00:00At sa pagpapatuloy po ng usapin sa mga aksyon at programa ng NAPSI
00:03at ng mga departamento at sangay ng pamahalaan laban sa kahirapan,
00:08alamin po natin ang mga akbang na ginagawa ng Juvenile Justice and Welfare Council
00:12o ang JJWC para paligtas na kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.
00:17Tututukan pa rin po natin yung convergence o yung pagsasama-sama ng mga programa at stakeholders
00:22sa patuloy na pagpapaunlad ng mga komunidad at ng ating pamayanan.
00:26Dito pa rin sa National Anti-Poverty Commission Aksyon Laban sa Kahirapan.
00:38Makakakwentuhan po natin ngayon dito sa ating programa si Atty. Tricia Oko,
00:43ang Executive Director mula sa Juvenile Justice and Welfare Council o JJWC
00:47para talakayin kung paano ang kanilang mga pamaraan para po pangalaga ng ating mga kabataan.
00:52Magandang umaga po, Atty.
00:53Hi, magandang umaga, Ms. Diane.
00:55Thank you for joining us today.
00:57Thank you for inviting me here.
00:59Well, Atty, Oko talas about JJWC. Ano po ang mandate po nito?
01:02At paano po ninyo napoportetang nating mga kabataan?
01:05Ito ay ano, ang JJWC ay isang government agency.
01:10Marami pong nagtatanong kung ito ba ay...
01:12Pero normal po natanong akala dahil ng iba ito ay non-government organization.
01:16Pero hindi po. Isa siyang government agency which is attached to the Department of Social Welfare and Development Office.
01:23So, ano, kapamilya po namin ang DSWD.
01:27Yes. At ang focus namin ay policy, formulation, coordination, at monitoring ng pagpapatupad ng ating tinatawag na Juvenile Justice and Welfare Act.
01:38Ito ay parang isang council o konseho na meron siyang 15 members.
01:44Dalawa dito ay NGOs, but the rest are 14 members.
01:48The rest are coming from the government agency.
01:50Ang nag-chair po sa amin ay ang DSWD.
01:53At ito po sila ay nagpupulong sila para magkaroon ng coordination sa bawat isa.
01:57At napapatupad natin yung ating Juvenile Justice and Welfare Act or RA 9344.
02:03Okay. So, you have particular programs para po sa mga children at risk at children in conflict with the law.
02:08Yes, meron kayo.
02:09But to start off, sa inyong monitoring, paano po ba ang inyong pamantayan para ma-qualify ang isang bata na children at risk or in conflict with the law?
02:17At ano po ang numero na meron po kayo tungkol dito?
02:19Ah, okay. Pag sinabi mong CICL, ito ay lahat ng bata na either suspect or na-accused or napagbintangan o talagang nag-commit ng crime.
02:29So, very wide po yung definition natin kung ano ang isang child in conflict with the law.
02:35Basta as long as yung bata ay napagbintangan na, ang tawag sa kanya ay CICL na.
02:40Intentional po yung pag-define ng batas kung ano ang CICL.
02:44Dahil once na napagbintangan mo yung isang bata na siya ay CICL,
02:48ang sasabihin ng batas, it will trigger the application of the law.
02:52So, lahat ng protection na nakalagay doon sa batas ay mag-a-apply na.
02:56Halimbawa, presumption to innocence, right to counsel, minimum age of criminal responsibility, etc.
03:02Ano namang pagkakaiba nito sa child at risk?
03:05Yung child at risk, sila yung mga hindi pa kinoconsider ng batas na nag-violate sila ng any kind of law.
03:14Pero, meron na silang mga offenses, which means meron ng konting mali na nagawa.
03:20Halimbawa, yung mga local ordinances natin, oo na hindi kriminal.
03:25O kaya pwede namang mga batas na decriminalized na pagbata ang nag-commit.
03:30Halimbawa, yung pagbebeg sa streets, meron tayong anti-medicancy law.
03:37E na pag ang adult ang namamalimus, bawal yun sa batas.
03:42Actually, nahuhuli sila doon.
03:44Pero pagbata, hindi sila kinoconsider na nag-violate ng batas.
03:48Dahil sila ay ginagawa nila yun as a survival, for survival reason.
03:55Dahil kailangan nila ng pagkain, etc.
03:57Or kailangan nila nang mag-survive.
03:58So, yun yung pagkakaiba.
04:00Okay. Well, sa inyo pong datos, nasa ilan po itong mga children at risk at CICL?
04:05Ang, ngayon, sa children at risk, hindi namin masyadong, doon na lang tayo sa CICL dahil sila po yung nag-violate ng batas.
04:14At least, nung June 2025, meron na tayong around 4,000 plus na CICL.
04:20Malaki na po ang binabaan nito.
04:22Kasi dati, starting 2016 and over the course of the years, nakakaabot po tayo ng 20,000.
04:29Noong 2017, mga around 25,000 to 27,000.
04:34Pero dahan-dahan po siyang bumababa.
04:36So, ang pinakamababa was last year was also 4,000.
04:40Ngayon, actually, mas mataas ngayon ng konti.
04:43Nag-aabot na yata ng 5,000.
04:45Pero doon natin makikita na pag nagbigay tayo ng matamang programa sa kanila,
04:49bababa talaga yung krimi ng mga bata.
04:51Okay. Tell us more about doon po sa mga programa po ninyo para sa kanila.
04:55Oo. Hindi kami yung nagbibigay ng programa dahil ang sa amin ay policy formulation,
05:00program formulation, monitoring, coordination.
05:04Ang ginagawa namin, tinuturuan, binibigyan namin ng assistance,
05:07hindi naman tinuturuan, binibigyan namin ng assistance yung ating mga lokal na gobyerno
05:11dahil sila ang nagpapatupad ng mga programa na yun.
