00:00Mga kapuso, ngayong masama ang panahon,
00:10paano ba malalaman kung gano'ng kataas ang hazard level sa inyong mga lugar?
00:15Pwede po yung tingnan sa ginawang website ng Project NOAA
00:18o Nationwide Operational Assessment of Hazards ng University of the Philippines.
00:23Ayan po, yan ang NOAA.UP.EDU.PH.
00:31Ayan, makikita nyo.
00:32Pwede po i-search dito ang inyong syudad o munisipalidad
00:35para malaman kung mababa o mataas ba ang hazard level doon.
00:39Ito yung search box. I-type nyo lamang ang inyong LGU.
00:43Kabilang po dyan ang mga pagbaha, pagkakaroon ng landslide,
00:46pati na ang risk o ang banta ng storm surge.
00:50I-click lang kung anong klaseng hazard ang inyong nais malaman.
00:56Kalimbawa po dito sa Quezon City, makikita po sa mapa,
01:00yung iba't ibang kulay kaugnay ng flood hazard.
01:03Ayan, color-coded po yung area.
01:05Ito po'y screenshot lamang ng website,
01:08pero ito po'y pwede i-zoom, pwede i-rotate
01:10para makita ninyo yung precise area na gusto nyo makita.
01:14Ang mga colors na yan, ang ibig sabihin po ng dilaw,
01:17mababa ang hazard level.
01:19Yung medium, yan naman po yung kulay orange, medium risk.
01:24Ang pagmataasang risk, yan po ay makikita ninyo na kulay pula.
01:30Yan, ito makikita ninyo.
01:32Yung halimbawa ito, Kulyat Creek, makikita natin, pula.
01:36So, ibig sabihin po yan, mataas ang banta ng pagbaha sa mga area na yan.
01:41Subukan naman natin, halimbawa,
01:43sa lungsod ng Maynila, makikita nyo ito.
01:48Laman lagi ng balita yan eh, Espanya Boulevard.
01:51Ang Espanya Boulevard, as it is, hindi pa naman po siya red,
01:54kundi orange.
01:56Ang kanyang color code, ibig sabihin, medium risk for flooding.
02:00Isa pang halimbawa, tignan natin ang lalawigan ng Cavite.
02:06Ito, may marami-rami yung mga red areas.
02:09Dito sa Cavite, may nakikita tayo, gawing bakuor,
02:12dito sa Kawit, Noveleta, General Trias,
02:15Tanza, ayan po, may mga red areas.
02:18Ang lalawigan ng Cavite, ibig sabihin po niyan,
02:21mataas ang banta ng pagbaha.
02:23Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:28Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments