00:00Assessment sa unang araw ng Peaceful Rally for Transparency and Accountability ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand kahapon.
00:09At hanggang sa kasalukuyan, ating aalamin kasama si Police Major Hazel Asilo,
00:14ang tagapagsalita ng Philippine National Police, National Capital Region Police Office.
00:19Major Asilo, magandang tanghali po.
00:22Magandang tanghali po si Klui and si Queng. Magandang tanghali rin po sa lahat.
00:26Ma'am, sa assessment po ng NCRPO, kamusta po ang unang araw ng Peaceful Rally for Transparency ng INC?
00:37Maayos po, payapa at organisado ang unang araw ng Peace Rally kahit na po napakalaki ng bilang na dumalo,
00:44na napiling disiplinado po ang ating crowd at wala pong talanggulo, tensyon o siksikan.
00:49Sa Quirino Grandstand po, naging mahinahon ng daloy ng tao at naging maayos po yung koordinasyon ng bawat isa
00:55at napanatili po natin ang maximum tolerance at profesional na presensya ng ating mga pulis sa buong araw.
01:02Major Hazel Asilo, ano naman po yung specific measures na uno nang inilatag ng PNP,
01:07particular ng NCRPO, sa inyong security operations para mapanatili yung siguridad sa lugar?
01:14Mahigpit po natin isinatupad ang maximum tolerance.
01:17Yan po yung mahigpit na bilin ng aming acting chief, PNP at regional director ng NCRPO,
01:22ang proper crowd management at real-time monitoring po sa ground.
01:26Ang ating CDM teams po ay walang dalang baril at nakatoon lamang po sa crowd control
01:31habang ang mga pulis na may baril po ay naka-assign sa anti-criminality duties at perimeter security.
01:37Mayroon din po tayong mga dedicated medical teams, traffic management units at quick response forces
01:44na nakastanday po para sa anumang pangangailangan.
01:48Ma'am, sa estimate po ninyo, siguro isara na natin sa hating gabi-kagabi.
01:54Ilan po yung dumalo kahapon?
01:57At ngayon po ba at sa susunod pang araw, ilan pa po ang inaasahan ng PNP na dadalo?
02:06Yes po. Mahapon po, nasa 650,000 yung pinakamalaking bilang ng tao dito sa Quirino Grandstand.
02:15At ngayon naman po, as of 12 noon, meron po tayo ng namonitor na 220,000 na nandyan po na ating mga kasamahan sa IMC.
02:26Bukas po, inaasahan natin na mas marami pa po ang dadalo para sa kanilang last day,
02:30noong kanilang three-day prayer or protest rally.
02:33So Major, nasa high alert daw yung security protocol ng Malacanang Compound.
02:38Ano pong ibig sabihin nito sa operasyon sa ground?
02:41Bagamat alam naman natin na meron niya sarili ipinatutupad na security protocol ang palasyo.
02:46Actually, nanggaling kami doon kanina.
02:48So maraming pulis sa labas at isang gate lang ang nakabukas doon sa buong Malacanang.
02:53Opo, ang high alert status po ay nangangagogan lamang na mas mataas na antas ng paghahanda at mas mabilis na coordination lines.
03:03Sa ground operations po, nananatiling pareho ang protocols,
03:06ngunit kas pinaigting ang monitoring, intelligence sharing, at standby units para sa anumang biglang pangangailangan.
03:13Wala po itong ibig sabihin na may bata, ito po ang precautionary measures lang.
03:17Major, nagbigay po ng babala ang DILG at PNP laban sa mga grupong maaaring magsamantala o humalo po dito sa peaceful rally na ito.
03:30So, meron po ba kayong mga binabantayan na grupo o individual na posibleng gumawa nitong uri ng destabilization?
03:38Sa ngayon po, wala po tayong nakikita o na-monitor na grupo o individual na may mga posibleng po na may malinaw na intensyon ng pangugulo.
03:49Pero tuloy-tuloy po ang ating intelligence validation at situational monitoring.
03:54Pinag-iingat po namin ang publiko sa mga maling informasyon online na maaari po magdulot ng takot o galit sa kanila.
04:01So, dapat po maging mapanuri po tayo sa ating mga nakikita sa ating mga social media.
04:08Magiging immediate actions ng inyong hanay kung sakali mang makita mga magtatangkang manggulo o lumikha ng kaguluan sa mga susunod pa na araw na gaya nung nangyari noong September 21.
04:21Mayro po tayong mga naka-deploy na arresting teams na nakaantabay po at handang po millions kung may gumawa po ng paglabag sa batas.
04:29Lahat po ng aksyon ay dadaan po sa proper documentation at alinsunod po ito sa aming police operational procedures.
