00:00Nagsagawa ng Price at Supply Monitoring ang Department of Trade and Industry sa mga pamilihan sa Cebu na matinding hinagupit ng Bagyong Tino.
00:09Pinangunahan nito ni Trade Secretary Christina Roque na layong tiyaki na umiiral ang National Price Freeze sa Basic Commodities
00:17alinsunod sa deklarasyon ng State of National Calamity.
00:21Sa naturang inspeksyon, nakita ng kalihim ang tamang pagsunod sa price freeze at ipinatutupad din ang tamang presyo.
00:29Samantala, sinabi rin ng kalihim na marami sa Noche Buena items ang walang price increase ngayong taon.
00:37Sinek lang po natin to make sure na yung presyo na dapat para sa consumers ay tamang presyo na dapat hindi sila mag-price increase.
00:45So, marami po tayong tinignan from the sardines to the bottled water to the instant noodles.
00:52Yan po ang mga actually mga tinitignan or binibili talaga ng ating mga consumers.
00:57And so far, yung mga presyo is even below the prices set by the DTI.
01:02So, maganda po itong balita na kahit pa pano ay sumusunod po ang mga groceries and supermarket
01:09sa direktiba ng ating Pangulo na naka-price freeze po tayo for the next 60 days.