Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30It's a stressful rally dito sa People Power Monument sa Quezon City kahapon ayon sa pulisya.
00:35Yan ay sa kabila ng namuong tensyon matapos harangin ng pulisya ang isang grupong may bit-bit na mga placard na ang nakalagay BBM Resign.
00:46Lahat tayo gusto natin bumaba sa Angos. Let's not prevent anyone.
00:50But if you will insist to take that...
00:52Hindi, wala, wala, wala.
00:53Ang tanong namin, sir, ang tanong namin, ano ba yung dala nyo? May dala ba kayong placard?
00:58Marcos Resign.
00:59Sa unang araw ng rally sa People Power Monument sa Quezon City kahapon,
01:03nagkatensyon nang dumating ang grupo ni Eric Celis galing EDSA Shrine.
01:08Hinarang sila ng mga pulis dahil hindi raw sila kagrupo ng United People's Initiative ang grupong nag-organisa ng rally sa EDSA.
01:17Ayon kay Celis, isang dating kongresista raw mismo ang nag-imbita sa kanila roon.
01:22Humupa naman kalauna ng tensyon nang magkasundo ang UPI at grupo ni Celis.
01:27Minor ano lang po yun.
01:29At yan naman po eh, pag magkakakilala sila, pag nag-usap-usap, at the end of the day, doon pa rin sila ay papunta sa peaceful resolution or peaceful means.
01:41Sabi ng UPI, kaisa rin nila sa rally ang mga miyembro ng PDP laban, One Bang Samoro, mga religious group na KOJC o Kingdom of Jesus Christ, JIL o Jesus is Lord Church, at Iglesia ni Cristo.
01:55Ang pangako ng grupo sa LGU at pulis siya, walang seditious remarks o pag-uudyok ng pag-atlas sa gobyerno sa kanilang kilos protesta.
02:04Sa isang pahayag, nanawagan ng UPI sa Pangulo na gumawa agad ng mga hakbang para may balikan nila ang kumpiyansa sa Office of the President.
02:13Sa gitna ng kaliwatkanang aligasyon na binitawan ni dating Akobicol Partilist Representative Zaldico laban sa kanya, dapat anilang magkaroon ng isang buo, independent at transparent na investigasyon tungkol dito.
02:28Dapat din daw ipag-utos ng Pangulo na may isa publiko lahat ng dokumento, pag-uusap at records kaugnay sa budget allocations, insertions at fund flows.
02:39Kung hindi raw ito agad matutugunan, dapat anilang mag-resign na lang si Marcos.
02:45Sabi ni Palace Press Officer at Undersecretary Attorney Claire Castro, matagal lang sinisikap ng Pangulo na maayos ang aniya ay kalat na iniwan ng nakaraan.
02:54Ang mga nagnanais daw na matanggal sa pwesto ang Pangulo ay mga taga-suporta o mano ng mga tinatamaan sa mga imbestigasyon.
03:03Ayon sa Quezon City Police District, umabot sa 4,000 ang naitalang nag-rally sa People Power Monument kagabi.
03:10Posible raw na dumami ang bilang ng rallyista ngayong araw matapos bigyan ng Quezon City LGU ng Go Signal ang UPI para sa ikalawang araw ng rally mula alas 8 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
03:23Tatlong araw na rally ang plano ng UPI.
03:25Through coordination nila, nag-meeting, pumayag sila dun sa one day lang.
03:29But then ngayon kasi gusto nilang mag-extend.
03:32So ang naging suggestion natin, kailangan nilang mag-apply ng permit.
03:35And yun, in-approve naman po ng ating QCLGU.
03:37Ang ina-anticipate nila, mas marami kasi nakita nila ngayon yung mga participants.
03:43Nasa Sanlibot, 7000 polis siyang magbabantay sa lugar ngayong araw.
03:47Igan, panakanaka ang buhos ng ulan dito ngayon sa People Power Monument sa Quezon City.
03:56Hindi pa naman gaano mabigat itong daloy ng trapiko, lalo na at nagbukas nga ng zipper lane dito sa White Plains Avenue pagitan niyan ng EDSA at Katipunan Avenue.
04:07Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
04:09Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
04:12Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment