang mga kaso.
00:42Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:46The lady that you see talking on TV is not my sister.
00:52Ito ang reaksyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:54Nagtanungin siya tungkol sa pahayag ng kanyang kapatid na si Senadora Aimee Marcos sa rali ng Iglesia ni Cristo noong nakaraang lunes.
01:01Batid ko na na nagdadrag siya!
01:06Bukod sa Pangulo, idinawid din ang Senadora si First Lady Liza Aranata Marcos at kanilang mga anak.
01:11How do you respond to the drug use accusations made by no less than your sister, Sen. Aimee Marcos, against you and the First Family?
01:22Sir, were you hurt by her accusations?
01:26And how do you explain these claims to the public?
01:28It's anathema to me to talk about family matters, generally, in public.
01:42I do not like to, we do not like to show our dirty linen in public.
01:52But I'll just, but so I'll just say this much.
01:57For a while now, we've been very worried about my sister.
02:02When I say we, I'm talking about friends and family.
02:05And the reason that is, is because the lady that you see talking on TV is not my sister.
02:19And that is, that, that, that view is shared by our cousins, our friends, and
02:24hindi siya yan, hindi siya yan.
02:28So, that's why we worry.
02:30So, we are very worried about her.
02:32I hope she feels better, too.
02:35Hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ng media na malinaw kung anong ibig sabihin ng Pangulo sa pahayag na ito.
02:42Ilang minuto lang matapos itong sabihin ng Pangulo, agad sumagot si Senadora Aimee sa kanyang social media account.
02:48Sabi niya, siya raw ito, sabay hirit na kung ano-ano nang nakikita ng kanyang ading o nakababa ng kapatid sa Ilocano.
02:56Sabi pa ng Senadora, patunayang mali siya at gusto raw niyang mali siya.
03:00Nang tanungin kung nagkausap na silang magkapatid, sinabi ng Pangulo na magkaiba na raw sila ng ginagalawang mundo, political man o personal.
03:09May hamo naman ang Pangulo kay dating Congressman Zaldico na nagdawit sa kanya sa anomalya sa flood control projects.
03:16Bago humarap ang Pangulo sa press conference ng hapon, naglabas ng video si Zaldico na nagdedetalye na mga delivery ng bilyong pisong naging parti umano ng Pangulo sa anomalya.
03:27Mahaba ng naging makausapan natin tungkol sa fake news. Anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things, paulit-ulit.
03:39But it means nothing. For it to mean something, umuwi siya rito. Harapin niya yung mga kaso niya.
03:48Ako hindi ako nagtatagol. Kung meron kang akusasyon sa akin, nandito.
03:52Naging matipid naman ang sagot ng Pangulo ng tanongin kung bakit pinag-resign sa kanyang gabinete,
03:57sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Budget Secretary Amena pangandaman.
04:03Nilimitahan ang mga tanong sa Pangulo at hindi pinayagan ang mga follow-up question.
04:06The question about Chief Luke and myself, wala nag-uusap na kami.
04:15We understand each other and we decided to keep it between ourselves. There's no bad blood.
04:21She sent me na because her name was dragged into the whole thing.
04:25We want to be sure that she's not in a position where she might be suspected of influencing all that.
04:32Nagpatawag ng press conference sa Pangulo para ipagmalaki ang transparency portal ng DPWH na kanilang inilunsad.
04:40Sa pamagitan nito, pwedeng hanapin ang alinmang proyekto ng kagawaran.
04:44Makikita rin kung kanino ang proyekto, sinong kontraktor, magkanong halaga, at kung ito ba itapos na.
04:50May mga larawan din ang proyekto makikita.
04:52Kuhan ng satellite imaging.
04:54Hakbang daw ito para sa transparency sa mga proyekto ng gobyerno at bunga ng mga natututunan sa imbisigasyon sa maanumalyang flood control project.
05:02Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended