00:00Samantala, naiuwi na ang mga labi ng apat na nasawi sa bumagsak na superheway helicopter ng Philippine Air Force
00:08habang nagsasagawa ng humanitarian aid sa Agusan del Sur.
00:12Tiniyak naman ng Philippine Air Force ang tulong para sa mga naulilang pamilya.
00:18Ang detalya sa report ni Gav Villegas ng PTV.
00:21Dumating na kagabi sa Villamore Airways ang labi ng apat na nasawi sa pagbaksak ng isang superheway helicopter ng Philippine Air Force sa bayan ng Loreto sa Agusan del Sur
00:35habang nagsasagawa ng humanitarian at disaster response matapos tumama ang bagyuntino nitong Martes.
00:427.20 ng gabi nang lumapag ang C-130, sakay ang mga labi ni na Captain Poli Dumagan,
00:492nd Lt. Royce Luis Camigla, Sgt. John Christopher Golfo at Airman 1st Class Erickson Merico.
00:58Emosyonal ang mga pamilyang naulila habang papalapit sila sa mga metal coffin kusaan nandoon ang labi ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
01:08Ang mga bagong bayani na ito ay binigyan ng full military honors sa pangunguna ng Air Force Commanding General Lt. Gen. Arthur Cordera.
01:21Tinanggap ng mga kaanak ang posthumous awards at mga distinguished aviation crosses ng kanilang mga kaanak bilang bahagi ng 505th Search and Rescue Wing ng Air Force.
01:33Bago nito sa ganap na 4.47pm, lumipad ang C-130 plane mula sa Davao kasama ang kanilang mga labi.
01:41Sila ay binigyan ng departure honors bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan, dedikasyon at mga sakripisyong ginawa nila para sa bansa.
01:51Ang labi ni Sgt. Ivesihub ay binigyan din ng departure honors ng Eastern Mindanao Command bago dalhin ang kanyang labi patungo sa General Santos alas 9 ng umaga kahapon.
02:04Si Airman Amir Qaidar Apion ay binigyan din ng departure honors bago dalhin ang kanyang labi sa Edwin Andrews Air Base sa Sambuanga.
02:14Tinitiyak na Air Force na magbibigay sila ng mga kinakailangan tulong sa mga naulilang pamilya ng mga Air Force personnel.
02:22Kabilang ang tulong nakatumbas na 6 na buwan ng sahod na mga may tuturing na fallen heroes.
02:28Aside from that po, meron din po yung mga savings and loans associations din po and of course meron din po i-extend yung ibang organizations din po ng Air Force.
02:41And para naman po dun sa mga, yung pagpunta po dito ng mga kamag-anak actually muna, yung pag-asikaso din po sa kanila,
02:53ayun din po yung i-assist po natin sila hanggang po sa burial po.
02:57And also dahil nga po dito sa kagitingan po ng ating mga Airmen, all AFP personnel,
03:03are entitled to be buried at libingan ng mga bayani if the family would be allowing them to.
03:12But sometimes po yung mga ano rin po, ibang families, mas gusto nila na iuwi po dun sa mga probinsya.
03:19Ang mga labi ni Sgt. Golfo ay dadalhin sa kanyang bayan sa Alfonso Cavite,
03:25habang ang mga labi ni Airman First Class Merico ay ibibiyahe patungong Quezon Province.
03:32Para sa Integrated State Media, Gab Villegas ng PTV.