00:00Pinaigting pa ng Pilipinas at ng Kambodya ang paglaban sa human trafficking at iba pang transnational crime.
00:06Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na puksain ng mga sindikato na nagre-recruit at nananamantala.
00:14Ayon sa Malacanang, isang high-level dialogue ang ginawa ng Pilipinas at Kambodya.
00:19Pinangunahan ito ng Interagency Council Against Trafficking at ng Department of Justice
00:24kasama ang Kambodyan National Committee for Counter-Trafficking.
00:27Sumentro ang pagpupulong sa pagtitiyak ng siguridad sa mga border ng dalawang bansa
00:32at pagsisiguro sa mga kaligtasan ng mga Pilipino at Kambodyan citizens
00:37sa harap na rin ng pag-usbong ng mga scam hub na nambibiktima.