Gusto lang naman makamura sa bibilhing gamot para sa misis ang dumulog sa inyong Kapuso Action Man. Pero ang karaniwang dalawang linggo lang sanang overseas delivery-- inabot ng siyam-siyam. Ang problemang 'yan aming pinaaksyunan!
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mga kapuso, gusto lang naman makamura sa bibilhing gamot para sa misis ang dumulog sa inyong kapuso action man.
00:09Pero ang karaniwang dalawang linggo lamang sanang overseas delivery, inabot ng siyam-syam.
00:15Ang problemang yan, aming pinaaksyonan.
00:17Na-diagnose na may congenital heart disease at severe pulmonary hypertension, Pebrero ngayong taon, ang kinakasama ni Jims.
00:33Para makamura sa gamot, nag-desisyon silang bumili sa ibang basa.
00:36Wala naman daw naging problema noong una, pero ang in-order nilang mga gamot nitong Agosto.
00:41Na-asahan po namin yung gamot na darating mga two weeks pagkatapos po namin in-order, pero hindi po dumating.
00:48Ang lumalabas po kasi doon sa tracking, na-hold daw po sa Bureau of Customs.
00:53Naipasa na rao ng pamilya ang lahat ng mga kailangan dokumento sa BOC.
00:58Lahat po ng mga requirements na kailangan isubmit, kagaya po ng clinical abstract, yung mga quotation po ng gamot, tas yung result po ng hemodynamics.
01:09Hindi po sila nag-reply.
01:10Habang tumatagal ang kanilang paghihintay, mas lumalala rin ang kondisyon ng kinakasama ni Jims.
01:17Yung sa patient po, nahihirapan po siya eh. Nakikita po namin na parang hirap po siyang huminga sir.
01:22Tapos kailangan na po niya mag-oxygen ng 24 hours.
01:26Kung naisubmit po namin yung mga requirements, sana naman po, maikumply po nila agad yung mga, ma-send po nila yung mga gamot.
01:34Ang naturang inaing, agad na itunulog ng inyong kapuso, action man, sa ahensya ng gobyerno.
01:40Ipinaliwanag ng Bureau of Customs ang prosesong kailangan daanan ng mga dumarating na parcela sa bansa.
01:49Ang kanyang parcel po ay naglalaman ng mga regulated drugs under Food and Drug Administration po.
01:55At sangayon po sa BOC-FDA Joint Circular No. 1 po,
01:59ang mga regulated drugs po ay nangangailangan po kasi ng doctor's prescription upang ma-process po at ma-release sa ating Bureau of Customs.
02:06Kasama po ng Receive of Proof of Payment, kanisunod po sa Section 701 ng CMT upang ma-determine po kung ang kabuwang halaga po ng pinatala ay taxable o hindi.
02:16Nagkaroon naman nun ang delay sa koordinasyon ng kanila ahensya sa Philippine Postal Corporation of Philpost.
02:22Ang pahawing opisina po, yung mihingi po ng omanhin sa nangyari po na ito.
02:26Nagkataon din po ng mga panahon po na yun, yung nagkasunod-sunod po, yung work suspension po,
02:30tapos yung holiday po natin, nagkasunod-sunod po, tapos yung nagkaroon din po ng kakulangan ng tao yung Philpost.
02:39Makaraang ma-verify ng BOC ang mga dokumentong na ipasa ni Jims.
02:44Natanggap na nila ang mga gamot nitong unang linggo ng Oktubre.
02:49Nagpapasalamat po kami kay Sir Emil Sumangil po dahil sa agarang aksyon po.
02:54Mission accomplished tayo mga Kapuso.
03:01Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:05o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Maravino, Diliman, Quezon City.
03:10Dahil sa anong magreklamo, pang-aabuso o katuliyan, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Be the first to comment