00:00Ito yung 2025 sa Season 2 ng Action Laban sa Kahirapan ng National Anti-Poverty Commission o NAPSI.
00:06Makakasama po natin tuwing Martes at Webes dito po sa Rise and Shine, Pilipinas,
00:11ang iba't ibang kinatawan po ng mga ahensya at lokal na pamahalaan
00:14upang pag-usapan ng mga interventions ng gobyerno sa pagpuksa sa kahirapan.
00:18At sa season pong ito, tututukan pa rin po natin yung convergence
00:29o yung pagsasama-sama ng mga program at stakeholders sa patuloy na pagpapaunlad
00:34ng mga komunidad at ng ating pamayanan.
00:37Ngayong araw, makakakwentuhan po natin dito sa ating programa si Director Imelda Ronda.
00:41Mula po siya sa National Authority for Child Care o NACC
00:46upang talakayin po ang mga programs and policies na nakatuon sa pangalaga ng kapakanan
00:51ng mga survivor ng child exploitation.
00:53Magandang umaga po sa inyo, Director Ronda.
00:56Yes, magandang umaga po, Ms. Diane, at sa inyo pong mga taga-subaybay.
01:00Maraming salamat po sa pag-invita sa National Authority for Child Care.
01:04Thank you for joining us.
01:05Arits, kuru-umpisahan natin yung ating talaking, Director Ronda,
01:07sa pagkakaugnay ng kahirapan at nitong child exploitation.
01:12Paano po ba konektado ang dalawang ito?
01:14Paano napapalala ng kahirapan itong cases of child exploitation?
01:18Actually, malinaw po talaga yung koneksyon ng kahirapan sa child exploitation.
01:23Kasi po, kapag ang pamilya ay nakakaranas ng kahirapan,
01:28ang ating mga kabataan o yung mga bata ay nagiging vulnerable po sila
01:33sa exploitation o pagsasamantala.
01:36Kagaya na lang po, kung salat po sa kabuhayan ang pamilya,
01:40napipilitan po sila na pagtrabahuhin yung mga bata,
01:43yung tinatawag po natin ng mga child labor.
01:46Meron din po kami mga karanasan sa National Authority for Child Care
01:51na binibenta po ng kanilang mangulang ang kanilang mga anak
01:56in the guise of adoption.
01:58So actually po, recently lang, ngayong November 5,
02:01may nahuli po yung ating PNP, WCPC,
02:05na 4-month-old baby na binibenta po ng kanyang sariling nanay.
02:08Oh my! Grabe! May mga ganong cases.
02:11At 4-month-old.
02:12Nang dahil sa kahirapan po.
02:13Okay, so binibenta nila by mga how much?
02:17Actually po, base sa datos ng PNP,
02:22binenta daw po yung bata ng 25,000.
02:24Oh my! Okay, so maganda yung convergence na nangyayari
02:28na with other agencies ay napapag-usapan ninyo itong mga ganitong cases
02:33at nabibiging solusyon at na-rescue niyo yung mga batang ganito.
02:37Opo, napakahalaga po talaga ng convergence ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno.
02:44So ang NACC po ay kasama sa inter-agency committee,
02:48especially po sa child trafficking at illegal adoption
02:53kasi kami po ang NACC, ang ahensya ng gobyerno
02:56na nagpapatupad po ng legal na proseso ng pag-a-adapt.
03:00Domestic man po ito or inter-country adoption.
03:03So kami po ay kasama ng Department of Justice,
03:06ng Department of Social Welfare and Development,
03:09DepEd, NBI, PNP, kahit na po academe
03:12at lahat po ng mga social work organizations.
03:15Well, we really have to put a stop sa mga ganitong child exploitation cases.
03:19Ano pa yung mga policies and programs na maaaring ipatupad
03:22ng iba't ibang ahensya ng gobyerno
03:24para matigil itong mga ganitong cases?
03:27Nasabi ko na nga po na ang mandato ng NACC
03:31ay magbigay ng pamilya na mag-aaruga sa isang bata
03:35na nawala ng pamilya
03:37or maaaring in the process na mawala ng pamilya.
03:42So ang programa po namin,
03:44meron po kaming mga alternative child care,
03:46kagaya po ng foster care.
03:48So kami po ay naglilesensya ng mga pamilya,
03:52magulang or kahit po individual
03:54na gusto pong mag-alaga pansamantala ng bata
03:57na nakakaranas po ng mga abuse,
04:00pag-aabuso, whether it's physical,
04:02sexual abuse, emotional abuse,
04:04na hindi na po kayang alagaan ng kanilang sariling pamilya
04:07dahil po ang kanilang sariling pamilya
04:09ay sila po na ang nag-aabuso ng mga bata.
04:12So kailangan po natin protektahan ng mga batang ito
04:14at kami po ay merong mga lisensyadong mga foster parents
04:18na maaari po trained po na mag-alaga
04:20sa mga ganitong po mga bata
04:22na nakakaranas ng abuso ng kanilang sariling pamilya.
04:26At hindi lang po foster care
04:28dahil sinabi ko po kami rin ay nagbibigay
04:30ng permanenteng pamilya through adoption sa mga bata.
04:33So kung hindi na po sila kayang alagaan
04:36ng kanilang sariling pamilya,
04:38maaari po namin sila mabigyan ng pagkakataon
04:40na maalagaan ng isang pamilya na totoong mag-aalaga
04:44at mag-aaruga sa kanila.
04:46Under your care or monitoring,
04:48nasa ilan po yung mga survivors natin?
04:50Sa ngayon po, meron kaming 16 na biktima
04:54or survivor ng OSAEG
04:56at meron kaming 36 na under ng SESAEM,
05:02survivor victim,
05:03na nasa pangangalaga po ng aming mga lisensyadong foster parents.
05:07And we talked earlier na ito ay temporary lamang
05:11yung sa kanilang foster care.
05:13And then how do you find the perfect family
05:15para ma-reintegrate ulit itong mga survivors natin?
05:18Opo.
05:19Dahil po itong mga batang ito,
05:21para po sila ay mabigyan namin
05:24ng permanenteng pamilya through adoption,
05:26may mga proseso pong pagdadaanan ang isang bata.
05:30But ang aming pong pangunahing layunin
05:33ay maibalik po sana yung bata sa kanilang pamilya
05:35dahil kami po ay naniniwala
05:37na ang kanilang sariling pamilya
05:39ang talagang magbibigay po sa kanila ng proteksyon.
05:42Kung hindi na po sila talaga safe sa pamilya po nila,
05:46maaari po kami maghanap ng ibang kamag-anak
05:48na maaari po mag-alaga sa kanila
05:50at kung hindi po,
05:52doon na po namin ipoprocess yung adoption po ng bata.
05:55Para po sa ibang pamilya
05:56na na-assess din po namin na kwalifikado
06:00na maging adoptive parents.
06:02At yun na po yung magiging permanenteng pamilya ng bata.
06:05Alright, well ngayon po ay National Children's Month
06:08at ang tema ay
06:10OSA-EXESA-MWAKASAN
06:11Kaligtasan at Karapatan ng Mga Bata Ipaglaban
06:14which is very relevant and very timely.
06:16Ano po ang mga programa po ng NACC
06:19kaugnay po ng selebrasyong ito ngayong buwan?
06:22Opo, marami po kaming mga activities
06:24in line din po sa National Children's Month.
06:27Kami po ay nangyikipag-ugnayan sa DSWD,
06:30sa Council for the Welfare of Children,
06:32sa mga academe po para po magkaroon po sila ng mga activities
06:38especially for advocacy
06:39on OSA-EXESA-M.
06:42And yung sinabi ko po na talamak na rin po ngayon
06:45yung bintahan ng mga bata sa ating po mga social media.
06:51O yung sinasabi ko po na online baby-selling.
06:55Opo, yung sinasabi ko po na online baby-selling
06:55na meron po talaga nangyayari mga ganun.
06:59Kaya po kami ay nangikipagtulungan
07:00especially po sa ating PNP, WCPC,
07:04yung Women and Child Protection Committee po nila.
07:07At dahil po ito ay social media,
07:09kasama na rin po namin yung
07:11Department of Information and Technology Communication
07:13kasi sila po ang pwedeng mag-surveillance
07:16nitong mga Facebook page na po ito.
07:19At kami po ay nangikipag-ugnaya
07:21na matakedown po itong mga Facebook na ito.
07:24At para hindi na po ito tangkilikin
07:26ng ating pong mga nagbabrowse
07:30sa ating mga Facebook
07:31dahil napakalaking influensya po
07:33ng social media sa ating pong mga kababayan
07:36at ginagamit po sa hindi magadang paraan
07:39itong social media po.
07:40Para lang mapaalalahan na natin
07:42yung ating mga manunood.
07:43Siyempre, baka ma-encounter nila yan
07:46sa online.
07:47Yung sinasabi po ninyong cases
07:48of online babyselling.
07:50Ano ba ang portrayal nila online
07:52at para maging wary and cautious
07:54yung ating mga netizens?
07:55Actually, ginagamit po nila
07:57ang salitang adoption.
07:59Kahit sinasabi din po nila
08:01na legal adoption.
08:02Pero hindi po ito legal adoption
08:04dahil isa lang po ang opisina ng gobyerno
08:06na nangasiwa po sa totoong legal na proseso
08:10ng pag-adapt.
08:11Ito po ang National Authority for Childcare.
08:13At meron po kami
08:15yung Facebook account
08:16National Authority for Childcare
08:18ang pangalan po.
08:19At kapag nakita po ninyo
08:21ito, huwag na po kayong tangkilikin
08:23itong mga Facebook account.
08:24I-report din sa inyo, no?
08:26I-report po sa National Authority for Childcare.
08:28I-report po ninyo sa ating mga kapulisan.
08:30Meron pong Women and Child Protection Committee
08:34sa ating mga police station.
08:37So maaari po nilang i-report po ito.
08:39Oo, naku, mali po iyon, illegal po iyon
08:42at tapos i-re-register pa nila
08:44sila siguro yung biological parents
08:47which is hindi tamang proseso.
08:50Yes, isa rin po actually
08:51ang pangwimeke ng birth certificate
08:53sa Child Exploitation.
08:55Okay, isa, ang pangwimeke po
08:56ng birth certificate,
08:58i-re-rehistory nyo ang isang bata
08:59na hindi naman po kayo
09:00yung totoong magulang,
09:02ito po ay punishable under our law
09:05because that is a criminal act
09:07under the revised penal code.
09:09Pero meron po tayong programa rin.
09:11Meron pong batas.
09:12Tayong ipinasan noong 2019 po.
09:16Ito yung tinatawag natin na
09:17Republic Act 11222
09:18or yung Simulated Birth Rectification Act.
09:21Okay, ito naman po
09:23para lang po mabigyan ng pagkakataon
09:25na ma-explain ko po itong RA 11222
09:28dahil po talabag din
09:30yung pangwimeke ng mga birth certificate
09:31ng bata
09:32at hindi po ito nakakatulong sa bata
09:34dahil hindi niya kilala
09:36yung totoong identity niya.
09:38Sino ba talaga siya?
09:39Dahil peke, yung mga magulang
09:41na nakalagay sa kanyang birth certificate.
09:43So yung batas na po natin yun
09:44binibigyan po ng pagkakataon
09:46yung mga magula na nameke
09:47ng birth certificate ng bata
09:49na baguhin po ito.
09:51Ipa-cancel po ito
09:52at ipa-correct po
09:53through the petition
09:56for the cancellation
09:57of the Simulated Birth Certificate
09:59at itutuloy po nila
10:00yung legal adoption ng bata
10:02para magkaroon po
10:03ng totoong birth certificate yung bata
10:05at totoong pagkakakilanlan
10:08sa kanyang sarili po.
10:10Okay, well, Director Imelda,
10:11marami po kaming natutuhan sa inyo
10:12at naway ang ating pag-uusap na ito
10:15ay mas mag-create pa ng awareness
10:17sa mga tao
10:18to help you out as well
10:19para po wakasan
10:20itong mga child exploitation cases
10:23na mayroon po ngayon.
10:24Marami pong salamat
10:25sa pagbisita sa aming programa
10:26at sa ating mga taga-panood.
10:28Salamat po sa inyong suporta.
10:30Hinikayat po namin kayong muling tumutok
10:31sa ating programa
10:32sa darating na Webes
10:33at ito, Director Imelda,
10:34samahan niyo ako
10:35at sabay-sabay tayong
10:36umaksyon laban sa kahirapan.