Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At alamin na natin ang latest sa galaw ng Bagyong Paolo na humagupit sa malaking bahagi ng Luzon matapos itong mag-landfall kanina sa Isabela.
00:13Ihahatid yan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor!
00:20Salamat Vicky! Mga kapuso, bahagyang humina ang Bagyong Paolo matapos itong tumawid sa lupa.
00:25Pero maaari pa rin itong magdala ng malakas na bugso ng hangin at ulan sa mga susunod na oras sa malaking bahagi ng Luzon.
00:33Alaswebe na umaga kanina na mag-landfall itong Bagyong Paolo dito po yan sa Dinapigay Isabela.
00:39Saka po nito tinawid itong bahagi ng Northern Luzon hanggang sa makarating po yan dito sa bahagi naman ng West Philippine Sea.
00:46Dahil po sa interaksyon itong Bagyong Paolo dito sa lupa at ganun din po sa mga bundok, mula po sa typhoon category ay humina ito bilang isang severe tropical storm.
00:56Sa latest, bulitin ang pag-asa sa huling namatahan ng sentro ng Bagyong Paolo sa coastal waters ng Santa Cruz, dyan po yan sa Ilocosura.
01:04Tagla ito ang lakas ang hangin nga abot sa 110 kilometers per hour at yung pabugso naman ito nasa 165 kilometers per hour.
01:12Kumikilos po yan pa West-Northwest sa bilis na 35 kilometers per hour.
01:17Ayon po sa pag-asa, magtutuloy-tuloy na ang pagkilos ito papalayo dito sa ating bansa.
01:22At posibleng bukas po ng umaga ay makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility.
01:28At sa susunod na labing dalawang oras, maaari po itong lumakas ulit bilang typhoon category pero yan naman po ay papalayo na nga dito sa Pilipinas.
01:36Sa ngayon naman, may nakataas pa rin na wind signals sa malaking bahagi po ng Luzon.
01:42Signal number 3 sa Ilocos Sur, ganoon din sa La Union, southwestern portion ng Abra, western portion ng Kalinga, western portion ng Mountain Province, ganoon din sa western portion ng Ifugao at ng Benguet.
01:53Signal number 2 naman na nakataas sa southern portion ng Ilocos Norte, Pangasinana, natitiram bahagi ng Abra at ng Kalinga, natitiram bahagi ng Mountain Province at ng Ifugao,
02:02pati na rin po dito sa western portion ng Isabela at ganoon din sa northwestern portion ng Quirino.
02:09Kasama rin sa signal number 2, ito pong northern and central portions ng Nueva Biscaya at pati na rin ang northernmost portion ng Nueva Ecija.
02:18Habang yung signal number 1 naman, nakataas po yan sa natitiram bahagi ng Ilocos Norte,
02:23sa may Apayao, Batales, mainland Cagayan, Babuyan Island, sa titiram bahagi ng Isabela at ng Quirino, ganoon din sa natitiram bahagi po ng Nueva Biscaya,
02:32Aurora at natitiram bahagi ng Nueva Ecija, pati na rin po dyan sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Quezon at pati na rin sa Pulillo Island.
02:42So, posible pa rin po dito maranasan yung malakas sa bugso ng hangin, pero posible naman na sa mga susunod na oras ay mabawasan na po o medyo maibaba na po itong mga babalanang pag-asa,
02:53kaya tutok lang po kayo sa mga susunod na bulletins.
02:56Kahit papalayo na po ang Bagyong Paulo, posible pa rin makaranas na mga pag-ulan ang ilang bahagi po ng ating bansa ngayong weekend.
03:04Base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi muna, may mga pag-ulan pa rin po sa malaking bahagi ng Luzon kasama po dyan.
03:10Itong nga northern and central Luzon, pati na rin ang ilang bahagi ng Mimaropa at ng Calabar Zona.
03:16Dito naman sa Visayas at Mindanao, may mga kalat-kalat na pag-ulan, kaya po posible pa rin po dyan yung mga thunderstorms.
03:22Bukas naman ng umaga, unti-unti pong mababawasan yung mga pag-ulan sa malaking bahagi po ng ating bansa,
03:28lalo na po dito sa Luzon na dinaanan po ng Bagyong Paulo, yung po mga pag-ulan mapupunta na po dito sa Maydagat.
03:34Maliba lang dito sa western sections po yan ng central and southern Luzon.
03:38Sabado ng hapon, may mga pag-ulan ulit sa ilang bahagi po ng Ilocos region,
03:43ganoon din dito sa Maycaguen Valley, Cordillera, Central and Southern Luzon, pati na rin sa malaking bahagi po ng Bicol region.
03:51May mga kalat-kalat na ulan din sa bahagi po ng Visayas, lalong-lalo na po dyan sa May western portions,
03:57kasama na rin itong Negros Island region, pati po dito sa May Cebu, Bukol, at pati na rin sa May Summer and Leyte provinces.
04:05At dito naman sa Mindanao, may nakikita rin po tayo ng mga malalakas na pag-ulan.
04:09At pagsapit po ng linggo, sa hapon din, posibleng may mga pag-ulan dito po yan sa halos buong bansa.
04:15Kung makikita po ninyo sa ating mapa dito, halos buong bansa po ay may mga nagkukulay.
04:20Yan po yung, ibig sabihin po niyan, dyan po mararanasan yung mga pag-ulan.
04:23At may mga malalakas na pag-ulan pa rin dahil po sa thunderstorms,
04:27kaya maging alerto pa rin sa bantanang baha o landslide.
04:30Sa Metro Manila, posibleng pa rin po ang ulan o thunderstorms, lalong-lalo na po yan bago magtanghali o hapon.
04:37At pwede rin maulit sa gabi.
04:38Kaya kung may lakad po kayo this weekend, huwag kalimutang magdala ng payong.
04:43Yan ang latest sa ating panahon.
04:45Ako po si Amor La Rosa.
04:46Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
04:50Kaya kung may lakad po kayo this weekend, huwag kalimutang magdala ng payong.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended