00:00Samantala, binigyan ng full military honors sa mga sundalong nasawi sa bumagsak na helicopter ng Philippine Air Force kamakailan.
00:09Yan ang ulit ni Gav Villegas.
00:12Dumating na kagabi sa Villamore Airways ang labin ang apat na nasawi sa pagbagsak ng isang super Huey helicopter ng Philippine Air Force sa bayan ng Loreto sa Agusan del Sur
00:23habang nagsasagawa ng humanitarian at disaster response matapos tumama ang bagyuntino nitong Martes.
00:307.20 ng gabi nang lumapag ang C-130, sakay ang mga labini na Captain Paulie Dumagan, 2nd Lieutenant Royce Luis Camigla, Sergeant John Christopher Golfo at Airman First Class Erickson Merico.
00:45Emosyonal ang mga pamilyang naulila habang papalapit sila sa mga metal coffin kusaan nandoon ang labi ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
00:59Ang mga bagong bayani na ito ay binigyan ng full military honors sa pangungunan ng Air Force Commanding General, Lieutenant General Arthur Cordera.
01:08Tinanggap ng mga kaanak ang posthumous awards at mga distinguished aviation crosses ng kanilang mga kaanak bilang bahagi ng 505th Search and Rescue Wing ng Air Force.
01:21Bago nito sa ganap na 4.47pm, lumipad ang C-130 plane mula sa Davao kasama ang kanilang mga labi.
01:29Sila ay binigyan ng departure honors bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan, dedikasyon at mga sakripisyong ginawa nila para sa bansa.
01:39Ang labi ni Sergeant Ivesihub ay binigyan din ng departure honors ng Eastern Mindanao Command bago dalhin ang kanyang labi patungo sa General Santos alas 9 ng umaga kahapon.
01:52Si Hermant Amir Kaydar Apion ay binigyan din ng departure honors bago dalhin ang kanyang labi sa Edwin Andrews Air Base sa Sambuanga.
02:02Tinitiyak na Air Force na magbibigay sila ng mga kinakailangan tulong sa mga naulilang pamilya ng mga Air Force personnel.
02:10Kabilang ang tulong nakatumbas na 6 na buwan ng sahod na mga may tuturing na fallen heroes.
02:16Aside from that po, meron din po yung mga savings and loans associations din po and of course meron din po i-extend yung ibang organizations din po ng Air Force.
02:29And para naman po dun sa mga, yung pagpunta po dito ng mga kamag-anak actually muna, yung pag-asikaso din po sa kanila,
02:40ayun din po yung i-assist po natin sila hanggang po sa burial po.
02:45And also dahil nga po dito sa kagitingan po ng ating mga Airmen, all AFP personnel,
02:51are entitled to be buried at libingan ng mga bayani if the family would be allowing them to.
03:00But sometimes po yung mga ano rin po, ibang families, mas gusto nila na iuwi po dun sa mga probinsya.
03:07Ang mga labi ni Sgt. Golfo ay dadalhin sa kanyang bayan sa Alfonso Cavite,
03:13habang ang mga labi ni Airman First Class Merico ay ibibiyahe patungong Quezon Province.
03:20Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pagbibinas.