04:34Ngunit sa ngayon po, wala pa po tayong nakikita ang anumang indikasyon ng destabilisized acts.
04:42Major, kamusta naman po yung pakikipag-ugnayan nyo sa organizer?
04:47I understand, hiniling po nila na wala pong polis dun sa mismong Luneta o Quirino Grandstand area.
04:56Kayo po ba sa parte po ng PNP, meron po ba kayong specific guidelines na inilatag naman sa kanila?
05:03Regarding po sa ating security dito sa Quirino Grandstand, ang ating po mga police na naka-deploy ay para po sa outside perimeter
05:14kasi po yung inside perimeter area ng mismong Grandstand, gano'n din po doon sa green pool.
05:26Kung kasa security is yung kanilang INC marshals, gano'n din po yung SCAN International.
05:32So nagkakaroon na lang po kami ng koordinasyon kung paano po pinapatupad namin yung aming mga security protocols.
05:37So ma'am, ano naman po yung assessment ng NCRPO pagdating sa dalaw ng trafik o sa lugar?
05:43Paano natin napapanatiling maayos ito bagamat napaka-trafik all over Manila po?
05:49Tama po. Meron po kasi tayong mga road closures at may mga areas po tayo, may mga lugar po tayo,
05:57mga daan na isinara para po magsilbi din pong parking dito sa mga sasakyan na ginamit po na mga nagdumalo dito sa atin sa Quirino Grandstand.
06:07So naglabas po tayo ng mga advisories at ng mga announcements regarding po sa kung ano po yung mga daan natin sa rato sa araw na ito
06:16at hanggang bukas, gano'n din po sa mga areas na pwede po nilang daanan or yung mga alternate routes po
06:22para doon sa mga kababayan po natin na dadaan ng Manila.
06:25Ma'am, kamusta naman po yung pagbabantay ng PNP sa Menjola, pati po sa EDSA People Power Monument?
06:32Meron po bang aktividad ngayong araw, pati bukas po?
06:36Dito po sa People Power Monument, wala po tayong activities bagamat dito po sa area ng Samay White Plains.
06:44Nakakuha po ng permit ulit ang United People's Initiative, kaya po magkakaroon muli sila ng programa dyan ngayong araw na ito.
06:55Sa Menjola, wala po tayong namomonitor pa ng mga grupo, although meron po tayong mga deployed na
07:01assistance at mag-secure po sa area.
07:08So, ma'am, napag-usapan din po na yung mga pulis ay magsusot ng body cameras.
07:11Gaano po ito kahalaga at nasusunod po ba ito?
07:14Ma'am?
07:19Yes po, meron pong usapan na ang mga pulis ay magsusot ng body cameras.
07:26So, gaano po ito kahalaga at nasusunod po ba ito?
07:29Yes, ma'am. Mahalaga po yung pagsusot natin ng body-worn cameras dahil ito po yung nagbibigay ng transparency,
07:37ginagamit namin for documentation at sa publiko pati na rin po sa ating mga pulis.
07:43Ito rin po yung mahalagang bahagi ng ating accountability at ng panawagan ng PNP para sa mas malinaw po at mas maayos na police procedures.
07:51Pang-huli na lamang po, Major, paalala at mensahin nyo na lamang po sa publiko,
07:57lalo na po doon sa mga lalahok, sa rally at doon po sa mga daraan po sa Quirino Grandstand.
08:05Sa ating mga kababayan, hinihikayat po namin ang lahat na manatiling kalmado,
08:10maging mapanuri at kumuha lamang po ng informasyon sa verified sources.
08:15Buong pwersa ang nakadeploy po ang NCRPO at handang tumugon anong oras
08:19para sa mga makikilahok, makakatulong po ng malaki kung susundin po natin
08:24ang mga paalala ng coordinating teams at ng ating mga pulis upang maging maayos ang takbo ng aktividad.
08:30Sa mga hindi naman po lalahok, hinihiling po namin ang inyong pangunawa,
08:34magplano po tayo ng biyahe natin ng mas maaga upang maiwasan po natin ang apala.
08:39Ang layunin po namin ay malinaw, maipahayag ninyo ang inyong panawagan ng malaya at mapayapa
08:45habang nananatiling ligtas po ang lahat.
08:47Narito po ang inyong NCRPO para bantayan kayo.
08:50Protektahan ang bawat isa at saking payapa at maayos ang pagpapatuloy ng inyong aktividad.
08:55Maraming salamat po.
08:57Maraming salamat din po sa inyong oras,
09:00Police Major Hazel Asilo, ang tagapagsalita ng NCRPO.
09:05Thank you, ma'am.