00:00Nakatakdang magbigay ng 2.5 million US dollars na halaga ng tulong ang Estados Unidos at South Korea sa Pilipinas
00:07para mapalakas ang humanitarian response sa pinsalang iniwan ng Bagyong Tino at Uwan.
00:12Maglalaan ang Washington ng 1.5 million US dollars para sa logistics, emergency shelter, tubig, sanitation at pamamahala ng evacuation centers.
00:22Magde-deploy din ng mga asset ang US military para maghatid ng relief goods sa mga apektadong lugar.
00:28Isang milyong dolyar naman ang ibibigay ng South Korea sa pamamagitan ng International Federation of Red Cross and Red Cross Crescent Societies
00:37upang mas mabilis na makabangon ang mga biktima ng kalamidad.