Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tumas pareho ang net worth ni na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte
00:04batay sa kani-kanilang statement of assets, liabilities and net worth.
00:09Ang paghimay ng GMA Integrated News Research at kanilang SAL-N
00:12sa balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
00:18Ang GMA Integrated News Research ang unang nakakuha ng kopya ng Joint Statement of Assets,
00:24Liabilities and Net Worth o SAL-N ni na Pangulong Bongbong Marcos
00:28at First Lady Lisa Marcos mula sa Office of the Ombudsman.
00:33Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng 21 piraso ng real estate properties
00:40kabilang ang mga lote at bahay na nagkakahalaga ng mahigit 142 million pesos.
00:46Nagdeklara naman sila ng personal properties kabilang ang cash, investments, alahas, sasakyan
00:52at mga paintings na nasa 247 million pesos.
00:57Kabilang dyan ang isang Mercedes-Benz Maybach na nasa 10.5 million pesos ang halaga.
01:04Ang koleksyon ng paintings ng mag-asawang Marcos aabot sa 126 na piraso
01:09kabilang ang ilang likha ng mga itinuturing na Filipino masters.
01:14Kabilang na riyan ang isang obra ni Fernando Amorzolo,
01:18labing pitong obra ni Ben Cabrera,
01:20ilang likha ni Arturo Luz at iba pa.
01:22Meron pa ngang isang likha ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
01:27Pinakamahalang painting ni Jose Hoya na nasa 19 million pesos ang halaga.
01:32Walang utang na idiniklara ang mag-asawang Marcos
01:35kaya ang kanilang net worth nasa mahigit 389 million pesos.
01:40Pero sa isirubiting sal-end ng Pangulo,
01:44makikita ang isang Annex D kung saan may ibang nakalagay na net worth
01:48na nasa 1.375 billion pesos.
01:53Base ito sa appraisal report ng pribadong appraiser na Cuervo Appraisers Inc.
01:58Makikita rito na mas mataas ang mga nakasaad na halaga ng mga lupain
02:03at personal properties ng Pangulo at First Lady,
02:07pati na ang halaga ng mga paintings na kanilang idiniklara.
02:10Nakasaad sa deklarasyon ng Pangulo na magkaibaan dalawang nakadeklarang net worth.
02:16Dahil ang isa ay nakabase sa mga alituntunin ng Civil Service Commission,
02:20habang ang isa na mas malaki ay nakabase naman sa appraisal ng Cuervo Appraisers
02:26na dati na raw ginamit ng Pangulo.
02:29Kung titignan, tumaas ang net worth ng Pangulo mula noong June 30, 2022
02:34nang siya'y maging Pangulo na nasa mahigit 329 million pesos
02:39base sa sal-end na nakabase sa alituntunin ng CSC.
02:44At nasa mahigit 908 million pesos
02:47kung pagbabasehan ng appraisal report ng private appraisal firm.
02:52Nakuha rin ng GMA Integrated News Research ang sal-end
02:55ni Vice President Sara Duterte mula sa Office of the Ombudsman.
03:00Joint statement nila ito ng kanyang asawang si Attorney Manasa Scarpio.
03:04Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng real estate properties
03:09na nagkakahalaga ng halos 67 million pesos.
03:13Kabilang dito ang mga lote, bahay, condominium unit,
03:16karamihan sa Davao City.
03:18Meron din silang dineklarang personal properties
03:21na nasa mahigit 31.6 million ang halaga.
03:25Ang kabuang assets na idineklara ng mag-asawa
03:28nasa halos 98.5 million pesos.
03:31May idineklara rin silang utang na halos 10 million piso.
03:36Kaya ang kanilang declared net worth
03:38nasa mahigit 88.5 million pesos.
03:41Kung ikukumpara sa kanyang sal-end
03:43mula ng maging Vice President noong 2022,
03:47tumaas ang net worth ng vice-presidente.
03:50Nasa mahigit 71 million pesos ito noong June 30, 2022.
03:56Umakyat sa mahigit 77.5 million pesos noong December 2023.
04:02At nitong 2024, umabot na sa mahigit 88.5 million pesos.
04:08Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended