Skip to playerSkip to main content
  • 19 minutes ago
Bagyong Uwan, lalapit at posibleng unang mag-landfall sa Catanduanes bukas | Signals 1-3 nakataas sa iba't ibang lugar 


Lalo pang nadadagdagan at tumataas ang wind signals habang patuloy ang paglakas at paglapit ng Bagyong Uwan.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Mga kapuso, tumutok po tayo at alamin ang latest sa Bagyong Uwan mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:09Salamat Ivan mga kapuso, lalo pang nadadagdagan na tumataas ang wind signals habang patuloy ang paglakas at paglapit ng Bagyong Uwan.
00:17Huling namataan ang Bagyong Uwan sa line 575 kilometers sa silangan po yan ng Katarman Northern Samar.
00:23At ito po, nung nakataas naman ngayon, ito po mga signals at unahin muna natin itong lokasyon.
00:28Again, yan po ay nasa 575 kilometers silangan ng Katarman Northern Samar.
00:33Tagayang lakas ang hangi nga abot sa 150 kilometers per hour at yung bugso naman nasa 185 kilometers per hour.
00:40Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
00:45Ayon po sa pag-asa, posibli pa rin itong maging super typhoon, maaring ngayong gabi o bukas kaya patuloy po kayong tumutok.
00:52Ngayon nakataas po ang signal number 3, dyan po sa Katanduanes, eastern portion ng Camarines Sur,
00:57eastern portion ng Albay, ganoon din sa northeastern portion ng Sursogon, at northeastern portion ng northern Samar.
01:04Nakataas naman ang signal number 2 sa eastern portion ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, at pati na rin sa Quezon.
01:16Kasama rin po dito ang probinsya ng Marinduque, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albayat ng Sosogon, at pati na rin ang Burias at Tikau Islands.
01:27Kasama rin po dito ang natitirang bahagi ng northern Samar, northern at central portions ng Samar, at ganoon din ang northern at central portions ng eastern Samar.
01:37Ito naman, nakataas po ang signal number 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayana, kasama ang Babuyan Islands, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at pati na rin sa La Union.
01:51Nasa ilalim rin ang signal number 1 ang Pangasinana, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Cavite, Batanga, satitirang bahagi po ng Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Oksidental Mindoro, Calamian Islands, at pati na rin ang Puyo Islands.
02:05Kasama rin po dito ang Dinagat Islands, ganoon din po ito pong natitirang bahagi ng Samar, natitirang bahagi ng eastern Samar, Biliran, Lete, Southern Lete, Buhol, northern at central portions ng Cebu, Bantayan at Camotes Islands, at ganoon din ang northern and central portions ng Negros Oksidental.
02:23At tinaasahan po natin, kasama rin sa mga nasa ilalim niyan, ito pong bahagi ng northern portion ng Negros Oriental, Gimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, at yung po tulad po na nabangit ko kanina, Dinagat Islands, Soligao del Norte, northern portion ng Agusan del Norte, at pati na rin ang northern portion ng Soligao del Sur.
02:43At mga kapuso, posible pa po na madagdagan yung mga nasa ilalim ng wind signals at pwede pa pong umabot ang babala hanggang sa wind signal number 4 at signal number 5.
02:54Base po dito sa latest track po ng pag-asa, bukas lang umaga ay maaring dumaan malapit o dumikit itong bagyong uwan dito sa bahagi po ng Katanduanes.
03:02May chance rin na dito po mismo, unang tumama o mag-landfall ang bagyo kapag lalo pang bumaba yung track o yung paggalaw po nito.
03:11Saka nito tutumbukin naman itong bahagi ng Aurora o Isabella area bukas ng gabi o lunas ng madaling araw kung saan po ito, posibleng magkaroon din ang landfall.
03:20Pagkatapos po yan, ay tatawali naman po nito ang mga kabundukan dito sa northern Luzon.
03:25Bukas linggo mga kapuso hanggang sa lunes ang pinakakritikal na mga araw dahil ito po yung mas malapit na ang bagyo, magkakaroon po ng landfall at tatawid pa yan sa lupa.
03:36Bukod sa mapaminsalang hangin na dala ng bagyong uwan, paghandaan din po natin ang matitinding buhos ng ulan na.
03:43Base nga sa datos ng Metro Weather, umaga palang bukas maulan na sa halos buong Luzon, lalong-lalong na dito sa Bicol Region, ganoon din sa Quezon, Aurora, pati po sa Cagayan at Isabella.
03:54Pag-sapit ng hapon hanggang gabi, mas magiging malawakan po yung mga pag-ulana.
03:59Matitindi at walang tigil ang buhos ng ulan, dito po yan sa Bicol Region, ganoon din sa Northern and Central Luzon, Calabar Zone at pati na rin sa malaking bahagi po ng Mimaropa.
04:09Nagbabala na rin ang pag-asa sa lagpas 200mm ng ulan, sa loob lang ng 24 oras, kaya napakalaki po ng bantanang baha o landslide.
04:19Dito naman sa Metro Manila, halos buong araw po ng mga pag-ulan din ang mararanasan, pero mas lalakas at lalawak po yung mga pag-ulan.
04:27Pag-sapit yan ng hapon at sa gabi.
04:30Sa Visayas at Mindanao naman, umaga, may mga malalakas sa ulan sa Summer and Leite Provinces, ganoon din dito sa ilang bahagi po ng Cebu, Bucol, Western Visayas at sa Negros Island Region.
04:41May ulan din dito sa Zamboanga Peninsula, pati na rin dito sa bahagi ng Barm.
04:46Halos ganito rin po sa hapon at may mga malalakas sa mga pag-ulan din sa ilang lugar, kaya dobling ingat.
04:52At mga kapuso, nananatili rin po ang bantanang storm surge na posibili pong umabot ng hanggang siyam o sampung talampakan, lalong-lalong na po sa mga dadaanan ng bagyong uwan.
05:03Kaya patuloy po kayong tumutok sa ating updates.
05:06Yan ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center. Maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended