00:00Sa detalye ng ating mga balita, nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa sa gitna na nagpapatuloy ng embistikasyon kontra korupsyon.
00:08Tinayak din ang palasyo na may papasa sa tamang oras ang panukalan 2026 National Budget.
00:14Sa kabila ng iba't ibang mga hamon, ang detalye sa report ni Kenneth Pasyente.
00:21Matatag at nananatiling bukas sa pamumuhunan.
00:25Ganyan inilarawan ng Malacanang ang estado ng ekonomiya ng bansa.
00:28Sa kabila ng mga isyong kinaharap nito, ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro,
00:35matibay ang pundasyon ng ekonomiya kahit papatuloy ang isinasagawang pag-iimbestiga sa malawakang korupsyon.
00:42Hindi matitinag si Pangulong Marcos Jr. sa pag-usig sa sino mang nasa likod na mga tiwaling gawain.
00:50Kamag-anak man, kaalyado o kahit na ang sariling kadugo.
00:55Sa hiling ng taong bayan para sa reforma sa pamahalaan, naninindigan ang pamahalaan na ang lahat ng ito ay tinutugunan sa pamamagitan ng kongkreto at mabilis na aksyon.
01:10Alinsunod sa kautosan ni Pangulong Marcos Jr.
01:12Kasunod nito, may nakalatag na daw na komprehensibong catch-up plan ng pamahalaan para mas mapabilis pa ang paglago ng ekonomiya.
01:20Kasabay ang pagtiyak na nananatiling mabuti ang lagay ng pananalapi sa bansa.
01:25Tinitiyak din ng pamahalaan sa taong bayan na nasa tamang landas ang fiscal condition ito at positibo ang mga inaasahan sa mga darating na buwan.
01:35Unti-unti rin ibababa ng pamahalaan ang deficit at utang habang lumilikha na mas maraming trabaho.
01:44Tumataas ang kita ng mga Pilipino at mas marami pang aangat ang buhay.
01:49Naniniwala naman ang Malacanang na napapanatili ng administrasyon ang tiwala ng publiko at ng business sector sa harap ng usaping may kinalaman sa korupsyon.
01:58Lalo't kita naman kung paano nilalabanan ng pamahalaan sa pangunguna ng Pangulo ang katiwalian.
02:04Kitang-kita po natin ang nilalabanan niya korupsyon.
02:07Kapag po ba kayo ang investor, hindi po ba mas gugustuhin niyo ang leader na kumakalaban sa mga korupsyon, sa mga maanumalyan trabaho sa gobyerno.
02:19So, kung kayo investor, mas dapat kayo magtiwala sa panahon ngayon niya Pangulo Marcos Jr. dahil kahit mismo siya, ang gusto niya, malinis ang bansa mula sa korupsyon.
02:31Punto pa ng palasyo, hindi madadala sa mga kasinungalingan ang mga investor.
02:36Muli, international community, alam natin sila ay nag-a-assess, nag-evaluate.
02:43Gamit ang tamang data, gamit ang tamang facts.
02:48So, ang maaari lang mabudol ng mga ito ay yung mga taong hindi nag-iisip o yung mga taong isa lang ang adhikain, gibain ang gobyerno ni Pangulong Marcos Jr.
03:03Samantala, siniguro ng palasyo ang napapanahong pagpapasa ng 2026 budget sa kabila ng nangyaring rigudon sa gabinete.
03:10Pagbibigay din ang Malacanang, hindi ito makakaapekto sa proseso ng pambansang budget sa susunod na taon.
03:16We were able to talk to Secretary Goh and according to him, any reassignments of the cabinet members to DOF and DBM,
03:28they are all the same people who work on the budget, who work on the finance. So there will be no problem with that.
03:35Noong October 13, inaprobahan ng Kamara ang 6.793 trilyong panukalang budget habang tinatapos ng Senado ang plenary debates ukol dito.
03:43Pagkatapos nito, pagsasamahin ng bycam ang mga versyon bago isumiti sa Malacanang para sa pinal na pag-aproba ng Pangulo.
03:52Kenneth Pasyente
03:53Para sa Pambansang TV
03:55Sa Bagong Pilipinas
03:56Pilipinas
03:57Sa Bagong Pilipinas