05:14So, we help them come up with a proper program in accordance doon sa context ng kanilang lugar.
05:21Halimbawa, kung yung lugar na yun ay kahirapan talaga ang isang malaking issue,
05:26then magpo-focus tayo kung paano natin ayusin yung komunidad na yun,
05:31paano bigyan ng LGU ng livelihood yung mga magulang para yung mga bata ay nakakapunta sa school, etc.
05:39Kung yung isang komunidad naman ay mataas ang drug problem,
05:43syempre mga anti-drug programs yung gagawin doon.
05:46Okay, so you identify first the problem at mamatch ito ng programa na LGU-led po ito.
05:54LGU po ang gagawin.
05:55And you are there to guide.
05:56Ano po yung some of the best practices ng LGU na inyo na rin pong nagabaya,
06:00na nakatulong pong hindi dito po sa ating mga kapataan?
06:03Maraming mga good practices at maraming LGUs na ang gumagawa nito.
06:07Gawangan nung nakita natin bumaba na talaga yung crime.
06:11Pero yung iba po, nakita namin ay yung tinatawag nating diversion na pag light yung offense ng bata
06:17o hindi naman ganun kataas yung mga nakukumit nilang crime.
06:21Imbes nakasuan sila, dinadivert na lang sila at binibigyan sila ng mga programa
06:26para masiayos nila yung buhay nila at ma-realize nila na mali yung ginagawa nila.
06:31Pag ganun po yung nangyayari, ay talaga namang hindi na umuulit yung mga bata.
06:36So, marami po tayong LGUs na ganun. I-invite ko na lang po kayo na tingnan yung aming Facebook page
06:42kasi pini-feature po namin doon yung mga local government units natin na talagang ang ganda po ng mga programa.
06:48May mga bahay pag-asa po para sa mga CICL. Tell us more about that.
06:52Oh, ayun. So, ano ba yung bahay pag-asa? We have 118 right now.
06:57Ang purpose ng bahay pag-asa ay doon nilalagay yung mga bata na kailangang tanggalin yung kanilang kalayaan,
07:04which means deprived sila of liberty.
07:08Ayaw natin silang ilagay sa jail, pero hindi ibig sabihin na gusto pa rin natin silang pakawalan lang
07:13kasi in their best interest, kailangan na-institutionalize sila.
07:17So, sila yung may mga kaso.
07:19O kaya, kung wala man silang kaso dahil bawal pa silang kasuhan, dahil below 15 pa lang sila,
07:24nakakomit kasi sila ng crime na serious talaga, o pwedeng yung mga crime na karumalduman,
07:33o kahit hindi sila nakakomit nun, eh ang nangyari, paulit-ulit sila sa mga ginagawa nila.
07:37Or, kahit isang beses lang, pero either neglected sila, or it's in their best interest na kailangan ilagay sa institution,
07:45doon sila nilalagay.
07:46So, pangit po yung analogy, hindi tama, pero kung may BJMP para sa mga malalaking tao,
07:54dahil doon sila dapat magre-reform, parang ganun yung sa bata.
07:58Ayaw natin silang imix sa jail, kaya doon po sila nilalagay.
08:02And it becomes transformative for these children.
08:04Yun ang goal, na dapat pag nandun sila, nare-rehabilitate sila.
08:09Pero itong mga ito, yung iba, hindi yun talagang convicted pa, suspects pa lang sila.
08:14Pero once na nagiging suspected sila at kailangan nilang malagay doon sa bahay pag-asa,
08:20then magdadaan sila ng programa para sa kanilang rehabilitation,
08:24para paglabas nila ay okay sila.
08:26Okay. Alright, well, attorney OCO, 14th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week.
08:33Napakahaba ng ano natin title.
08:34To promote accountability with compassion.
08:36Yun po, November 24-28, that's about the activities.
08:39Ayun, marami po kaming activities doon.
08:41One week po ito, naka-angkla po ito dahil ang November ay Children's Month.
08:47Nakalagay po yan sa batas natin.
08:48At yan din naman ang sineselebrate internationally.
08:51So marami po kaming activities to raise the awareness about juvenile justice,
08:56about the rights of the children.
08:58And when we're talking about juvenile justice,
09:00hindi lang ito tungkol sa mga bata na nagkasala.
09:02Ito talaga ay para sa lahat ng mga bata,
09:05to prevent children from coming into conflict with the law,
09:07or becoming at risk of coming into conflict with the law.
09:11So marami po kaming ginawang programa para dyan.
09:14Okay, well tell us about the Facebook page,
09:17social media accounts na po pwede pong puntahan ng ating mga kababayan
09:20para po maging update.
09:21Ayun, sige, yun yung juvenile justice and welfare council na Facebook page.
09:26Nandoon po yung mga success stories natin,
09:28ng mga bata na nagbago sila.
09:31Kahit na masama yung nangyari sa kanila dati,
09:34makikita dati doon na pag binigyan sila ng second chance,
09:38or a third chance talagang kaya nilang bumalik sa society at maging useful citizens.
09:43Nandoon din po ang mga good practices ng ating mga local government units.
09:49Palakpahan po natin sila dahil marami pong magagaling na LGUs na talagang pinapatupad nila yung batas.
09:54Well, maraming salamat po sa inyong oras dito po sa ating programa,
09:58Atty. Trisha Oko,
09:59Executive Director po mula sa Juvenile Justice and Welfare Council o JJWC.
10:04Salamat po sa pagbabahagi po ng inyong mga programa para sa mga kabataan.
10:07At ito, Atty.
10:08Samahan niyo ako at sama-sama tayong
10:10Umaksyon Laban sa Kahirapan.