00:00Suspendido na ang pasok sa lahat ng antas sa ilang provincia sa Visayas Region dahil sa pangangambang dala ng bagyong Tino.
00:07Naghanda na rin ang mga LGU sa region para sa inaasahang pananalasan ng bagyo.
00:12Si Vel Custodio sa report.
00:16Naglabasa ng Storm Search Alert ang Office of Civil Defense sa mga coastal areas na maaaring maapektuhan ng laluyong dulot ng severe tropical storm Tino.
00:26Kabilang sa mga pinapayuhan para maghanda sa paglikas ang mga lugaran na sa tabing dagat na Dinagat Islands, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar at Surigao del Norte.
00:38Nakahanda na rin ang Special Disaster Plan para sa mga lugar sa Cebu na maapektuhan ng severe tropical storm Tino.
00:46Activated na ng Provincial Government ng Cebu ang hiwalay na disaster response para sa labing isang bayan at isang lungsod
00:53na hindi pagganap na nakakabangon mula sa 6.9 magnitude na lindol noong Setiembre.
00:59Layunin nito na protektahan ang mga pamilya na naninirahan sa tent cities at temporary shelters mula sa posibleng baha at landslide.
01:07Aktibo na ang Provincial Disaster Council sa paghahanda ng evacuation, supply ng pagkain, tubig at tulong medikal.
01:15Patuloy din ang koordinasyon sa pag-asa, OCD at mga lokal na pamahalaan.
01:20Nagdeklara na ng class suspension ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Visayas na maapektuhan ng paparating na sama ng panahon.
01:29Kabilang dito ang Samar, Siglao sa Southern Leyte, Bayan ng Kariga sa Leyte at San Isidro sa Northern Samar.
01:37Wala rin pasok ang ilang mga bayan sa Cebu Province, Bohol at Lapu-Lapu City.
01:41Wala rin pasok ang mga piling bayan sa Aklan, Antique, Capiz at Idoilo.
01:47Sa regiyon ng Negros, nagdeklara rin ang class suspension ng ilang siyudad at bayan sa Negros Occidental at Makulod City.
01:54Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.