00:00Sa kabila ng mabilis na pagpapago sa panahon, may sektor na patuloy na nagbibigay buhay at pag-asa sa ating komunidad.
00:07Sa Rehiyon ng Bicol, ang dedikasyon at syaga ng mga lokal na magsasaka ang nagpapanatili sa sigla ng agrikultura.
00:14Panoorin po natin ito.
00:17Ang Rehiyon ng Bicol, particular na ang Lunsod ng Naga, ay patuloy na yumayabong sa sektor ng agrikultura
00:24dahil sa sipag at syagang ibinibigay ng ating mga magsasaka na nanatiling buhay at matatag ang agrikultura ng rehyon.
00:32Ngunit sapat ba ang sipag kung walang maayos na daloy ng tubig?
00:36Dito pumapasok ang malaking papel ng National Irrigation Administration.
00:40Sa kanilang programang Libring Irrigasyon, hindi na kailangang mga ba-mga magsasaka sa babayaring patubig.
00:47Mas nakakapagfocus sila sa pagpapalago ng kanilang mga pananim.
00:51At dahil sa libring irigasyon na ito, gumaganda ang ani, mas marami, mas maganda ang kalidad at mas mataas ang kita ng mga magsasaka.
01:00Dahil sa magandang resulta na ito, mas marami ang nayaani at maibibenta sa murang halaga sa programa ng NIA na Kadiwa sa NIA.
01:10Dito, dumediretsyo ang mga produkto sa mga mamimili tulad ng bigas na mabibili lamang sa halagang 29 hanggang 35 pesos kada kilo.
01:18Bakit mahalaga yung pagkakaroon po ng mga kadiwa? Paano po kayo natutulungan yan?
01:22Opo kasi nabibigyan po kami ng pagkakataong ma-promote po at magbenta po ng aming mga produkto.
01:29So ito po isang avenue po ito para po tumas po ang kita namin at mas makilala pa po ng mga tao yung aming organic products po.
01:37Kasi organic po ang aming mga panindang bigas.
01:40Kumikita naman?
01:41Kumikita po. Kumikitang kumikita po.
01:43Ang Kadiwa sa NIA ay patunay ng tunay na ginhawa para sa mga mamimili at isang malaking tagumpay para sa ating mga magsasaka.
01:53Ang irigasyon ay hindi lang simpleng tubig. Ito ay pag-asa.
01:57At ang pinakamahalaga sa bawat murang produktong binibili natin, nakatutulong tayo sa ating mga magigiting na magsasaka ang siyang nagsisilbing tunay na haligi ng ating agrikultura.