00:00Positive ng ilang eksperto na mananatili ang kumpiyansa ng mga negosyante sa ginawang economic team reshuffle ng gobyerno.
00:07Si Denise Osorio sa report.
00:11Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa, lalo na sa gitna ng global uncertainties.
00:18At ngayong papalapit ang holiday season, nakikita rin tumataas ang suporta mula sa ating mga kababayang nagtatrabaho abroad.
00:25Nitong Setiembre, isang positibong tulong sa household spending ang 3.7% na pag-angat ng OFW remittances.
00:34Ayon sa mga eksperto tulad ni Jonathan Ravelas na isang economist, bahagi man ito ng regular na pagtaas tuwing huling bahagi ng taon,
00:42nakakatulong pa rin ito sa karagdagang stability ng ekonomiya habang nagpapatuloy ang mga reforma.
00:47Basically, the remittances are primarily due to the seasonality of Christmas and at the same time, the second semester.
01:00So people send money.
01:02So the tendency of a 3% growth is most likely as Filipinos feel the pinch of inflation and the slowing economy.
01:11People overseas, Filipinos working overseas will send more money.
01:17So that's why we're confident of probably seeing a 3% by end of the year as an average.
01:24Naniniwala naman si Ravelas na proactive ang hakbang sa economic team reshuffle ng administrasyon para ibalik ang kumpiyansa ng merkado.
01:32Dapat bantayan kung paano ipatutupad ng bagong economic team ang mga reforma sa spending efficiency, anti-corruption at economic planning.
01:41Though the reshuffle is positive, proactive stance on the part of the president,
01:48there is still that uncertainty of what plan will they implement to be able to restore confidence.
01:55Hopefully, the business sentiment will improve once they've announced a new plan
02:02to be able to restore confidence and at the same time plan with the spending that is needed to restart the economy
02:13or at least bring the growth of the economy closer to around 5% to 6%.
02:19Malaki rin ang interest ng business sector sa mga bagong pagbabago sa economic team.
02:24Para naman sa Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI,
02:28mahalaga ang malinaw at tuloy-tuloy na koordinasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor
02:33upang mas mapabilis ang investments at mapalakas ang kumpiyansa sa merkado.
02:38Well, the two people we're talking about, si Sintan Rekos at si Sintan Rekos are two people
02:46who we have confidence on na sila kausap namin yan at yan ay naiintindihan niya ang problema.
02:55Hopefully, we should be doing better now in these two areas.
03:01Especially doon sa umupis ng IS, I think Sintan Rekos, although galing sa India
03:10marami sa kanya, ito kung sa mga taxes, but the reason that they don't have.
03:16Naniniwala din ang PCCI na magbibigay ng momentum sa mga reporma na nakatoon sa export competitiveness,
03:23job generation, at modernization ng mga proseso ng pamahalaan ang bagong economic leadership
03:29dahil may malawak na karanasan sa fiscal management at policy direction ito.
03:34Kasabay nito, nagbukas din ng bagong oportunidad ang pagbaba ng tariffs ng Estados Unidos
03:39sa ilang produktong agrikultural kung saan malakas ang Pilipinas tulad ng buko at iba pang produkto nito
03:46dahil pinto ito para palawakin ang international market ng bansa.
03:50It's a big way kasi malaking export natin yan.
03:54Nananatiling positibo ang pananaw ng business community habang patuloy na isinusulong ng pamahalaan
04:00ng economic reforms at transparency upang maprotektahan ang mga presyo ng mga bilihin
04:05at palakasin ang investor confidence.
04:08Ayon kay Ravelas, habang nagpapatuloy ang political transitions at global market pressures,
04:13ang pinaka-importante ay ang pagpapatibay ng tiwala mula sa negosyo, mamamayan, at international partners.
04:21The Philippine fundamentals remain strong.
04:24However, it's like a person having a toothache.
04:29Regardless of how good the fundamentals are, you are having problems eating.
04:35So no matter how good the food, you're not going to take any.
04:39So until the tooth is removed or fixed, you're not going to see investor sentiment improve.
04:48Sa direksyong tinatahak ngayon ng pamahalaan,
04:51kumpiyansa ang mga eksperto na kaya nitong ihatid ang bansa sa mas matatag,
04:55mas inklusibo, at mas pangmatagalang paglago.
04:59Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.