Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pulli cam sa Mandaluyong ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang tindahan.
00:05Ang isang suspect na nahuli sa acto, nagtangkapang magmano sa nagising na may-ari bago tumakas.
00:13Malitang hatid ni EJ Gomez.
00:18Pagmasda ng dalawang lalaking naglalakad sa barangay Daagbakal, Mandaluyong, umaga nitong Sabado.
00:25Tumigil sila sa tapat ng isang tindahan at bahay.
00:28Sa kuha ng isa pang CCTV, kita ang isang lalaki na sumisilip-silip sa may pintuan habang natutulog ang isang lola na nasa tindahan.
00:38Biglang pumasok ang lalaki, tila may kinuhang gamit na agad niyang itinago sa kanyang shorts at saka nagmamadaling lumabas.
00:48Naglakad-lakad ang dalawa, nagsilbing lookout ang isa sa kanila hanggang muling pumasok ang kasama niya.
00:55Kinuha ng salarin ang cashbox, pero ibinalik niya ito nang biglang may dumaan sa labas ng bahay.
01:06Nagtago pa ang lalaki sa may paana ng nakahigang lola.
01:10Nang magising ang lola, nagtangkapang magmano ang lalaki at saka siya lumabas.
01:16Maya-maya, lumabas ang biktima at sinubukang habulin ng mga lalaking ng loob sa tindahan.
01:25Kwento ng 71-anyos na biktimang si Lola Reynalda, natangay ng mga sospek ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng halos 30,000 piso.
01:35Ang cashbox naman na tinangkarin daw na kawin, naglalaman ng mahigit 10,000 piso mula sa maghapong benta sa kanilang tindahan.
01:44Nung nakaidlip ako, may biglang pumasok.
01:48Ay hindi ko naman siya kilala kung sino siya.
01:51Tapos, mga ilang minuto nagising na ako.
01:54Tapos nandito na siya sa tabi ko.
01:58Nakaupo.
01:59Tapos magmamano siya.
02:00Sabi ko sa kanya, anak ng sino ka?
02:05Tapos bigla na lang siyang lumabas.
02:07Nagulat niya ako tapos kinabahan niya ako eh.
02:11Mabuti nga po at ano, walang nangyari sa akin.
02:15Nai-report na sa barangay at pulisya ang insidente.
02:19Ang mga sospek na pagalamang dati nang nasangkot umano sa mga pagnanakaw sa ilang barangay sa Mandaluyong.
02:26Yung nangyari yan, nagpalo-up operation agad ng pulis natin kasama ang barangay.
02:30Nag-coordinate kami sa additional kasi doon nakatira sila eh.
02:34Nakulong na yan. Nakulong na yan.
02:36Kaya may identify na yung pangalan, di lang mukha, pangalan, kung saan nakatira.
02:41Patuloy ang pagtuntun ng mga otoridad sa mga sospek.
02:45Yung nagnakaw ng cellphone ko, sumuko ka na para mapagbayaran mo yung ginawa mo.
02:53Saka yun doon sa lookout, sana sumuko na rin.
02:57Maawa kayo sa mga binibiktima nyo, lumaban kayo ng patas.
03:00Hindi namin kayo titigilan.
03:02Mga che-chempohan din namin kayo.
03:04EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended