00:00Hindi na itinuloy ng Iglesia Ni Cristo ang ikatlo at huling araw ng kanilang Transparency at Accountability Rally ngayong araw.
00:09Ayon po sa INC, hindi na kinailangan ng tatlong araw para maiparating ang kanilang panawagang justisya, kapayapaan, paghahanap ng pananagutan, at bukas na investigasyon, kaugnay sa manumalyang flood control project sa bansa.
00:24Nagpasalamat ang INC sa lahat ng dumalo sa pagtitipon sa Quirino Grandstand sa Maynila noon pang linggo.
00:32Itoan nila ay tugon ng INC sa lumalaking panawagan ng publiko sa gobyerno na tugonan ang korupsyon na lubhang nakakaapekto na sa ekonomiya at lagay ng bansa.
00:43Sabi pa ng INC, nagsimula ang programa ng payapa at natigil din ng payapa.
00:49Samantala, itinigil na rin ang United People's Initiative o UPI ang kanilang kilos protesta sa EDSA People Power Monument.
00:57Hindi na raw kasi sila binigyan ng permit ng Quezon City LGU na ituloy pa ang protesta.
01:04Bagaman malinaw umanong pangaharas ito, susunod daw ang UPI.
01:09Hindi a nila dito natitigil ang kanilang panawagang pagpapanagot sa mga tiwali.
01:13Sagot naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang inaprubahan nilang permit ay pang isang araw na rally lang ng UPI.
01:22In-extend ang araw nila ng isa pang araw.
Comments