Skip to playerSkip to main content
Kung 'di nagkakaubusan, nagmahal naman ang presyo ng ilang gulay dahil sa mga nagdaang bagyo. Ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa isang palengke, pumalo pa sa mahigit tatlong daan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung hindi nagkakaubusan, nagmahal naman ang presyo ng ilang gulay dahil sa mga nagdaang bagyo.
00:06Ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa isang palengke, e pumalo pa sa mahigit tatlong daan.
00:13Nakatutok si EJ Gomez.
00:16Nananatiling mataas ang presyo ng karamihan ng gulay na ibinibenta sa Marikina City Public Market.
00:22Ang ilan nga, mas nagmahal pa nitong mga nagdaang araw ayon sa mga nagtitinda.
00:27Sabi ng tinderang si Jenny Lin, dahil daw yan sa mga dumaang bagyo sa Norte na sumira sa mga pananim sa ilang probinsyang pinagkukuna ng supply ng gulay at ibinibenta sa Metro Manila.
00:39Talagang ang napuruhan po kasi ng bagyo, Norte, Bagyo, Nueva Biscaya, yan po kasi ang first supplier talaga ng gulay natin.
00:52Kaya talagang shortage po talaga siya, kaya ganyan ang presyo ha natin.
00:56Kami, dealer pa po kami ha, ganyan na yung presyo namin. What more sa mga humahangos sa amin.
01:03Ang ilang klase ng gulay, nagkakaubusan na raw ng supply.
01:07Ngayon po, actually, ang bagyo beans namin, medyo nagkakaubusan talaga, wala kaming supply.
01:14Actually, ang presyo niya ngayon, naglalaro siya sa 500, 400, ganyan.
01:19Dito sa Marikina City Public Market, ang kada kilo ng local red onions o pulang sibuyas pumalo na sa 310 pesos.
01:28May mas mura at malalaking variety na imported galing India na ibinibenta ng 140 pesos kada kilo.
01:34Ang imported white onion naman na maliliit, 140 pesos din ang kada kilo.
01:40120 pesos kada kilo yung mas malalaki.
01:44Ilang gulay pa ang mas tumaas ang presyo kaya ng ceiling green na nasa 330 pesos ang kada kilo ngayon mula sa dating 250 pesos.
01:52Ang ceiling labuyo naman, mabibili sa 500 pesos na nooy 400 pesos.
01:59At ang bell pepper, 280 pesos mula sa dating 220 pesos kada kilo.
02:05Ang mamimiling si Antonia, araw-araw na lang daw dumidiskarte para mapagkasya ang budget.
02:11Oo nga ang taas ng presyo ng mga gulay.
02:13Kaya ang ginagawa ko na lang, binabawasan na lang yung mga gulay na bibilin mo.
02:20Hindi na yung kung isang kilo, hindi na ganun.
02:24Half na lang, yung mura na lang yung binibili.
02:26Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended