00:00Nagbitiw ang ilang miembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:04kabilang sina Executive Secretary Lucas Bersamina at Budget Secretary Amena Pangandaman.
00:09Natito ang detalye.
00:14Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:17ang pagbibitiyo sa pwesto ni Executive Secretary Lucas Bersamina at Budget Secretary Amena Pangandaman.
00:23Ito ang inanunsyo ng Malacanang kahapon November 17
00:26kasunod ng pagkakadawit ng dalawang opisyal sa maanumalyang proyekto kontrabaha.
00:31Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro,
00:33buluntaryo nagsumiti ng resignation letters na Bersamina at Pangandaman
00:37bilang delikadesa at para bigyan daan ang investigasyon sa flood control scam.
00:43Kamakailan lamang ibinunyag ni dating Akubicol Partless Congressman Zaldico
00:46na si Pangandaman umano ang nag-abot na mensahe ni Pangulong Marcos Jr.
00:50na magsingit ng 100 bilyong pisong proyekto sa 2025 national budget.
00:55Si Bersamina naman, pinangalanan ni dating Department of Public Works and Highways
00:59under Secretary Roberto Bernardo na isa umano sa mga tumatanggap ng kickback
01:03sa mga proyekto kontrabaha.
01:06Sabi ni Castro, ito marahil na nagudyok sa kanila na bumaba sa pwesto.
01:10Ang pagtanggap naman sa kanilang resignation ay sumasalamin sa layunin ni Pangulong Marcos Jr.
01:15na patatagin ang pamahalaan, pagbutihin ng koordinasyon sa mga ahensyo ng gobyerno,
01:19tiyakin ng stability, oportunidad at siguridad sa bawat pamilyang Pilipino.
01:24Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang kontribusyon ni Bersamin na tumayo bilang Chief Justice
01:28at nagambagaan niya ng kanyang decades of wisdom.
01:32Pinasalamatan din ng Pangulo si Pangandaman dahil sa napapanahong paglalabas ng pondo
01:36sa mga kinakailangang programa ng bansa.
01:38Samantala, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. bilang bagong Executive Secretary
01:42si Finance Secretary Ralph Recto,
01:45habang si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs,
01:49Frederick Goh, ang tatayong Finance Chief.
01:52Pamumunuan naman bilang officer in charge ni Undersecretary Rolando Tolido
01:56ang Department of Budget and Management.
01:58Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na hindi maaantala ang operasyon ng gobyerno.
02:02Siniguro din niya na hindi maa-de-delay ang rollout ng budget sa susunod na taon.
02:07Magpapatuloy ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad
02:10at gugulong ang mga economic at social programs na makakatulong sa bawat Pilipino.
02:16Josh Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.