Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Ayan po sa Commission on Elections, isang senador ang umamin na tumanggap siya ng campaign contribution mula sa isang kontraktor noong 2022 elections.
00:09Yan ang unang balita ni Dano Tingkungko.
00:14Nang sagutin nila ang show cause order ng COMELEC, hindi na itinanggi ng isang senador at isang kontraktor ang pagtanggap ng mambabatas ng campaign contribution mula sa kontraktor nitong 2022 elections.
00:26Tinanong pero tumanggi si COMELEC Chairman George Irwin Garcia na pangalanan sila.
00:30Pero nauna nang inisuhan ng COMELEC ng show cause order si senador Chisa Scudero nitong Oktubre kaugnay ng campaign donation ng presidente ng Center Waste Construction and Development para sa 2022 elections.
00:44Sabi ni Garcia, iniintay nila ang rekomendasyon ng Political Finance and Affairs Department na kailangan pang aprobahan ng NBank.
00:51Hindi tiyak kung kailan ito ilalabas.
00:52Kung ang rekomendasyon is to file the case, then immediately i-authorize ng Commission and Bank ang filing ng kaso sa ating Law Department para magkaroon ng formal na preliminary investigation.
01:05Ang importante po ay tapos naman yung ating tinatawag na evidence gathering, yung ating investigation,
01:12at upang makapunta na sa tinatawag na PI kung kakailanganin o dismissal naman kung hindi naman talaga minamarapat.
01:22Sa November 21 naman ang deadline para sumagot sa show cause order na inisuhan ng COMELEC sa 27 contractor na nakitaan ng kontribusyon sa mga kandidato noong 2022 elections.
01:32Matapos nito, mga kandidatong binigyan naman ng kontribusyon noong 2022 elections ang i-issuhan ng show cause order para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng paglabag sa Section 95C ng Omnibus Election Code.
01:46Pinagbabawal niya ng pagsolisit o pagtanggap ng kontribusyon mula sa public contractors o mga may kontrata sa gobyerno.
01:53Iniimbisigahan din ang COMELEC kung kumpleto ang deklarasyon ng mga kandidato sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
02:01Kung hindi, ayon sa COMELEC, pwede iyang ituring na paglabag sa Omnibus Election Code, Perjury o Falsification of Public Documents.
02:08Buti available na ngayon yung SAL-N. Pero syempre po, kaya ang COMELEC hindi makapag-motopropyo dati.
02:17May tatandaan po ng lahat na yung po kasing hawak-hawak lang ni COMELEC ay yung mismong SOSE.
02:25Wala naman po kaming kopyo ng mga SAL-N o iba pang mga dokumento kahit income tax return.
02:30Bukod sa pag-aaral ng COMELEC sa mga SOSE, makakatulong kung merong maghain ng reklamo laban sa kanila sa COMELEC.
02:36Kung may formal na magpapayal ng petisyon, i-issuhan ka agad namin ng corresponding notices yung mga involved na parties.
02:43Sa period kasi na inoobserve sa rules kapag kami nag-file ng petisyon, kung ilan lang ang araw upang mag-issue ka agad ng tinatawag ng summons at pagkatapos may araw din kung kailang kinakailangang sumago.
02:58Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
03:03Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates. Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment