Skip to playerSkip to main content
Pina-plantsa na ang seguridad sa gitna ng mga ikakasang protesta kontra katiwalian sa Linggo. Bukod sa libu-libong pulis, may mga itatalaga ring prosecutors sa iba't ibang lugar kung magkagulo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinaplan siya na ang seguridad sa gitna ng mga ikakasang protesta kontra katiwalian sa linggo.
00:06Bukod sa libon-libong polis, may mga itatalaga rin prosecutors sa iba't ibang lugar kung magkagulo.
00:13Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:18Mahigit 16,000 polis ang ide-deploy ng polisya para sa mga isasagawang rally na magsisimula sa linggo.
00:27Sa taya ng PNP, nasa 300,000 tao ang inaasa magtitipon sa People Power Monument at Edsa Shrine para sa rally na inorganisa ng grupong United People's Initiative.
00:40Isang daang libon naman ang tinataya ng PNP sa Quirino Grandstand kung saan magtitipon-tipon ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.
00:49Ang DOJ, magtatalaga ng mga prosecutors sa iba't ibang lugar, particular sa Maynila at Quezon City.
00:57Sakaling magkaroon ulit ng mga gulo gaya noong September 21 rally.
01:02We don't know where this might or we hope that it doesn't happen but where it happens, we have our prosecutors ready on standby.
01:11Siniguro ng Armed Forces of the Philippines na tutulong sila sa PNP lalo kung may emergency.
01:16Si DILG Secretary John Vic Remulia nagbabalang ang lahat na nagbabalak mang gulo haharap sa batas.
01:25Sabay paalala sa mga magulang na paalalahanan ang mga anak na huwag sumama sa kung ano-anong grupo.
01:31Tatlong araw ang rally ng Iglesia ni Cristo simula sa linggo hanggang sa Martes.
01:36Para raw kundinahin ang higanteng kasamaan kung saan sangkot ang mga opisyal ng gobyerno.
01:42Nanawagan din sila sa gobyerno na panagutin ang mga may sala at maibalik ang mga ninakaw na pondo ng pamahalaan.
01:50May mga grupo rin magmamarcha mula sa Plaza Salamangka papunta sa Quirino Grandstand para makiisa sa rally ng INC.
01:58Ang grupong United People's Initiative pagpapanagot din sa mga sangkot sa katiwalaan ang ipapanawagan.
02:05Yung po sigurong panawagan na mag-resign yung presidente hindi man gagaling sa UPI.
02:11Kaya namin gustong mag-rally. Gusto namin manatiling gising at hindi tumitigil ang ating pagnanasan na magkaroon ng pananagutan ang mga may sala.
02:21Ayon sa Manila Public Information Office, may mga isasarang kalsada sa Maynila sa paligid ng Luneta Park.
02:29Chino Roses Bridge, Liwasang Bonifacio, at Ayala Bridge.
02:35Pinapayuhan ng mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
02:40Makikisa ang PDP laban sa mga rally.
02:42We are mere participants. We're not the organizers of this, but we're organizing our party to take part.
02:50So kami po, ang balak ng PDP ay pumunta doon, mag-attend, makisama, makiisa.
02:55Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended