00:00Plano rao ni Sen. President Tito Soto na makipagpulong kay bagong House Speaker Faustino D. III.
00:06Tiwala rao si Soto na magpapatuloy ang Kamara sa pagsisilbi sa taong bayan sa ilalim ni D.
00:12Maasa rin daw si Soto na maayos at malakas ang ugnay ng Senado at Kamara.
00:18Si Sen. Chisa Scudero nagpahayag din ang pagtanggap kay D bilang bagong House Speaker
00:22pero dagdag niya, ang pagpapalit ng liderato ay hindi dapat makadistract sa mga isyo sa budget
00:27at mga maanumalyang proyekto.
00:30Para man kay Sen. Aimee Marcos, magaling si D.
00:33Pero masyado raw siyang mabait kaya maaaring maabuso ng mga mahilig magpalusot.
00:38Kinwestyon naman ni Sen. Bato de la Rosa ang pagre-resign ni dating House Speaker Martin Romualdez.
00:44Anya, isa ba itong sign of guilt?
00:48Maganda rao na may pagbabago sa liderato ng House of Representatives
00:52ayon kay Bacolod Lone District Representative Alvi Benitez.
00:56Paraan daw ito para makita ang totoong problema sa Kamara.
00:59Suportado naman ni Cebu 5th District Representative Duke Frasco
01:03ang paghalal kay D. Panahon na raw na magkaisang Kamara para sa pagsasayos ng bansa.
01:09Para kay ML Partilist Representative Laila de Lima,
01:12nagbago man ang liderato ng Kamara,
01:14igigiit pa rin nila ang katotohanan,
01:16justisya at pananagutan sa pamahalaan.
01:19Ang pagbabago naman ng pamumuno sa House of Representatives,
01:23pagpapatunay daw na lumalala ang tensyon sa loob ng pamahalaan ni Pangulong Bongbong Marcos
01:29ayon sa Makabayan Block.
01:31Kahapon nagbitiw bilang House Speaker, Sen. Romualdez,
01:33pero mananatili siyang kinatawa ng unang distrito ng Lete.
Comments