00:00Bukod sa rally ng Iglesia ni Cristo, mahigit din ang pag-abantay ng pambansang polisya sa isa pang rally na gagawin sa EDSA People Power Monument.
00:09Si Ryan Lesigue sa Santo Dampalita.
00:13Walang nakikitang banta ang Quezon City Police District o QCPD sa ikakasangkilos protesta ng Grupong United People's Initiative o UPI sa People Power Monument at White Plains sa araw ng linggo.
00:26Kanina, nagsagawa ng walkthrough ang QCPD, QCLGU at Quezon City Department of Public Order and Safety bilang paghahanda sa kilos protesta kasabay ng isasagawang kilos protesta ng religious group sa Maynila.
00:40Ayon kay QCPD spokesperson Major Jennifer Ganaban, sa halip na tatlong araw, isang araw ang inaprubahan para magsagawa ng programa ang UPI.
00:49Isasagawa ito mula alas 8 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi sa linggo, Nobyembre 16.
00:54Sinabi pa ni Ganaban na upang masiguro ang kaayusan, magpapakalat ang QCPD ng mahigit sa isan libong polis, maliban pa ang ilang medical teams at force multiplier upang tumugon sa anumang insidente.
01:07Pakiusap natin na sana kung may mga ibang grupo naman is maayos yung pagbunta nila dito para maiwasan ang anumang gulo, yun lang po ang ano natin.
01:19Pero nakahanda naman po yung QCPD kung magkaroon man po ng anumang gulo, nakahanda po ang ating mga kapulisan.
01:24Ayon naman sa Quezon City Department of Public Order and Safety, inaasahang aabot sa 300,000 individual ang makikisa sa kilos protesta.
01:34Kaya naman inabisuhan ng D-POS ang mga motorista na iwasan na ang pagdaan sa White Plains at EDSA upang hindi maabala.
01:40Sa mga law and order cluster members ng local government units natin, ibubuhos na namin rito, happy kami kasi buhay yung coordination line namin, bindi organizers at saka sa amin.
01:53Yun nga isang dahilan para yung last leg ng aming pag-ausap, yung walkthrough, para kami nagpa-practice kung ano mangyayari sa nilalagay yung mga emergency ambulances natin.
02:05Sa isinagawang pulong kanina, nangako naman ng UPI na susunod sila sa ibinigay ng mga patakara ng LGU at mga otoridad.
02:14Babantayan din daw nila ang kanilang hanay upang hindi mahaluan ang mga nais na manggulo sa kanilang programa.
02:20Diit ng grupo, isasagawa nila ang kilos protesta upang ipanawagan na panagutin ang mga nasa likod ng maanumalyang flood control projects ng pamahalaan.
02:30Panawagan ng Quezon City Police District sa mga makikiisa sa kilos protesta, panatilihin ng kayusan at igalang ang hinaing ng bawat isa.
02:39Wag na rin daw makisali ang ibang grupo na hindi nabigyan ng permit.
02:43Tiniyak ng Quezon City Police District na magpapatupad sila ng maximum tolerance.
02:48Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.