Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Ang mga bangka, inilagay na muna malayo sa pampang para hindi masira ng alon at hangin.
00:37Bawal muna pumalaot at kansilado ang biyahe sa Virakport bilang pag-iingat sa bagyong uwan.
00:43Ayon sa provincial government, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation lalo sa coastal barangays.
00:48Sa kapitulyo ng Katanduanes, parami ng paramiang evacuees.
00:52Sa Sorsogon, tiniyak din ang mga maingisda na hindi masisira ng bagyo ang kanilang gamit pang kabuhayan.
01:02Stranded naman ang mga pasyero sa Piera sa Lucena na patungo sa nang marinduque at rumblon.
01:11Panay naman ang paalala ng mga opisyal ng barangay Magsaysay at Laya sa Tagkawayan, Quezon.
01:16Pinalika sa mga nakatira sa coastal area bilang paghahanda sa parating na bagyo.
01:22Inilikas na rin ang mga alagang hayop ng ilang taga-Gabaldon, Mueva Ecija.
01:27Hindi pa man kasi masyadong umuulan, bigla raw tumakas ang tubig sa ilog doon noong Huwebes.
01:32Paghupa ng baha, naiwan ang mga inanod na kahoy at basurang bumara sa ilalim ng tulay.
01:40Sa Zambales, sinuspindi rin ang paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagan.
01:46Ang Pangasinan PD-RMO, kasado na ang rescue team at equipment.
01:50Minomonitor na nila ang hazard-prone areas.
01:54Sa Lagupan City, binuksan ang People's Astrodome na magsisilbing evacuation center.
02:00Magpapatupad ng liquor ban ng LGU simula bukas hanggang sa lunes.
02:05Ang mga mayingisda, pinayuhang huwag pumalaon.
02:09Binabantayan ang posibleng muling pag-apaw ng Marusay River sa Kalasyao na posibleng magpabaha.
02:14Sa pagod po ni Locos Norte, inakyat din ng mga mayingisda sa mataas na lugar ang kanilang mga bangka.
02:22Naka-alerto ang LGU at nakastandby ang mga gamit pang rescue.
02:27Sa Buracay, ipinagbabawal na ang water support activities.
02:32Kasabay ng clearing operation, kasunod ng pananalasan ng bagyong Tino,
02:38naghahanda ang mga taga-gihulngan city sa Negros Oriental para sa bagyo.
02:43Pinag-aaralan ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga flood at landslide prone area.
02:50Malaking bahagi ng bansa ang sakop ng sirkulasyon ng bagyong uwan na maaaring umabot sa super typhoon category.
02:56Sabi pa ng pag-asa, mas malakas pa rin ang super typhoon Yolanda.
03:01Pero iba yung pag-iingat pa rin at paghanda.
03:03Lalo't gabi ito inaasang mag-landfall na mas delikado ayon sa pag-asa.
03:08Ang landfall niya ay gabi.
03:10So medyo mas challenging kapag gabi nagla-landfall ang isang bagyo kumpara sa umaga.
03:16Ang estimated natin, i-traverse na yung landmass 8 hanggang 10 oras.
03:22So beginning tomorrow evening hanggang Monday early morning.
03:28Si Yolanda nasa labas pa lang ng part.
03:31Talagang nasa mga very compact na siya.
03:34And then napakabilis ng kanyang movement.
03:37Kaya nang tumama siya dito sa may Eastern Visayas.
03:41Karamihan, lahat ng dinaanan niya talagang na-wash out.
03:45Nakataas niya ang Tropical Cyclone Warning ng bagyo sa Metro Manila.
03:48Sa Marikina, wala pang evacuation pero handa na ang mga gamit ng Barangay Tumana na madalas bahain.
03:55Medyo malakas itong bagyo eh.
03:57Halos lahat naman naghahanda na.
03:59Kaya hindi rin kami nagpaiwan sa Barangay Tumana dahil kami madalas din binabaha.
04:03Maraming low-lying area.
04:05Ayong mga gamit po, kanina pa po kami nag-aayos para may akiat po namin.
04:11Sa EDSA, nakarol yun na ang mga tarpulin mula sa mga naglalakihang billboard.
04:15Ito yung mga naglalakihang billboard dito sa gilid ng Guadalupe Bridge.
04:20Kung mapapansin nyo, nakarol yun na yung mga tarpulin bilang paghahanda sa bagyong uwan.
04:25Kung hindi kasi irorol yun ang mga tarpulin na yan,
04:28mas malaki ang chance ng bumagsak ang mga billboard at makapaminsalan ng mga gusali
04:32o di naman kaya makasakit ng mga motorista o pedestrians.
04:37Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
04:45NAMASTE
Be the first to comment
Add your comment

Recommended