Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Dahil, Susan, dahil sa malakas na hangin na dala nitong super typhoon na uwan kagabi ay nawalan po ng kuryente dito sa syudad ng Dagupan.
00:12At sa mga oras na ito, hindi pa rin bumabalik yung supply ng kuryente.
00:18Tila nagsayawan ang mga punong sa Dagupan City, Pangasinan, mag-aalas 11 kagabi dahil sa malakas na hangin dala ng bagyong uwan.
00:26May mga punong bumagsak at yerong nabaklas dahil sa malakas na hangin.
00:31Sa pag-landfall ng super bagyo, mas lalong lumakas ang ulan sa lungsod.
00:36Naano na mga styrofoam at basura sa ilang pangunahing kalsada dahil sa naranasang pagpaha.
00:41Sa kabilang banda ng ibabaw ang bayanihan sa kasagsagan ng kalamidad.
00:45Nagtulungan ang mga residente at motorista na alisin ang mga puno at kawayang nakahambalang sa Perez Boulevard at sa bahagi ng Bunuan Gazette.
00:53Tatlong oras bago ang paghagupit ng bagyong uwan, ni-rescue ang pamilyang ito sa Sitcho Fisheries sa Barangay Maluud.
01:01Binuhat at isinakay sa Barangay Rescue Vehicle ang tatlong bata at gamit ng mga residente sa kaisinunod ang ilan pang kaanak kabilang ang sanggol.
01:10Ayon sa punong barangay, first time na lumikas ng mag-anak na nag-aalala sa kanilang kaligtasan, lalot bahay ng kanilang lugar at marami silang kasamang mga bata.
01:20Marami rin ang inilikas sa People's Astrodome ang mga evacuee, mga residente ng Barangay Lasip Grande.
01:27Ayon sa lokal na pamahalaan, sapat ang supply ng mga gamot at family food packs mula sa CSWD para sa mga pamilyang lumikas.
01:36Samantala sa bayan ng Pugo, La Union, kaliwat kanan pa rin ang pagsasagawa ng mga otoridad ng mga clearing operation sa lugar sa gitna ng pagbayo ng Super Typhoon 1.
01:46Sa ilang bayan tulad ng San Juan ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap sa mga residenteng lumikas sa kanilang tirahan.
01:53Alas 5 kahapon ay pumalo na sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga individual na nasa ilalim ng evacuation centers sa buong probinsya.
02:04Susan, as of 7pm kagabi ay pumalo na nga sa mahigit 2,000 pamilya na binubuo ng 6,241 individuals ang pansamantala munang nanunuluyan dito sa 33 evacuation centers sa Dagupan City.
02:20Dito sa People's Astrodome, isa sa mga tinututukan ng lokal na pamahalaan ay ang kalusugan ng mga residente.
02:27May mga ilan daw na nagkakasakit tulad na lamang ng ubo, lagnat at sipon pero agad naman daw ito nga naagapan ng City Health Office para hindi na rin magkaroon ng hawaan pa dito sa loob ng evacuation center.
02:39Yan muna ang mga unang balita mula rito sa Dagupan City. Balik sa inyo, Susan.
02:44Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
02:49Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
02:53Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment