Skip to playerSkip to main content
Nanindigan si Education Secretary Sonny Angara na hindi siya magbibitiw kasunod ng pagdawit sa kanya na tumanggap siya umano ng kickback sa flood control projects. Sinabi niya ‘yan sa pagpapasinaya sa bagong renovate na PhilSports Complex na dinaluhan din ni Pangulong Bongbong Marcos. Sabi ng Palasyo, dismayado ang pangulo sa pagsisinungaling ng kapatid na si Sen. Imee Marcos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nangindigan si Education Secretary Sonny Angara na hindi siya magbibitir kasunod ng pagdawit sa kanya na tumanggap siya umanon ng kickback sa flood control projects.
00:12Sinabi niya yan sa pagpapasinaya sa bagong renovate na Phil Sports Complex na dinaluhan din ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:21Sabi ng palasyo, dismayado ang Pangulo sa pagsisinungaling ng kapatid na ni Senadora Amy Marcos.
00:28Nakatutok si Jonathan Andal.
00:34Kasama ni Pangulong Marcos si First Lady Lisa Marcos at anak na si Vinny sa pagpapasinaya ng bagong bihis na Phil Sports Complex sa Pasig City.
00:42Basta sumasali ka sa sport, lahat yan will teach you how to be a better person.
00:47Let's find a way to bring sports back to schools.
00:53Masaya pang nagbiroan ang First Family sa newly renovated gym para sa mga national athlete.
00:58Ang aktibidad na ito ng First Family na taon sa gitna ng aligasyon ng kapatid mismo ng Pangulo na si Senador Amy Marcos na nagdodroga o mano ang First Family.
01:09Hindi nagpaunlak ng panayamang Pangulo o ang First Lady.
01:12Pero sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, dismayado raw talaga ang presidente sa sarili niyang ate.
01:19Dismayado na umabot sa ganitong kasinungalingan ang ginawa ng kanyang kapatid.
01:23Kanina, nag-post si Sen. Amy na may mga tagapalasyo, pulis at sundalo na nagpadala raw sa kanya ng mga larawan at impormasyon tungkol sa usapin ng droga.
01:32Tinayak niyang ligtas ang pagkakakilanlan ng mga ito at tatanawin niya raw itong malaking utang na loob.
01:38Sa mga nais para magbahagi ng kanilang nalalaman, nangako ang kapatid ng Pangulo na iingatan niya ang mga ito.
01:44Kasama rin ang Pangulo kanina si Depend-Secretary Sunny Angara na kabilang sa mga inakusahan ng dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap ng kickbacks.
01:54Sabi ni Angara, wala raw basihan at ebidensya ang mga akusasyon ni Bernardo.
01:58Kaya wala raw siyang balak mag-resign.
02:01Number one hearsay siya, parang sinabi lang na may kausap, na may binigay daw para sa akin.
02:06Pangalawa, wala man lang transaksyon na binanggit, wala man lang detalye, di ba?
02:10Parang sa akin, nag-deny na ako at saka okay na yun, tingin ko, until maybe there's a more serious accusation that comes.
02:17Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended