Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00At mula sa Aurora, lipat tayo sa Dagupan City kung saan pilit na bumabangon ang mga taga-roon
00:05matapos padapain ng Bagyong Uwan na nanawagan sila ng tulong sa pamahalaan.
00:10At may unang balita live si Sergi Salvaso ng GMA Regional TV.
00:15Sergi, kumusta dyan sa Dagupan?
00:23Ivan, dahil nga nasa ilalim na ng state of calamity ang Dagupan City
00:28ay tinitiyak ng lokal na pamahalaan ang agarang pamahagi ng relief goods sa mga residente
00:33particular na yung mga lubhang naapektuhan at nasalanta ng pagdaan nitong Bagyong Uwan.
00:41Walang magawa kundi titigan na lang ni Hara
00:44ang ipinundar niyang bahay sa barangay Bunuan, Gaset, Dagupan City
00:48sa isang iglak, winasak ng Bagyong Uwan ang pinaghirapan niyang bahay.
00:52Hindi nga ako makapagsalita, nasyak nga ako eh.
00:55Eh, hindi namin nakalain na ganyan niya mangyari.
00:58Kala namin yung parang dati lang na bagyo, yung ordinary lang.
01:02Yung pala talagang napakalakas pala.
01:05Itinayo malapit sa baybayin ang bahay ni Hara.
01:07Kaya madaling nawasak nang tumama ang bagyo.
01:10Hindi daw alam ni Hara kung paano muli magsimula.
01:13Nasira din ang bankang gamit ni Eduardo sa hanap buhay matapos tangayin ng alon.
01:17Kala namin siya na yung mga banka namin.
01:21Hindi, simpye, makiindi nga tulog na.
01:23Kala namin siya na.
01:24Simpye, inabok pa rin ang alon.
01:26Itinumba rin ng bagyo ang cottage na ito.
01:28Maging ang ilang bahay sa tabing dagat, hindi nakaligtas sa storm surge.
01:33Pinipilit ng ilang residente na bumangon matapos ang bagyo.
01:36Nananawagan sila ng tulong sa lokal na pamahalaan.
01:40Sa parehong barangay,
01:41nabagsakan ng commercial signage ang isang heavy equipment dahil sa malakas na hanging dala ng bagyo.
01:47Wala naman daw nasaktan sa insidente.
01:49Patuloy na nakaalerto ang Philippine Coast Guard sa mga coastal at low-lying area sa syudad.
01:55Baha ngayon ang ilang bahagi ng Dagupan City dahil sa storm surge na epekto ng bagyong uwan na sinasabayan pa ng high tide.
02:02Dahil dito, nahirapan daw ang mga opisyal ng Barangay Bunuan-Gaset na i-rescue ang kanilang mga kabarangay noong kasagsagan ng bagyo.
02:09Lahat po sila tumuhulong, tulong-tulong po kami para makuha yung mga kabarangay natin sa mababang area.
02:17Lahat naman sa tabing dagat.
02:19Yun, paghabon namin hinakot sila.
02:21Ang mga residente, natakot sa bigla ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar kaya dinagsa ang mga evacuation center na malapit sa kanilang barangay.
02:29Yung bahay namin pinasok ng baha.
02:32Wala kami matutulugan.
02:34Lahat ng mga damit namin basa. Lahat.
02:36Pahirapan ang mga residente at motorista sa paglusong sa baha.
02:40Meron din kasing case dito ng leptos. May namatay na rin kasi dito.
02:43For safety lang, kailangan magsuot pa rin ng bota kahit mababa yung baha.
02:49Nasa red alert status pa rin ang Pangasinan PDRRMO.
02:53Minapayuhan pa rin ang mga residente na maging alerto at mapagmatsyag sa anumang banta ng masamang panahon.
02:59Kahapon, formal nang idiniglara ang state of calamity sa lungsod ng dagupan dahil sa matinding pinsalang iniwan
03:06ng bagyong uwan.
03:07Ivan, narito ako ngayon sa North Central Elementary School dito sa Bunoan Gazet.
03:18Kung saan, dito rin lumikas yung ilan sa ating mga kababayan na nasa lanta.
03:22Karamihan sa kanila umuuwi para ayusin at akumpunihin yung kanilang tirahan.
03:27Samantala sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng signal number one ang buong probinsya ng Pangasinan.
03:33Nakataas din ang gale warning kaya naman pinapayuhan yung ating mga mangingisda na huwag mo nang pumalaot sa karagatan.
03:40Ivan, Ivan.
03:41Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
03:46Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:49Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment