00:00Iliimbestigahan ng Department of Public Works and Highways ang pagkasira na isang floodgate ng Paco Pumping Station na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng Kamaynilaan.
00:11Ayon sa DPWH, target na matapos ang pagkukumpune dito sa loob ng dalawang linggo.
00:17Si Gabri Llegas sa Sentro ng Balita.
00:19Naabutan ang news team na naglilimas ng tubig at nagpapatuyo ng mga nabasang gamit ang mga residente ng Paco Maynila matapos bumaha sa kanilang lugar at masira ang floodgate ng Paco Pamping Station sa bunganga ng Estero de Paco noong linggo ng gabi.
00:37Ayon sa residente si Marilyn, abot tuhod ang naging baha matapos masira ang floodgate. Nasira rin ang ilan sa kanilang mga gamit.
00:45Kaya nakakapagod, wala na kami tulog.
00:47Personal na sinilip ni Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang Paco Pamping Station kung saan kinausap niya ang foreign contractor at kung paano hindi na mauulit muli ang ganoong pangyayari.
00:59Ayon sa kalihim, aabot na sa 36 na mga barangay sa lungsod ang naapektuhan sa pagkasira ng floodgate.
01:06Ineimbestigahan na rin ang kagawaran ang posibleng dahilan ng pagkasira ng floodgate.
01:10Target na makompleto ang pagsasayos sa nasira ng floodgate sa loob ng dalawang linggo.
01:15Gagawin natin ang mabilis na solusyon ito para hindi maulit yung nangyari nung nakaraang araw, nung tinamaan tayo ng uwan.
01:23Ina-assure ko sila na magagawa natin ito ng pinakamabilis na panahon.
01:27So hopefully in the next 10 to 14 days tapos na ito, hinagaganang ulit yung mga pumps.
01:33Sa ngayon, hindi mo na pinatatakbo ang pumping station habang hindi pa naaayos ang floodgate.
01:38Maglalagay muna ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng mobile pumping station sa mga low-lying areas habang isinasayos ang nasira ng floodgate.
01:48Tiniyak rin na walang gagastusin ang pamahalaan pagdating sa pagsasayos ng nasira ng floodgate.
01:54Taong 2024 nang i-turnover sa MMDA ang pamamahala ng Paco Pumping Station na pinondohan ng World Bank.
02:01Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.