Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakatutok ang GMA Integrated News sa malalaking balita ngayong biyernes.
00:05Nakabantay tayo sa epekto ng Bagyong Paulo, lalo na po sa Isabela at sa Aurora.
00:10Ihahatid din natin ang latest sa pinsala at pagbango ng ating mga kababayan sa Cebu,
00:16kasunod ng magnitude 6.9 na lindol doon.
00:20Una po natin alamin ang sitwasyon sa Isabela kung saan nag-landfall na nga ang Bagyong Paulo.
00:26Mula sa bayan ng Echage, may ulot on the spot si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
00:33Jasmine?
00:38Connie, sa mga oras nga na ito ay ramdam ng epekto ng Bagyong Paulo dito nga sa probinsya ng Isabela.
00:43Actually, sa mga oras nga na ito ay talagang tuloy-tuloy na yung buhos ng ulan at malakas na rin yung hangin.
00:49Wala na rin supply ng kuryente sa ilang bayan sa probinsya ng Isabela.
00:53As of 9 a.m. sa monitoring ng Isabela PDRRMO ay mahigit na sa 500 families ang nasa mga evacuation center.
01:03Karamihan sa mga evacuation center ay yung mga residenteng nakatira sa mga coastal municipality.
01:08Dito naman sa bayan ng Echage, Coney ay nasa dalawa hanggang tatlong pamilya ang nasa mga evacuation center.
01:14Partikular na sila yung mga nakatira sa gilid ng ilog.
01:16Ayon sa PDRRMO, posibleng pang madagdaga ng bilang ng mga evacuee dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-iikot ng MDRRMO para ilikas yung mga residente.
01:27At dito nga sa Echage, Isabela ay binabantayan ng MDRRMO yung mga kailugan.
01:32Sa oras kasi na umapaw ang tubig sa mga overflow bridge ay posibleng bahain din ang ilan pa sa mga low-lying areas.
01:39Naka-standby na rin ang mga rescue boats sa mga low-lying areas, hindi lamang sa bayan ng Echage, kundi maging sa iba't ibang mga bayan sa probinsya ng Isabela.
01:48Patuloy na pinag-iingat ang mga residente, lalo na na huwag munang lumabas sa mga oras nga na ito habang patuloy pa rin na naranasan ang epekto ng Bagyong Paulo.
01:59Samantala, as of 9am, tatlong gate ng Magat Dam ang nakabukas na nagpapakawala ng tubig.
02:04Ang paliwanag ng PDRRMO, bahagi lamang ito ng precautionary measure at malayo pa sa critical level ang Magat Dama.
02:11Connie?
02:11Yes, Jasmine, lahat ba ng mga areas dyan na dapat nalikasin ay sumunod naman yung ating mga kababayan?
02:18Wala naman nagpasaway na, Jasmine?
02:23Actually, Connie, ayon sa PDRRMO ay nagko-comply naman ang karamihan sa mga residente dahil hindi lamang ito yung unang pagkakataon
02:31na talagang dinadaanan ng bagyo ang probinsya ng Isabela kung kaya't alam na rin ng mga residente yung dapat nilang gawin
02:37kapag merong mga bagyo gaya na lamang ng Bagyong Paulo dahil nung mga nakaraang linggo nga, Connie, di ba?
02:43Ay nagdaan na din yung mga bagyo, yung Super Typhoon Nando ay naranasan din dito kung kaya't alam na rin ng mga residente yung kanilang gagawin.
02:51Kagabi, Connie, may mga lumikas na particular sa may dinapigay pero sa ibang mga bayan gaya sa Echage ay ngayong umaga lamang sila lumikas, Connie.
02:58Okay, para doon sa mga nasa evacuation center na at nabanggit mo nga talagang daanan ng bagyo ang Isabela,
03:06eh karaniwan ang nakakalimutan, Jasmine, yung mga pangbata doon sa mga DSWD packs na mga inumin,
03:13halimbawa mga gatas, diaper, mga gamot, pangsipon, ubo, lagnat.
03:18Yan ba ay na-address na sa nabalitaan mo dyan sa DSWD,
03:22at least for the meantime na naghahanda na yung mga kababayan natin para sa malakas na bagyo ito?
03:28Oo. Doon, Connie, sa family food packs, well, syempre, yung usual na ibinibigay ng DSWD,
03:36yung talagang ibinibigay sa mga residente.
03:38Pero sa ating mga pinuntahan, gaya na lamang sa may Echage,
03:41ay talagang meron din silang ibinigay ng mga tubig,
03:45meron din mga nakabantay na mga health authority mula sa RHU na nakastandby sa mga evacuation center,
03:51kung kaya't merong nakamonitor doon sa health conditions, especially ng mga bata.
03:56Pero pagdating doon sa mga diaper, doon sa mga gatas, wala tayong nakitang ganoon.
04:02Pero doon sa mga parents, doon sa mga magulang ng mga bata,
04:05ay meron naman na silang daladalang mga gatas at mga diaper.
04:08Pero since na-mention mo yan, Connie,
04:10kinakailangan din natin maitanong yaan sa otoridad,
04:13particular sa mga local government unit,
04:15dahil importante rin na maibigay nila yung ganyang pangangailangan,
04:18especially ng mga nasa mga evacuation center ng mga bata, Connie.
04:23Yes, paalala mo na lang at laging yan ang request ng mga ina.
04:27Maraming salamat sa iyong update sa amin.
04:29At ingat kayo dyan, Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended