Skip to playerSkip to main content
Natabunan ng lupa ang dalawang babae sa Baguio City. Rumagasa rin ang baha sa Kennon Road at maging sa dinarayong strawberry farm.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natabo na naman ang lupa ang dalawang babae sa Baguio City.
00:04Rumagasari ng baha sa Kennan Road at maging sa Dinarayong Strawberry Farm.
00:11Ang latest sa City of Fines, tinutukan live ni EJ Gomez.
00:21Mel, kabi-kabilang ang insidente ng landslide at pagbagsak ng mga puno at bato
00:26na humambalang pa sa mga kalsada ang nangyari rito sa Baguio City sa buong maghapon.
00:35Dalawang babae ang nirescue ng mga otoridad matapos silang matabunan ng putik
00:39dulot ng nangyaring landslide sa kanilang lugar.
00:47Mistulang waterfalls ang malakas na ragasan ng tubig mula sa bundok patungo sa kalsada ng Kennan Road.
00:53Malakas din ang agos ng tubig sa ilog sa gilid ng kalsada.
00:59Ilang puno at bato rin ang humambalang.
01:03Alas 6 ng umaga kanina, nagka-landslide sa Puruk 2 Outlook Drive.
01:08Isa sa apat na bahay na apektado ang tuluyang natabunan at na-washout ng landslide.
01:14Kwento ng may-ari ng bahay na si Bea, madilim pa nang magsimulang pasukin ang baha ang kanilang bahay.
01:24Kung tayo babaan.
01:27Nagising ako, akala ko lang po may gumiba na bahay.
01:31Yun po pala lahat. Yung buong bambu po, pumunta na sa bahay namin.
01:35Tapos yung bahay po na nagiba dyan, dumiretsyo na din po sa takat namin.
01:40Dalawang babae naman ang pinagtulungang ilabas sa kanilang mga bahay matapos matabunan.
01:45Inilikas naman ang iba pang apektadong residente at ngayon ay nananatili sa evacuation center.
01:50Sa Outlook Drive pa rin, tinamaan ang linya ng kuryente nang humambalang sa kalsada ang malaking puno.
01:59Nabagsakan din ang isang van.
02:01Chicheck ko po sana yung dalawang van.
02:04Tapos pagkakita ko po dito, may bagsak na po yung puno.
02:09Bale sa trabaho po ito, driver lang po ako.
02:12Sa Delos Reyes, gumuho ang lupa na kinatitiri ka ng isang bahay. Wala namang nasaktan.
02:22Nagka-landslide rin sa purok 4B sa Luknab.
02:25Tinakpa na lang ng trapal ang lupa para maiwasan ang lalo pang pagguho nito sa kasagsaga ng pag-uulan.
02:31Nakita na lang namin ma'am na wala na po yung bahay, saka malinis na po dyan, kumuho na po yung lupa.
02:37Sabi po ng mga kagawad sa ka-rescuer na tumingin po, yung bahay inanod na po doon sa creek.
02:44Nandun na po sa creek yung bahay.
02:46Inaalam pa ng otoridad kung nakalikas ang residenteng nakatira sa nasabing bahay.
02:55May nagbagsakan ding lupa at mga bato sa Tuba Benguet.
03:01Tinangay ang isang pick-up track na nakapark sa Asin Road, Tadyangan sa Tuba.
03:05Wala namang naiulat na nasaktan.
03:08Ang kilalang strawberry farm sa Latrinidad Benguet, nagmistulang lawa.
03:13Nalubog sa baha ang mga pananim kasunod ng magdamagang pag-ulan.
03:18Biglang umapaw yung tubig. Wala na. Wala na, sira na.
03:23Yung pananim namin, kawawa kami.
03:27Mangutang ulit.
03:28Ipalit ng pananim.
03:31Alas 10 daw ng umaga kanina nang magsimulang humupa ang baha.
03:36Kaninang umaga ay nagpulong ang Baguio City Government.
03:39We have about 28 families na na-evakuated.
03:45That could translate to about 80, 81 or 82 individuals.
03:50We have about 17 houses na partially damaged or damaged.
03:57Actually, out of the 17, dalawa doon ang totally damaged.
04:01Mel, ayon doon sa mga nakausap naming farmers,
04:09ang nangyaring pagbaha talaga nagdulot na karamihan sa kanila mga pananim ay talagang nasira.
04:15Malaking tanong daw sa kanila ngayon kung paano sila muling babangon.
04:19Samantala, nandito tayo ngayon sa Stobosa kung saan matatagpuan itong hile-hilera na mga makukulay na mga bahay.
04:26Pagating natin dito kanina mga alas 3 ng hapon, halos kalahati lang yung nakikita dahil sa kapal ng fog.
04:33Sa mga oros na ito, ang temperatura dito sa Baguio City ay nasa 19 degrees Celsius.
04:38Ang ulan, pabalik-balik na may kasama pang malakas na hangin.
04:43Mel?
04:43Ingat kayo dyan at maraming salamat sa iyo, EJ Gomez.
Comments

Recommended