Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00In a few decades, there was a political policy in the Philippines, Juan Ponce Enrile.
00:05What happened to his life and career?
00:09Let's go back to Unang Balita.
00:11Unang Balita
00:41In 1924, ipinanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan.
00:44Sa kanyang aklat, ibinahagi niyang lumaki siya sa hirap at napilitang magtrabaho sa murang edad para masustentuhan ang kanyang pag-aaral.
00:51Kalaunan, nakilala ni Enrile ang tunay niyang ama na isang politiko mula sa prominenteng pamilya.
00:57Tinulungan siya ng kanyang ama na makapag-aral ng kolehyo sa Ateneo de Manila University.
01:02Nagtapos din siya ng abogas siya bilang cum laude sa University of the Philippines at nag-masters sa Harvard Law School.
01:09Pumasok si Juan Ponce Enrile sa gobyerno noong 1966.
01:13Iba't ibang posisyon ang kanyang hinawakan sa gabinete ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., pinakakilala bilang Defense Minister.
01:21Si Enrile ay itinuturo ring arkitekto ng Martial Law.
01:26Ang umano'y ambush sa kanya ng ilang rebelding grupo, ang isa sa mga idinahilan noon ni Marcos Sr. para magdeklara ng Martial Law.
01:34The proclamation of Martial Law is not a military takeover.
01:39Sa mga tala sa kasaysayan, sinabi ni Enrile na gawa-gawa lang ang ambush pero kalaunan, iginiit niyang totoo ito.
01:47They were warring against the constitution of the duly constituted government of the Republic of the Philippines.
01:55Si Enrile itinuturo ring mitya ng People Power Revolution na nagwakas sa Martial Law.
02:01Tumiwalag si Enrile sa administrasyong Marcos Sr. kasama ang noy AFP Vice Chief General Fidel V. Ramos.
02:08As of now, I cannot in conscience recognize the President as the Commander-in-Chief of the Armed Forces.
02:15Not here to serve a man but to serve a republic and a people.
02:21Nang mapatalsik si Marcos Sr. noong 1986, nanatiling Defense Minister si Enrile nang maupo ang pumalit na Pangulong si Cory Aquino.
02:28Pero pinag-resign din si Enrile makalipas lang ang ilang buwan matapos masangkot umano sa planong kudeta laban kay Pangulong Aquino na tinawag na God Save the Queen.
02:39Noong 2001, ipina-aresto si Enrile ni noy Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
02:44Isa kasi si Enrile sa mga itinurong nasa likod ng pag-rayot sa Malacanang ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Estrada.
02:50Bagaman nadawid si Enrile sa mga kontrobersiya noong panahon ng mga dating Presidente, naupo siyang Kagayan First District Representative mula 1992 hanggang 1995.
03:01Mas matagal siya sa Senado. Nagsilbi siya ng apat na termino mula 1987 hanggang 1992, 1995 hanggang 2001 at 2004 hanggang 2016.
03:12Sa kanyang dalawang huling termino, naging Senate President siya mula 2008 hanggang 2013.
03:17Bilang Senate President, siya ang presiding officer in impeachment trial ni noy Chief Justice Renato Corona noong 2012.
03:24Dito sinasabing tila nagbago ang imahe ni Enrile.
03:27Tinagroyan siyang rockstar bilang kalmado at mahusay na presiding officer sa buong impeachment trial.
03:33I have high respect for the Chief Justice.
03:37Thank you, Your Honor.
03:38I have high respect for the institution that he represents, but I equally demand respect for the institution that I represent.
03:49And I'm not going to allow any slight, any abuse of authority against this court for as long as I am the presiding officer.
04:01Pero noong 2014, muling nadawit si Manong Gianni sa panibagong kontrobersiya, ang Priority Development Assistance Fund o PIDAF SCAM.
04:12Kinasuhan siya ng plunder at 15 counts ng graft.
04:14Makalipas ang isang dekada, inabsuelto si Enrile sa lahat ng kaso kaugday sa PIDAF SCAM.
04:20I knew all alone that I reacted because I've not done anything.
04:24I hope that the people who find those cases of us will examine their conscience.
04:32Muling tumakbo sa pagka-senador si Enrile noong 2019, kahit inanunsyo niyang retirado na siya sa politika.
04:39Nangwaupo sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022, itinalaga niya sa gabinete si Enrile.
04:44Hindi alyansa sa politika ang nagbigay kulay sa karera ni Manong Gianni, kundi ang talas ng kanyang isip.
04:51No one, no president, no senator, no member of the House can simply develop this country.
05:03It must be developed by the collective effort of every Filipino and every generation.
05:10It is the only country that we have. And we happen to be here.
05:16Kaya kahit pabago-bago ang administrasyon na natiling ma-impluensya si Juan Ponce Enrile sa politika sa Pilipinas
05:23at di may kakaila, nag-iwan siya ng marka sa maraming henerasyon.
05:28I have lived with, I went to war during the war, I participated in the drama that we have had in this chamber, I've been jailed several times, but I survived.
05:46Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
05:51Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment