00:00Mahigpit ang gagawing pagbabantay ng Philippine National Police sa rally na gaganapid sa EDSA People Power Monument ngayong linggo.
00:08Yan ang ulat ni Ryan Lasigues.
00:12Walang nakikitang banta ang Quezon City Police District o QCPD sa ikakasang kilos protesta ng grupong United People's Initiative o UPI sa People Power Monument at White Plains sa araw ng linggo.
00:24Kanina, nagsagawa ng walkthrough ang QCPD, QCLGU at Quezon City Department of Public Order and Safety bilang paghahanda sa kilos protesta kasabay ng isasagawang kilos protesta ng religious group sa Maynila.
00:38Ayon kay QCPD spokesperson Major Jennifer Ganaban, sa halip na tatlong araw, isang araw ang inaprubahan para magsagawa ng programa ang UPI.
00:48Isasagawa ito mula alas 8 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi sa linggo, Nobyembre 16.
00:53Sinabi pa ni Ganaban na upang masiguro ang kaayusan, magpapakalat ang QCPD ng mahigit sa isan libong polis, maliban pa ang ilang medical teams at force multiplier upang tumugon sa anumang insidente.
01:06Pakiusap natin na sana kung may mga ibang grupo naman is maayos yung pagpunta nila dito para maiwasan ang anumang gulo.
01:14So, yun lang po ang ano natin. Pero nakahanda naman po yung QCPD kung magkaroon man po ng anumang gulo, nakahanda po ang ating mga kapulisan.
01:23Ayon naman sa Quezon City Department of Public Order and Safety, inaasahang aabot sa 300,000 individual ang makikisa sa kilos protesta.
01:31Kaya naman inabisuhan ng DIPOS ang mga motorista na iwasan na ang pagdaan sa White Plains at EDSA upang hindi maabala.
01:39Ang mga law and order cluster members ng local government units natin, ibubuhos na namin rito.
01:46Happy kami kasi buhay yung coordination line namin, bindi organizers at saka sa amin.
01:52Yun nga isang dahilan para yung last leg ng aming pag-ausap, yung walkthrough, para kami nagpa-practice kung ano mangyayari sa nilalagay yung mga emergency ambulances natin.
02:04Sa isinagawang punong kanina, nangako naman ng UPI na susunod sila sa ibinigay ng mga patakaran ng LGU at mga otoridad.
02:12Babantayan din daw nila ang kanilang hanay upang hindi mahaluan ng mga nais na manggulo sa kanilang programa.
02:19Diit ng grupo, isasagawa nila ang kilos protesta upang ipanawagan na panaguti ng mga nasa likod ng maanumalyang flood control projects ng pamahalaan.
02:28Panawagan ng Quezon City Police District sa mga makikiisa sa kilos protesta, panatilihin ng kayusan at igalang ang hinaing ng bawat isa.
02:37Wag na rin daw makisali ang ibang grupo na hindi nabigyan ng permit.
02:41Tiniyak ng Quezon City Police District na magpapatupad sila ng maximum tolerance.
02:47Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.