00:00Ngayong araw, June 25, binigyang pugay ang mga marinong Pilipino bilang pag-unita sa Seafarers Day.
00:06At may unang balita live si Jomer Apresto.
00:09Jomer!
00:11Igan, good morning. Narito ko sa Independence Flag Pole sa Rizal Park sa Luneta, Maynila,
00:16kung saan halos katatapos lamang na ginawang flag-racing ceremony kasunod ng pag-unita sa International Seafarers Day.
00:25Pinangunahan ito ng Seafaring Family International o SEAFAM.
00:28Nagtungo rin dito ang ilang opisyal ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers' Welfare Administration at TESDA.
00:34Ang tema ng aktibidad ngayong taon ay may kaugnayan sa pangangalaga sa ating mga marino laban sa iba't ibang uri ng harassment.
00:40Ayon kay Seafam President Arian Rocha, pagkatapos ng flag-racing ceremony ay magkakaroon din ng programa para sa mga tripulante.
00:47Lain daw nito na bigyan pugay ang mga tripulante ng Pinoy para sa kanilang kontribusyon sa global maritime industry.
00:52Magkakaroon din ng job fair ang marina.
00:54Nasa inisyal na informasyon ay dalawang pong kumpanya ang sasali.
00:58Samatala bukod sa Maynila, may ginagawa rin aktibidad ngayon sa buhol.
01:03Nandito po ang ating DMW ASIC, Jerome Pampolino, OWA Deputy Administrator, Marina Administrator Sonia Malaluan,
01:13and TESDA, of course, in support po, yung TESDA DDG.
01:17Without seafarers po, baka walang groceries na ma-provide, wala tayong mabibili.
01:22Even yung gasolina, di ba?
01:24So, ang laki ng impact.
01:26Kung walang mag-deliver, talagang ang hirap makakuha ng supply.
01:30Baka walang sasakyan sa EDSA, no?
01:31Each sector will be giving their pledge of commitment to keep our crew safe on board and here sa land.
01:39The government, they're doing everything they can so that the OFWs and our seafarers can be repatriated safely.
01:45Igan, sabi ng SIFAM, may alok din sila mga libreng wellness program para sa mga marino at sa kanila mga pamilya.
01:54Ang marina at DOTR mayroon namang libreng sakay para sa mga marino ngayong araw.
01:59Sa LRT2, 7am to 9am at 5pm to 7pm ang libreng sakay.
02:04Mula 5.30am naman hanggang sa matapos ang operasyon para sa MRT3.
02:09At yan ang ulang balita mula dito sa Maynila.
02:11Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:14Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments