Anumang oras mula ngayon ay posibleng mag-landfall ang Bagyong Tino na bahagyang pang lumalakas habang lumalapit sa Eastern Visayas at CARAGA region. Posible 'yang tumama o dumaan malapit sa Homonhon Island o Dinagat Islands, ngayong gabi o bukas ng madaling araw.
Sunod itong tatama sa Leyte o Southern Leyte bukas ng umaga. May mga lugar nang isinailalim sa signal number 4. Kabilang diyan ang ilang tinahak din ng Super Typhoon Yolanda, Nobyembre rin ng taong 2013 kaya ganun na lang ang pangamba ng mga residente para sa parating na bagyo.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Sunod itong tatama sa Leyte o Southern Leyte bukas ng umaga. May mga lugar nang isinailalim sa signal number 4. Kabilang diyan ang ilang tinahak din ng Super Typhoon Yolanda, Nobyembre rin ng taong 2013 kaya ganun na lang ang pangamba ng mga residente para sa parating na bagyo.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, ang napapanood ninyong namumula sa mapa ay ang Bagyong Tino, base sa satellite image nito.
00:15Sa lawak nito, Hagip, ang malaking bahagi ng Visayas at Hilaga ng Mindanao.
00:20At sa lakas nito, hindi bababa sa 8 lugar ang nasa ilalim ngayon ng wind signal number 4.
00:26Bukod pa sa maraming lugar na nasa ilalim ngayon ng signals number 1, 2, 3.
00:35Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:39Anumang oras mula ngayon nga ay posibleng mag-landfall ang Bagyong Tino,
00:45na bahagya pang lumalakas habang lumalapit sa Eastern Visayas at Caraga Region.
00:51Ilan sa mga lugar na yan ang tinahak din ng Super Typhoon Yolanda, Nobyembre ng taong 2013.
00:57Kaya ganun na lang ang pangamba ng mga residente para sa parating na bagyo.
01:02Kamustayin natin ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Nico Seren ng GMA Regional TV.
01:08Nico.
01:08Mel, Emil, Vicky sa ngayon ay nasa ilalim ng storm signal number 4 ilang bahagi ng Eastern Visayas
01:17kabilang dito sa kinatatayoan natin sa bayan ng Javier Leyte.
01:22Ngayong araw, puspusan ay sinagawang pre-emptive evacuation sa mga apektado.
01:26Makulimlim bago tuluyang umulan sa malaking bahagi ng Eastern Visayas kabilang sa Tacloban City, Leyte.
01:38Dahil sa karanasan sa ilang malalakas na bagyo tulad ng Super Typhoon Yolanda noong 2013,
01:44may ilang gustong magpakasiguro at lumikas sa mga hotel.
01:48Mabilis na napuno ang marami, kabilang itong isang hotel sa north area ng lungsod.
01:53Nga, kakulop pa kami namimilingin hotels kahit puro pulibok.
01:59O, katapos ama to nakabiling kami didi, so may dao pa.
02:03Iba nga niyan na, o, waray mahiram magpaka-reserve, so waray na.
02:10Naubusan din ang hotel ang dalawang kukuha sana ng nursing board exam
02:14bukas sa Tacloban City na galing pa sa Borongan City Eastern Samar.
02:19Hindi kami nag-expect nga mga puno kasi yung ibang hotel hindi naman direct naman mga puno.
02:29Hindi nila siguro magahanap kami.
02:31Maging sa San Jose Central School, sa Tacloban pa rin,
02:36tuloy-tuloy ang pagdating ng mga evacuee mula sa kalapit na barangay mula kagabi.
02:41Mahigit tatlong pong classroom ang ipinagamit sa mga residente.
02:44Nabahaan mong basta nagsigiguan na ulan. Kahit di bagyo hiyo, misan di siya bagyo, nabahaan mong bala.
02:53Ninsusulod kami hitubig.
02:55Sa huli ang pagsisisi. Amo ito. Kakulog pa kami din yan gabi mga alas unsi.
03:02Nakaranas na rin ang pagulan sa Giwan at sa iba't ibang lugar sa Eastern Visayas.
03:08Bago pa yan, ay nagtulong-tulong na ang mga taga Suluan Island na sakop ng bayan sa pag-akyat ng bangka nila sa mas matataas na lugar.
03:17Ito rin ang ginawa ng mga taga-isla ng homonhon sa parehong bayan para masigurong ligtas ang mga gamit pangisda.
03:25Kahapon pang naka-red alert sa Giwan, kaya pwersahan ng inilikas ang mahigit sandaang taga-barangay Victory Island na pinakamaliit na isla, papunta sa mainland Giwan.
03:36Kaninang umaga nakatali na sa mga sasakyang pandagat sa boat garage kung kanilang tawagin.
03:42Yung preemptive evacuation will cover doon sa mga storm source areas, flood front areas, landslide front areas, and of course yung mga tatamaan ng malalakas na hangin for the typhoon.
03:56So yun yung binigyan natin ng emphasis.
03:58So as of this time, binigyan natin ng window for the conduct of preemptive and forced evacuation ang ating mga local DRMC's until this afternoon kasi mararanasan na natin yung hangin mamayang gabi.
04:13Bung araw, Vicky naging maulan dito sa Eastern Visayas.
04:21Pero sa mga oras na ito, dito sa kinatatayo natin, tumilan ng ulan pero may mga pagambon paminsan-minsan.
04:27Puspusan ang pagbabantay ng mga LGU sa lahat ng mga apektadong residente na nasa evacuation centers na karamihan sa ngayon.
04:35Vicky, maraming salamat at ingat kayo, Niko Sareno ng GMA Regional TV.
04:41Dahil din, sa pantanang bagyong Tino, kaya stranded.
04:44Sa iba't ibang pantalan, ang daang-daang magsisi uwi na sana kasunod ng Undas Long Weekend.
04:51Binahan naman hanggang baywang ang ilang bahagi ng Agusan del Norte.
04:55Nakatutok si Tina, panganiban, pere.
04:58Hindi pa man tumatama sa lupa.
05:03Bumuhos na ang malakas na ulan sa kabadbaran sa Agusan del Norte.
05:07Kumakaw ang ilog, kaya rumagasa ang tubig.
05:14Malakas din ang agos ng tubig sa ilog sa bayan ng tubay.
05:19Kaya ang bahagi ng Proc 3 sa barangay Tagmamarkay, Binaha.
05:23Hanggang bewang ang tubig na perubisyo sa mga residenteng pinasok ng tubig ang bahay.
05:33Pati ang kalsadang ito, hirap ng madaanan.
05:36May tumirik pang sasakya na kailangang itula.
05:42Hirap ding madaanan ang National Highway sa bayan ng Santiago.
05:46Doon ito naman kalakas ang hangin sa Kamotes Island na nasa signal number 4.
05:59Nagdulot ang pagbaha ang malalakas na ulan sa Bae City, Negros Oriental.
06:04Nakataas ang signal number 2 roon na sa Bagyong Tino.
06:09Pati sa Dumaguete City, kung saan ilang sasakyan pandaga ang stranded sa pantalan.
06:15Isinampan na ng mga manging isda sa pampang ang kanilang mga bangka para hindi mapinsala.
06:23Sa bulan sorsogon, pila na ang mga truck dahil sa mga sinuspindin biyahe sa Leyte at Masbate dahil pa rin sa Bagyo.
06:31Base sa nakalap na datos ng GMA Integrated News,
06:35umabot na sa mahigit 1,500 pasahero at 400 sasakyan ang stranded ngayon sa Bicol Region.
06:44Sa Catanduanes, itinaas na ang Blue Alert bilang paghahanda sa posibleng hagupit ng bagyo.
06:51Sinuspindi na rin muna ang paglalayat ng lahat ng klase ng sasakyang pandagat.
06:56Nagpatupad naman ang preemptive evacuation sa halos 270 individual sa bayan ng Getafe sa Bohol.
07:06Sila yung mga nakatira sa mga isla at malapit sa baybayin.
07:09Itinabi na rin ang mga manging isla ang kanika nilang mga bangka.
07:14Para sa GMA Integrated News,
07:17Tina Panganiban Perez,
07:19Nakatuto,
07:2024 oras.
07:22Pinangangambahan naman ang mga naglalakihang alon sa ilang lugar sa Surigao del Norte kung saan nakataas ang signal number 4.
07:30Sa Surigao City, may mga sapilitan ng inilikas at may mga residenteng nagpanikbahing.
07:37Ang latest na sitwasyon doon tinutukan po live ni James Paolo Yap ng GMA Regional.
07:43James.
07:44Vicky, forced evacuation ang ipinatupad ng Surigao City sa mga lugar na bahain at sa mga may chance ang abutin ng storm surge.
08:00Pasado alas 7 ng umaga pa lang, may kasabay ng pabugsubugsong hangin ang mga pagulan dito sa Surigao City.
08:07Dito nga sa Porok Rojas, sa barangay Washington, ay puspusa na ang paghahanda ng ilang mga residente.
08:14Itong isang puting bahay ay tinalian na nga ng lubid ang kanilang bubong upang hindi ito madala kung sakali mang lumakas pa ang hangin.
08:23Kagapon pa niyang tinalian ko.
08:25Bakit sir?
08:26May malakas na hangin baga masira pa.
08:32Kagabi pang may lumikas tulad ng mga taga barangay Washington
08:35na nagpuntang CVJS Central School.
08:38Paniguro lang kasi may mga apwa po marami.
08:42At pagsapit ng pasado alas 2 ngayong hapon,
08:45ay ipinatupad na ang forced evacuation sa mga nakatira sa delikadong lugar.
08:50Base sa forecast ng pag-asa,
08:52posibleng makaranas ng hanggang 3 metrong taas na daluyong o storm surge sa mga baybay ng lungsod.
08:58Hindi lahat ng barangay may mga hazard areas.
09:02So may mga portions lang, may sityo or ipuro or isend a certain number of households.
09:10Malapit kami sa dagat.
09:12Nanigurado lamang para 50 kami.
09:15Ilang mga residente naman ang namilinan ng grocery supplies bilang paghahanda sa bagyo.
09:20Kasi magbabagyo.
09:22O.
09:23So matatakot kayo na magkaubusan?
09:26Parang gano'n na nga po.
09:27Ano po yung parang gano'n?
09:28Magkakaubusan ng pagkain.
09:31Kaya bibili ako.
09:32Kahapon nga, may nagpanikpahing ayon sa City Hall.
09:36Dahil sa mga anunsyong, hindi magbubukas ang mga supermarket at mga banko ngayong araw.
09:41Pero agad naman daw nila itong narisolba.
09:44We were able to make recommendations for them to open today para to give way also for preparation ng mga tao.
09:53Kung kailangan nila mamili, kailangan nila mag-secure ng pera.
09:56So we're very thankful na wala nang panikbaying.
10:01Vicky, as of 5pm, nasa mahigit 2,000 na pamilya na ang nailikas na mga otoridad dito sa Surigao City
10:14at nagpapatuloy pa nga ang pagsasagawa ng forced evacuation dito sa ibang bahagi pa ng Surigao City.
10:21Target ng LGU na mailikas ang 3,500 na mga pamilyang naninirahan sa hazard areas dito sa Surigao City.
10:30Vicky?
10:31Ingat! At maraming salamat sa iyo, James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
10:39Mga kapuso, kuha na tayo ng updates sa Bagyong Tino kasama si Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
10:47Amor, hanggang kailan magpapaulan ang bagyo?
10:52Salamat, Emil. Ako mga ilang araw pa yan.
10:54At mga kapuso, lalo pang lumakas itong Bagyong Tino habang patuloy na lumalapit sa landmass.
10:59Nakataasa po ang signal number 4 sa extreme southeastern portion ng Eastern Samar, southern portion ng Lete, Southern Lete, Camotes Islands, at pati na rin sa northeastern portion ng Buhol.
11:10Kasama rin po dyan itong Dinagat Islands, Siargao Islands, at ganun din ang Bucas Grande Islands.
11:16Dito po posibleng maranasan yung mapapansalang hangin, yung pumapaminsala po yan dahil po dito talagang mararamdaman yung pinakamatitinding bugso na dala po nitong Bagyong Tino.
11:25Signal number 3 naman sa southern portion ng Eastern Samar, southern portion ng Samar, central portion ng Lete, pati na rin po dito sa northern at central portions ng Cebu, Bantayan Islands, at pati na rin sa central and eastern portions ng Buhol.
11:40Nakataasa po ang signal number 3 sa northern portion ng Negros Oriental, northern portion ng Occidental, o yan po sa may Negros Occidental po yan, Dimaras, eastern portion ng Iloilo at pati na rin sa natitirang bahagi ng Surigao del Norte.
11:55Ito naman po nakataas ang signal number 2 sa southern portion ng Masbate, southern portion ng Romblon at pati na rin sa Cuyo Islands.
12:02Kasama rin po dito ang central portion ng Eastern Samar, central portion ng Samar, pati na rin po ang natitirang bahagi ng Lete, Biliran, natitirang bahagi ng Buhol, natitirang bahagi ng Cebu, at ganun din ang central portion ng Negros Oriental.
12:17Kasama rin po dito ang natitirang bahagi ng Negros Occidental, Siquijor, Capiz, natitirang bahagi ng Iloilo, pati na rin po ang Aklan, at ganun din ang Antique.
12:27Ito naman po ang signal number 2, nakataas din po yan sa ilang bahagi po ng Mindanao, kasama po dyan ang northern portion ng Surigao del Sura, northern portion ng Agusan del Sura, northern portion ng Agusan del Norte, at pati na rin sa Camigina.
12:41Signal number 1 naman po ang nakataas dyan po sa Albaya, Sursogon, natitirang bahagi ng Masbate, Tikau at Bureas Islands, southern portion ng Quezon, southern portion ng Marinduque, natitirang bahagi ng Romblon, at pati na rin po sa Oriental Mindoro.
12:56Kasama rin po dito itong bahagi ng Occidental Mindoro, northern and central portions ng Palawan, Calamian Islands, at ganun din sa Cagayan Silyo Islands.
13:05Signal number 1 din po ang nakataas dito naman sa northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, natitirang bahagi ng Summer Province, at pati na rin ang natitirang bahagi ng Negros Oriental.
13:16Sa Mindanao, kasama rin po ang natitirang bahagi ng Surigao del Sura, central portion ng Agusan del Sur, natitirang bahagi ng Agusan del Norte, Misamis Oriental, northern portion ng Bukidnon, northern portion ng Misamis Occidental, at pati na rin sa northern portion ng Zamboanga del Norte.
13:33Mga kapuso, sa mga nabanggit pong lugar, napakarami po niyan, pusili po maranasan yung malakas sa bugso ng hangin na may kasama mga pagulan.
13:41At ito po, nagbabala rin ang pag-asa sa banta ng storm surge o yung daluyong naaabot po mula isa hanggang tatlong metro ang taas, dito yan sa Caraga Region, pati na rin po dito sa buong Visayas, at ganun din sa ilang bahagi ng Mindoro Provinces at ng Palawan.
13:57So ito po yung malaki po, yung level ng tubig o mataas po yung pag-angat nito po nga ating dagat, kaya dobli ingat.
14:04Huling namataan ang sentro ng Baguio Tino, 170 kilometers east-southeast ng Giwan Eastern Summer.
14:10Taglay po ang lakas ang hangin na abot na sa 130 kilometers per hour, at yung bugso po niyan, nasa 160 kilometers per hour.
14:18Ito po ay kumikilos pa kanlura na sa bilis na 20 kilometers per hour.
14:24Sa latest track po na inalabas ng pag-asa, posibleng mag-landfall o di kaya naman kung hindi po talagang tumama,
14:29e dumaan po malapit dito sa Humonhon Island or sa Dinagat Islands, itong Baguio Tino.
14:35Ngayong gabi po yan o bukas ng madaling araw.
14:38Sunod po itong tatama dito sa Maylete o kaya naman sa Southern Lete.
14:42So ibig sabihin po yan, depende pa kung aangat o di kaya naman po ay bababa itong bagyo.
14:46Tatawi rin po nito itong iba pang bahagi ng Visayas.
14:49So pwede po dito sa Cebu, Bohol, o kaya naman dito po, next po niya na tatawi rin ito pong Negros Island Region.
14:56At pati na rin po ang ilang bahagi ng Western Visayas, maari po kasama dyan ang Antique, Aklan, Capiz, at pati na rin pong Iloilo o Gimara.
15:04So depende po po yan, ito po yung mga pasok dito sa ating Cone of Probability o Area of Probability.
15:10Ito po yung mga posibleng daanan nitong bagyo.
15:12At posibleng naman po after po yan sa Visayas ay dumerecho po yan.
15:16Dito sa may Northern Palawan, bukas po yan hanggang Merkolas po ng madaling araw.
15:22Ayun po sa pag-asa, posibleng pong makalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility pagsapit po ng Webes.
15:30At bukod po sa Baguantino, magpapaulan din sa ating bansa itong Shear Line at ganun din itong Amihan o yung Northeast Monsoon.
15:37So titignan po natin dito sa ating Metro Weather.
15:40Inaasahan po natin ngayong gabi at yan po ay bukas ng madaling araw rin mararanasan po yung mga pag-ulan.
15:46Dito yan sa may Cagayan, pati na rin po dito sa may Cagayan Valley.
15:51Kasama po dito ang Cagayan Isabela, Eastern Sections ng Southern at pati na rin po ng Central Luzon.
15:56So kasama po dyan, ito pong Quezon Province, ganun din po ang Bicol Region at ilang bahagi po ng Calabar Zone, Mindoro Provinces at pati na rin sa Palawan.
16:06At dito naman po yung pinakamatitinding mga pag-ulan.
16:10Inaasahan po natin, dapat maghandaan dito po yan sa malaking bahagi po ng Visayas.
16:15Actually po, halos buong Visayas po makakaranas.
16:18Dito po mabababad yung mga pag-ulan, mga malalakas sa pag-ulan sa Caraga Region, pati po dito sa Visayas.
16:24So kasama po dito, Summer and Later Provinces, ganun din yung Buhol, Cebu, pati na rin po itong Western Visayas.
16:32At ito rin po nga, Negros Island Region.
16:34So kung nakikita po ninyo, ito po meron po mga nagkukulay pula at kulay pink.
16:39Ibig sabihin po nyan, yan po yung intense to torrential na mga pag-ulan.
16:43Yan po yung mga matitindi at halos tuloy-tuloy na mga pag-ulan.
16:48Para po bukas, umaaga po may mga pag-ulan pa rin.
16:50Dito po yan sa Cagayan, Isabela, Cordillera, Aurora, Quezon, Quirino, Bicol Region at pati na rin.
16:58Dito po yan sa ilang bahagi ng Mimaropa.
17:01At mga kapuso, magtutuloy-tuloy po yung mga pag-ulan sa hapon at mas marami na pong mga matitinding buhos ng ulan.
17:07Dito po yan sa Quezon, pati na rin po sa Mindoro at ganun din sa Palawan.
17:13Yung western section po ng Luzon, pwede rin po makaranas na mga kalat-kalat na mga pag-ulan kaya dobly ingat pa rin.
17:19Dito naman sa Metro Manila, posible rin pong maulit yung mga pag-ulan gaya po nang naranasan natin kanina.
17:25Dahil po yan sa shear line o kaya naman po ay sa localized thunderstorms.
17:29Maulan pa rin bukas ang umaga sa buong Visayas at meron po tayo mga nakikitang mga matitinding pag-ulan pa rin.
17:36Dito sa western Visayas at pati na rin sa Negros Island Region.
17:41So nandito pa rin concentrated yung matitinding ulan.
17:44Halos ganyan din pong inaasahan natin sa hapon kaya maging alerto pa rin sa bantapo ng baha o landslide.
17:51Sa mga taga Mindanao naman, may chance po ng ulan bukas ng umaga dito sa May Zamboanga Peninsula at pati na rin sa Sulu Archipelago, Northern Mindanao at ilang bahagi po ng Soksarjena.
18:03Pusible na rin po yung maranasan sa iba pang bahagi ng Mindanao pagsapit po yan ng hapon kasama ang Karaga, Davao Region at pati na rin po ang BARM.
18:12Samantala mga kapuso, hindi pa man tapos manalasa itong Bagyong Tino.
18:17May bagong low pressure area na agad na minomonitor po ang pag-asa sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
18:24Yan po ay namataan more than 2,000 kilometers sa silangan po ng Northeastern Mindanao.
