Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nagpangalan ang mag-asawang Diskaya ng mga politikong nakatanggap umano ng kickback base umano sa dinala nilang ledger ng mga transaksyon sa Senado.
00:10Pero ang listahan, hindi pa raw kumpleto.
00:13Saksi, si Darlene Cai.
00:18Mula sa kanilang compound sa PASI, tumulak pabalik ng Senado ang mag-asawang Pasifiko Curly at Sara Diskaya bago mag-alas 3 ng hapon kanina.
00:27Naka-detain si Curly sa Senado pero pinayagan siya ng Senate Durban Committee na makauwi saglit para kunin ang ledger na dating binanggit ng mag-asawa na naglalaman ng mga transaksyon umano nila sa ilang politiko.
00:40Ang ledger na bit-bit ng mag-asawa pagbalik sa Senado, naglalaman umano ng impormasyon tungkol sa ibinigay nilang kickback sa ilang mambabatas at opisyal ng DPWH kaugnay ng maanumaliang mga proyekto kontrabaha.
00:52Nasa ledger umano ang mga pinangalanan ni Curly na anim na dati at kasalukuya kongresista at dalawang dating DPWH officials.
01:01Kong Roman Romulo, si Kong Marvin Rillo, si Kong Nungdin Asisto, si Kong Patrick Vargas, si Kong Marivik Ilar, si Kong Jojo Ang, si Yusek Terence Calatrava, si Yusek Bernardo.
01:27Nagbagit din si Curly na mga petsa ng pagbibigay umano ng pera at kung sino ang tumanggap. Pero ilan lang daw ito sa listahan ng mga mambabatas.
01:35Kaperaso lang po yung nakuha ko dahil mauubos po yung time namin baka pagbalik po namin dito ay tapos na po ang hearing.
01:43Para makumpleto ang listahan, susulat daw ulit si Sen. Peng Lacson, chairman ng Blue Ribbon Committee kay Sen. President Quito Soto,
01:51para muling payagang makauwi si Curly para kunin ang iba pang dokumento.
01:55Hinihinga namin ang reaksyon ang mga nabanggit ni Diskaya.
01:59Nasa parehong pagdinik si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, kaya tinanong na rin siya tungkol sa mga isiniwalat ni Curly.
02:06Mr. Chair, according to Diskaya, it was given to Mani Bulusan. So kung ako man po ay merong alam dito, I have to match with my records.
02:17Because pagka po ako ay merong ganyan, as I stated earlier, meron po akong proponent. Meron po project na katumbas yan.
02:24So I will have to match that with the projects if really it's true.
02:28No show naman sa pagdinig ng Senado si dating House Speaker Martin Romualdez at labing tatlo pang incumbent na kongresista na pinangalanan sa pagdinig.
02:36Sa isang liham sa komite, sinabi ni Speaker Bojie Dina hindi sisipot ang mga mambabatas dahil haharap naman sila sa investigasyon ng ICI o Independent Commission for Infrastructure.
02:47At baka raw malagay sa alanganin ang findings ng ICI.
02:50No show din ang anim na dating mambabatas kabilang si Zaltiko.
02:54Kaya ay minungkahin ni Sen. Sherwin Cachalia ng pag-issue ng sub-Pinakay ko para kung hindi pa rin daw sumipot, maaari nang mag-issue ng arrest warrant laban sa kanya.
03:03Wala pang petsa ang susunod na pagdinig ng komite sa Senado.
03:06Para sa GMA Integrated News, ako si Larlene Kay, ang inyong saksi.
03:11Inusisa sa pagdinig ng Senado kanina ang mga flood control projects sa Cebu, maging ang pag-apruba sa isang high-end residential project.
03:19Saksi, si Ian Cruz.
03:20May gint-isang linggo matapos rumagasa ang matinding pagbaha dahil sa Baguio Tino, sa Canlaon City, Negros Oriental.
03:35May pito pa rin hinahanap ayon sa PDRRMO, dalampot isang kumpirmadong nasawi.
03:41Sa Talisay City, Cebu, patuloy ang clearing operation para linisin ng putik at debris.
03:46Kanina sa pagdinig ng Senado, inusisa ni Senadora Risa Ondevero si DPWH Undersecretary Arthur Bisnar, kognay sa mga flood control projects sa Cebu.
03:58Nasa P50B ang ginasto sa flood control projects sa Cebu in just the last 10 years, the last decade.
04:08Of that P50B, P26B, higit kalahati, just in the last 3 years.
04:15The sheer volume of flood control projects supposedly in place to keep our people safe.
04:21Bakit po umabot sa ganito?
04:23Despite yung ganito kalaking budget, dami ng flood control projects,
04:31ang nakikita po natin sa nangyari is ineffective po yung itong mga proyekto na ginawa sa Cebu.
04:42Sa mga naging testimonies na rin po dito,
04:45doon pa lang po makikita po natin na wala pong proyekto na talagang napondohan ng tama.
04:53Dahil po lahat po nabawasan na.
04:55May isusunitiraw na formal report si DPWH Sekretary Vince Lison ukol sa mga proyekto sa Cebu.
05:03Isa saan daw rito ang mga rason kung bakit ganoon na nangyari at ang mga solusyon dito.
05:10Ayon kay Bisnar, napabayaan umano ang mga nagawang master plan para sa flood control ng Cebu.
05:16Makakasingil ba ng Danyos ang mga pamilyang namatayan o nasaktan o nawalan o nasiraan ng bahay sa palpak at substandard na infrastructure?
05:29As a personal opinion po, I think po meron po silang kinalaman at dapat po rin silang malagot dito sa nangyari sa Cebu.
05:41Pino na rin ni Sen. Ontiveros ang pag-aproba sa Monterazas de Cebu.
05:48Sino po ba yung nagbulag-bulagan sa DNR at DNR-EMB para mag-grant yung Environmental Compliance Certificate na ito?
05:57Sa nagbulag-bulagan, hindi ko po masasagot yan.
06:01Ang isisipo ng Monterazas has done through the whole process of EAA.
06:08Kompleto po yan, public scoping, technical reviews.
06:14It has undergone four technical reviews instead of three.
06:19And then public hearing.
06:23Then there is an independent body which is recommended for the approval.
06:29Hindi ko po matanggap na hindi nyo masagot sa nangyari at sa scale niya at sa katindi niya.
06:35By now, you should be gathering some answers.
06:38Hindi lang para sa publiko, pati para sa department ninyo.
06:41Wala pang pahayag ang Monterazas.
06:44Pero dati na iginiit ng project lead engineer nitong si Slater Young na sustainable ang proyekto.
06:49May irrigation system binan niya ito na kawangis ng ginagamit ng mga magsasaka
06:55na makatutulong sa pagpilekta ng tuming ulan.
06:59Ang bahagi naman ng baler kasiguran road sa Dipakulaw Aurora na winasak ng bagyong uwan.
Be the first to comment