Skip to playerSkip to main content
May mga nagka-altapresyon at mga sasakyang hinatak sa ikalawang araw ng rally ng Iglesia ni Cristo sa Maynila pero "generally peaceful" pa rin ayon sa pulisya. Bukas inaasahang pinakamarami ang mga dadalo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May mga nagka-alta presyon at mga sasakyang hinatak sa ikalawang araw ng rally ng Iglesia Ni Cristo sa Maynila,
00:07pero generally peaceful pa rin ayon sa polisya.
00:10Bukas, inaasahang pinakamarami ang mga dadalo.
00:13At mula sa Quirino Grandstand, nakatutok live si Oscar Oida.
00:18Oscar!
00:20Yes, Vicky, hindi nga natinag ng pabagong-bagong lagay ng panahon
00:25ang pagnanayos ng mga member ng INC na makiisa sa kanilang panawagan
00:30ng Justice at Transparency for Better Democracy.
00:38Mula sa ere ay sinilip ng NCR Police Office ang sitwasyon sa Quirino Grandstand at Luneta Park
00:45kung saan idinaraos ang rally ng Iglesia Ni Cristo na nagsimula kahapon.
00:50Generally peaceful pa rin ang ikalawang araw nito
00:53ayon kay NCRPO Chief Brigadier General Anthony Abirin.
00:57This can be attributed dun sa comprehensive security plan natin
01:02and at the same time yung real-time coordination po natin dun sa mga organizers po.
01:11Naging mainit sa maghapon,
01:13kaya di naiwasang may mga nakatatandang nagkaalta presyon.
01:17Buti na lang at nakakalat sa lugar ang mga first aid stations.
01:21Sumasakit dito sa batok ko at saka mainit ang katawan ko talaga kaya ako nag-ano na lang.
01:29Sa aming pag-iikot, naabutan namin ang mga sakyang hindi nakaligtas
01:33sa managbabantay na tauan ng Manila Traffic and Parking Bureau matapos mag-double parking sa lugar.
01:40Pinag-hahatak ang mga ito para di na makaabala sa trafiko.
01:43Samantala, ayon sa regular monitoring ng Department of Public Services ng Maynila,
01:49simula kahapon ay umabot na sa may hitlabing siyam na tonelada
01:53o katumbas ang pitong truck ng basura ang kanilang nahakot sa Green Grandstand
01:57at sa mga kalapit na lansangan kung saan idanaraos ang rally ng INC.
02:02Sa pagpapatuloy ng rally bukas, inaasa ng PNP na pinakamalaking bilang ng mga taong dadalo
02:08na tinataya nilang aabot sa isang milyon.
02:11Paalala ng PNP, igalang ang karapatan ng bawat isa
02:15at iwasan ang makipagtalo o makipag-away.
02:18Umiwas rin sa siksigan at maging alerto sa anumang panganib.
02:23Gusto kong malaman mo na hindi kina...
02:27Samantala, sa masandaling ito, asahan na ng ating mga kababayan
02:31ang pagbibigat sa tali ng trafiko sa paligid ng Kirino Grandstand.
02:37At kaugnay naman ang problema sa basura at illegal parking
02:41ay patuloy nating sinisikap na makuna ng payag ang pamunuhan ng INC.
02:46Kaugnay nito, Vicky.
02:48Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
02:53Maraming salamat sa iyo, Oscar Oida.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended

1:11:21