18:30Ayon po sa pag-asa, may chance na itong maging bagyo kaya patuloy rin po natin yung tututukan sa mga susunod na araw.
18:38Yan ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
18:44Maasahan anuman ang panahon.
18:47Mga kapuso, wala pong pasok sa ilang lugar bukas dahil sa inaasaang efekto ng Bagyong Tino.
18:53Kabilang dyan ang ilang bayan sa Cebu Province.
18:55Buong Samar, Eastern Samar at ilang probinsya sa Leyte at Southern Leyte.
19:02Maraming bayan at syudad din sa Negros Occidental ang nagsuspindi ng klase sa lakad ng antas sa pampubliko at pribadong paralam.
19:11Wala rin pasok sa lahat ng antas sa ilang bayan sa Aklan.
19:20Ganyan din sa Capiz at probinsya ng Iloilo.
19:28Ang Lapu-Lapu City at ilang bayan naman sa Cebu Province, face-to-face klases sa lakad ng antas ang sinuspindi.
19:35Wala rin face-to-face klases sa Kalibo Aklan, ilang bayan sa Antike, Roca City at Dumaraw sa Capiz,
19:42Leyon sa Iloilo at ilang syudad at bayan sa Negros Occidental.
19:48Wala namang pasok ang pre-school hanggang senior high school sa maayon na Capiz.
19:56Maagang nagsilikas ang mga residente sa Talisay, Cebu dahil sa banta ng Bagyong Tino.
20:02Kamustay na natin ang efekto ng bagyo sa live na pagtutok ni Fe Marie Dumabok ng GMA Regional TV.
20:08Emil, pagpapa-evacuate ng mga residente na nakatira sa flood-prone areas at coastal areas ng Talisay City, Cebu,
20:20ang isinagawa kaninang umaga bilang paghahanda sa posibleng efekto na dala ng Bagyong Tino.
20:26Nag-ikot ang mga opisyal ng barangay na nasa coastal at flood-prone areas sa Talisay City sa Cebu
20:37para palikasin ang mga residente habang panakanakang pagulan pa ang naranasan kaninang tanghali.
20:43Ang mga taga-barangay poblasyon hindi na raw magmamatigas at lilikas na dahil nadala na raw sila
20:49ng tamaan ng Typhoon Udet noong December 2021.
20:52Mga alas 10 sa buntag, karang buntag.
21:19O, safety lang daan kay Kuyara ba kayo ni Sintro Rabata sa Bagyo.
21:25Isa sa panawagan ng barangay sa mga lilikas ngayong araw magdala ng panghapunan.
21:30Bukas, barangay na raw ang sasagot sa buong araw ng meals ng evacuaries.
21:34Sabi ng barangay, magpapatupad na sila ng forced evacuation kung may iba pa na hindi pa rin lumikas.
21:40Mayroong tatlong evacuation site ang barangay poblasyon.
21:43Ang mga bangka naman inilipat na sa mas mataas at mas ligtas na lugar.
21:47Ako lagi pababaw kay panginabuhian na bato na mo.
21:52Makuha niya ito, dami siya ito may kuyo, kaya wala naging kuyo panitaan niya.
21:57Sa barangay Dumlog, kaninang tanghali aabot na sa mahigit isang daang pamilya
22:01o na sa mahigit apat na raang individual ang pina-evacuate sa kanilang mga evacuation center.
22:06Emil, kahapon pa lang naka-red alert status ng buong probinsya ng Cebu.
22:14Samantalang kaninang umaga, nagdeklara ang OCD-7 na red alert status ang buong rehyon.
22:20Activated na rin ang operation center ng Cebu Provincial Capital upang maging mabilis ang koordinasyon sa mga lungsod at bayan
22:26kung kinakailangan lalo na sa mga rescue operation.
22:29Samantalang simula kaninang umaga hanggang ngayong gabi, nararanasan ng halos walang tigil na pagulan
22:36sa iba't ibang bahagi ng probinsya ng Cebu, lalo na rito sa Cebu City.
22:41Emil, maraming salamat, Fe Marie Dumabok ng GMA Regional TV.
Recommended
0:46
|
Up next
1:42:48
1:57:09
1:36:00
1:24:11
1:23:07
1:31:07
Be the first to comment