00:00Binasag na ni Sen. Ronald Bato de la Rosa ang ilang araw na pananahinik
00:04matapos ang ulat na may arrest warrant ng International Criminal Court laban sa kanya.
00:09Sa online post ni de la Rosa, ibinahagi niyang nakipagkita siya sa isang pari ng Compostela Parish Church sa Cebu.
00:17Aniya, sa ganitong sitwasyon, kailangan aniya ng gabay mula sa kanyang spiritual advisor.
00:22Samantala, absent pa rin si de la Rosa sa sesyon kanina sa Senado.