Skip to playerSkip to main content
Ikalawang araw din ng protesta sa EDSA People Power kung saan dumalo ang ilang pulitiko at retiradong mga sundalo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikalawang araw din ang protesta sa EDSA People Power kung saan dumalo ang ilang politiko at retiradong mga sundal.
00:09Ang sitwasyon doon, tinutukan live ni Chino Gaston. Chino?
00:16Mel, matinding traffic ang dulot ng sinasagawang rally dito sa northbound lane ng EDSA.
00:21Hindi lamang dahil sa dami ng mga rallyista at mga nagbabantay na polis,
00:25kundi dahil isinara din itong bahagi ng White Prince Avenue at yung EDSA naman, isang lane sinakop ng mga service vehicles ng PNP.
00:37Tanghali, nagsimula ang programa na hindi natinag kahit ang bahagyang umulan dakong alas dos ng hapon.
00:44Bukod sa mga miyembro ng UPI na mga retiradong sundalo, may mga dumaluring politiko.
00:49I-pinakita rin sa programa ang mga videos ni dating Congressman Zaldico na nagdidiin sa papel umano ni Pangulong Bongbong Marcos
00:57at dating House Speaker Martin Romualdez sa katiwalian sa flood control projects.
01:03Hindi raw bibigyan dignidad ng Pangulo ang mga aligasyon ni Coe habang si Romualdez naniniwalang walang bigat sa korte ang mga sinabi ni Coe.
01:11Umaga palang tukod na ang trapiko sa northbound ng EDSA simula sa canto nito at ng White Plains Avenue hanggang sa EDSA, Mandaluyong.
01:20Kinailangang paradahan ng isang lane ng EDSA ng service vehicles, ng mga pulis at iba pang bantay na seguridad.
01:26May rerouting din dahil sarado ang bahagi ng White Plains Avenue mula sa Corinthian Gardens hanggang EDSA.
01:32Mas matindi ang epekto sa trapiko ngayon kumpara sa unang araw ng bagditipon dito ng United People's Initiative o UPI.
01:41Hindi maiwasan kasi nga today is Monday, may pasok na yung mga tao natin.
01:46Kaya nga yung mayor natin, nung una, kinukombinsi namin na huwag na munang payagan,
01:53umanap na lang na ibang araw, pero nung nakita namin na mas magiging problema yung uuwi ito,
01:59babalik pa ito, tapos yung mga logistics nila maapektuhan, binigyan na namin another permit for today.
02:11Mel, sa datos ng PNP ay umabot daw sa 3,000 ang dami ng mga ralista sa kasagsagan ng kanilang programa kanina.
02:20Pero hindi pa malinaw sa Quezon City Government kung babalik pa rin ba bukas dito mga ralista
02:25o kung magsasanip pwersa na sila para doon sa pulling rally sa Quirino Grandstand.
02:30Ngayon pa man, binibigyan sila ng palugit dito sa People Power Monument na manatili hanggang alas 10 ng gabi.
02:37Mel.
02:38Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended